CS Mom
Scheduled CS this jan.31.? Kinakabahan and may fear po talaga ako sa injection.Any advice mga mommy? *ano po mga dapat kong paghandaan *sobrang sakit po ba ng epidural? *ilang araw po bago maghilom ang tahi? *masakit po ba pag panay tayo halbawa iihi?o need mag diaper nlang? pahelp naman po..first time mom po. first time din maooperahan?
Ako din po, scheduled CS ako last December. Sobra din baba ng pain tolerance ko na nun bata ko, pag nagkasugat, halos ayaw ko paliguan. 😅 Pag andun ka na, mawawala na din un kaba mo. Sa akin, mas masakit un nilagyan ako ng dextrose kasi twice pa ko nilagyan at para daw medyo nagputok un ugat na pinaglagyan ng una. 6:30 am andun na kame sa ospital ng partner ko pero 11 am pa un schedule ko. So andun lang ako sa labor room, nakaidlip pa nga ako. Walang kaen kaen na un hanggang sa kung ano ano na nilagay sa akin pang monitor kay baby habang andun ako sa labor room. Nagchills lang ako dun sa paglagay ng anesthesia. Ang bilis kasi ng pangyayari, nagfluctuate na kasi heartbeat ni baby sa loob ng tyan ko kaya kahit wala pa yun OB ko, yun OB assistant na un nagstart ng operation. Ni hindi ko nakita OB ko ng day na yun, narinig ko lang boses nya 😅 Kaya siguro un kaba napalitan ng pagtataka kasi ang bilis talaga e. Medyo nasaktan din ako dun sa paglagay ng catheter kasi di pa umeeffect yun anesthesia, pinasok agad yun catheter kaya napaaray talaga ako. Hanggang sa wala na ko maramdaman sa lower part ng body ko. Para bang manhid na manhid na sya talaga. Sinedate din ako, yun medyo mahapdi din un. Ang init nun tinusok na yun. Pero worth it naman nun paglabas ni baby lalo na nun sinabi ang cute ng baby ko 😂😄 Yun recovery, ayun, di na maipinta mukha ko hahaha. Ang sakit e. Ramdam mo na para ka na nabugbog na ewan, nakakanginig un unang pagtayo. Wala pang 24 hrs pinatayo na ko. Kelangan kasi makawiwi ka before ka inom water then umutot at dumumi bago ka umuwi. 3 days ako sa hospital, pinaliguan pa ko nun kasama namen sa bahay nun 4th day ko. Be ready din pala sa lochia, yun un dugo after mo manganak. Nakalimutan ilagay nun partner ko un napkin sa bag namen (di ako bumili nun parang diapers e napkin lang okay na pero bumili ako ng bagong panty, yun pang nanay na talaga na panty) kaya habang hinihintay un pinsan ko na dumating dala un napkin ko, duguan talaga ako. Si partner na lang nagpunas gamit wet wipes nun dugo. Sobrang dami ko naexperience na ayaw ko na ata ulitin haha 😅 pero di lang dyan natatapos lahat kasi mahirap un recovery din, di mo kasi alam kung ano uunahin mo, magpadede ba, magkikilos kilos ba, bubuhatin si baby, puyatan to the max. Pero ganun talaga e, nanay na. Iyak lang then laban uli. ☺️ Kaya mo yan sis! Praying for your speedy recovery for you and a healthy bouncing baby 😊
Đọc thêmBase sa experience ko dalawang beses po ako CS sa second at third ko masakit ung pagturok ng anesthesia pero after nun Hindi ka na makakaramdam ng sakit. Sa una mahirap kumilos at masakit kaya kailangan sobrang ingat ka. 1-2 days ka lang nakadiaper depende sa advice ng doctor. After mo nganak the second day dapat naka utot ka na then the following day dapat nakadumi ka na para ma discharge ka na po. Regarding naman po sa tahi depende sa katawan mo usually 2-3 weeks dapat hilom na siya pero ung iba inaabot ng months. Ung sa second ko kasi inabot ako ng isang buwan bago sit totally naghilom pero dito sa third ko dahil na rin siguro sa iniinom wala pang two weeks hilom na siya. I advice magtake ka ng FERN D kasi malaki naitulong sa recovery ko po. Basta pray lang po and be positive po. Have a safe delivery/operation po.
Đọc thêmWag ka kabahan momsh.. Di mo na masyado mararamdaman yung injection. Dahil first time ko din nun, natakot talaga ako na baka bumuka yung tahi 😂😂 laki kasi ni baby, pinagbawal ng ob ko na buhatin ko sya ng matag na nakatayo. Sa takot ko na bumuka ang tahi, lagi ko chinecheck yung binder ko. Ayun, napapahigpit pala masyado, dahil paranoid ako😂😂 Naputol daw yung sinulid sa loob na dapat e kusang nalulusaw, nagnana yung tahi ko sa loob, buti napansin ko agad nung nilinis ko, may sumirit na parang tubig. Pinapunta ako ng ob that day din.. parang piniga sya para lumabas yung nana.. tapos 7 days di pwede mabasa, bawal masyadong gumalaw.. Then, napaextend ako ng maternity leave, naging 3 months. Tip lang din, wag daw masyadong mahigpit or masyadong maluwag ang binder.
Đọc thêmsobrang sakit po ba ng epidural? nope ilang araw po bago maghilom ang tahi? depende po kung susunod kayo sa payo ng doctor. if ur taking care of urself and how fast ur body can heal. masakit po ba pag panay tayo halbawa iihi? nope. wla naman yung tahi sa vagina. need mag diaper nlang? its up to u sis if ull wear diaper or not. nka catheter kasi ako.. when they took it out. napkin lang yung all nights. mas mahirap ang post recovery sa CS sis. mgsabi ka sa doc sis if di ka mka pee or poo, may kakilala tita ko hindi ng sabi ng totoo. lumobo ang tiyan. may iba kasi di ngsasabi ng totoo kasi ayaw nila mg tagal sa hospital. also, u have to be on top of ur pain medications and u need to clean the wound 2x a day. mabigat sa katawan and u cant carry loads heavier than ur infant.
Đọc thêmHindi nman po masakit ang operation, mabilis nga lang po eh. Ang medjo mahirap is yung after the procedure kapag nagsusubside na ang effect ng anesthesia, possible mag chill ang buong katawan ganon po kc ang experience q. And of course yung whole process of healing matagal at kelangan talaga ng sobrang ingat kc major operation ang CS. Pero tip ko lang para madali ang recovery esp in the first few days. Nagsuot na aq ng binder only after 7hrs ng nakahiga and then sinubukan qn po tumayo at maglakad lakad ng kaunti. Depende parin yan syempre sa level of pain tolerance mo, maraming sumuway sakin non pero kaya ko nman kako hehe. Tapos yun madalas nq naglalakad lakad sa kwarto q and napansin q na mas mabilis aq nakarecover at mabilis din natuyo ang sugat ko.
Đọc thêmTotoo nakakatakota cs, lalo na at normal ako sa panganay ko ko Kaya nung time nga nalaman ko na ma ECS ako napaiyak ako eh. 😂😂. Pero para sakin hindi masakit yung sa pag injection sa likod di ko nga naramdaman yun eh. Ang masakit sakin yung sa skin test. Haha!! Yes masakit pag tatayo ka ako kasi nun naka cateter pero isang araw lang yun, kinabukasan tatanggalin na din agad nila so mapipilitan ka talagang tumayo. Masakit pero tiis Lang, masakit pag yung tipong tatayo ka uupo at tatayo sa inidiro. Mga 1 month yung tahi ko bago siya gumaling.
Đọc thêmcs mom here, relax ka lang muna this time habang iniintay mo yung schedule mo, wag ka kabahan kz makaka apekto din kay baby mo yan. parang kagat lang ng langgam yung injection, once na dumaloy na sa katawan mo yung anesthesia di mo na mararamdaman yung sakit kz manhid ka na. any way 3 days ako sa hospital kz di ako agad naka poop. pero 18 hrs after ko ma operahan tumayo na ako and nag lakad kz lumipat ako ng private room. the nxt morning bumaba na ako ng nursery room para ipa breastfeed si baby at pabalik ng room using hagdan.
Đọc thêmKaya mo yan sis :) cs din ako bglaan kya wla talaga akong alam. Masakit ma cs hnd ako maka tayo ng isng araw nka catheter naman ako so ok lang 2nd day ko pinilit ko tumayo at umupo ksi d dw papauwiin pg d nk lakad ng matuwid so sinasnay ko. 4th day naligo n ako ng warm water every day na yun kasi nk waterproof naman ung pinangtakip sa sugat ko. Pads lang ginamit ko nakaka irita ung diapers hnd nmn ganun kagrabe ung blood e. 1month n ko ngayon dry na pero kumikirot parin.
Đọc thêmhad emergency CS last jan 22.. hindi po masakit yung anesthesia, mbilis lang po ang operation at wala ka po mararamdaman,, after lang po yung effect ng anesthesia yung manginginig ka.. tapos hindi pde tumayo, lalagyan ka din ng cateter at diaper.. sa una lang po medyo msakit hirap mkatayo at upo.. after 2 days nkapglakad nko.. ask ka din kung mkaihi at poop kana.. ksi hirap talaga hehe, pero kaya mo po yan,, need mo din mgauot ng binder para mkakilos ng kahit papaano..
Đọc thêmCS mom here! Twice na. Hehe Nakakakaba talaga sa una. Pero pag nasa loob ka na ng OR, mawawala na. Hindi naman masakit ang turok sa likod. Masakit pa kagat ng langgam hehe Pagka CS sakin, kinabukasan nakakawiwi na ako magisa tapos after 5 days hindi na kumikirot ang tahi ko. Nahirapan lang talaga ako kasi nung araw na manganganak ako, inuubo ako. Goodluck sayo. Pray ka lang! Kung nakaya ko, kaya mo rin yan mamsh. 🥰
Đọc thêm
Your Architect Mom