Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Your Architect Mom
CS Mom
Scheduled CS this jan.31.? Kinakabahan and may fear po talaga ako sa injection.Any advice mga mommy? *ano po mga dapat kong paghandaan *sobrang sakit po ba ng epidural? *ilang araw po bago maghilom ang tahi? *masakit po ba pag panay tayo halbawa iihi?o need mag diaper nlang? pahelp naman po..first time mom po. first time din maooperahan?
Maternity Shoot?
collecting memories with my girl ? @ 30weeks & 5 days..?? EDD: Feb.11, 2020
ML pa more!??
Pa rant lang po.Naiinis kasi ako sa lip ko.Tuwing gabi na nga lang kami nagkkita ,nagkakasama tapos paguwi pa galing trabaho panay pa din ang kaka ML.Fully bedrest po kasi ako,bahay lang mghapon.So syempre inaantay ko sya,nagiexpect ako na lalambingin nya naman ako or kahit kwentuhan lang ba.Nkakauwi sya ng 9pm tapos magiML na yan pagkakain,umaabot un ng 2-3hrs.Grabe,ang manhid nya.Ilang oras na nga lang kami nagkakasama e tapos ganun pa.alam myo un,nawawala na ung bonding moment naman sana namin.Kasi maya2 tutulog na,ayoko naman na istorbohin kasi alam ko pagod sa trabaho.Ang akin lang kahit sana ung 2-3 hrs na un okay na saken un e.Tapos ang nakakairita pa madalas panay mura pa kasi naiinis sa mga kalaro daw nya. Hays ang hirap mging karibal ng ML mga momsh.Nakakasama lang ng loob.?? nakakailang konfronta na ko sa kanya,ilang beses na sya nagsorry at di na daw uulitin,mas magbbigay na daw time saken at kay baby pero after ilang araw ganun na naman sya.Maaya lang ng mga kaibigan maglaro, G naman sya. Anong gagawin ko mga momsh??Ang sama2 ng loob ko sa kanya.
Pasuggest po which one mas maganda second name for Arkizia?Thanks!☺️
Ano po mas maganda second name sa Arkizia?? A. Arkizia Jade B. Arkizia Claire C. Arkizia Haze D. Arkizia Celine E. Arkizia Faith
Sana po may makapansin?
hi po.ask ko lang if possible malaman kung kelan exact naipunla si baby sa tummy ko.Kasi first TVS ko is 8 weeks na tyan ko that was June 30.2 months na po sya.So ask ko lang po if last week ng april or April 30 exact din namin sya ginawa ng bf ko? haha sana makapagexplain.?curious lang po.thank you
paadvise po..
good morning po.sorry medyo mahaba ask lang po ako ano ggawin ko.dito na kasi ako nakatira sa bahay na pamilya ng boyfriend ko.since maselan ang pagbubuntis di na ko pinagtrabaho ni bf.kaya ako ang laging naiiwan dito magisa.kasi may mga trabaho mga kasama ko dito.tuwing gabi ko lang sila nakikita. nahihirapn na po kasi ako gantong sitwasyon.madalas kasi akong nahihilo at sinisikmura.eh ako lang lagi magisa dito.minsan pakiramdam ko magcocolapse na ko sa sobrang hilo.nagaalala ako pano pag nangyari nga un at ako lang magisa dito.tsaka po sa usapng pagkain naman,minsan po kasi hindi nakakapamalengke,minsan wala ako maiulam dito.minsan nalilipasan ng gutom.hindi ko po alam pero dala na din siguro ng pagbubuntis, hindi sa pagiinarte,minsan kahit naman may ulam hindi ko talaga gusto.parang mas hinahanap ko ung luto ng ate ko dun sa tlagang bahay namin ng pamilya ko. madalas din po past 10 or 11pm na nakakauwi mga kasama ko dito. sila po kasi bumibili ng ulam kaya minsan kahit gutom na ko aantayin ko pa sila dumating para makakain na din ako.madalas po nanginginig na ko sa gutom.pero wala e,kelangan ko magantay.syempre nakikisama kasi nakikitira lang ako dito. kaya kahapon di ko na talaga nakayanan tumawag ako sa ate ko.sabi ko lutuan nya naman ako ng ulam na gusto ko,(ulam na hinahanap ko kasi buntis lang po).di ko napigilan at napahagulgol nalang ako sa ate ko at nakwento ko nga na ganun ung nangyayare saken dito.sabi tuloy ng ate ko uwi nalang ako samen.at least dun may makakasama ko lagi.malulutuan ako ng mga gusto ko ulam.mabibilhan ako agad ng gusto ko kainin.dito po kasi malayo ang palengke.kaya po parang gusto ko din tlaga umuwi samin kahit isang linggo lang. kagabi po nagpaalam ako kay bf. ayaw nya ako payagan kasi may sama sya ng loob sa mga kapatid ko.kasi nga daw nung time ba dinugo ako at sinugod sa ospital di man ako nadalaw ng mga kapatid ko.naiintindihan ko naman ung pinanghuhugutan nya pero kasi ung sitwasyon ko nga po dito,nahihirapan na ko. patulong naman po.uuwi pa din po ba ako samin kahit na di payag si bf. o dito nalang ako kahit nahihirapan na ko sa gantong sitawasyon.naiisip ko din kasi epekto kay baby na lagi kaming di nakakakain ng tama sa oras. thank you
Tanong lang po
Hi po.Ask ko lang if pwede or safe ba maglagay ng bl cream sa mukha as acne treatment ang isang 3months pregnant.Thank you po sa sasagot ?