paadvise po..
good morning po.sorry medyo mahaba ask lang po ako ano ggawin ko.dito na kasi ako nakatira sa bahay na pamilya ng boyfriend ko.since maselan ang pagbubuntis di na ko pinagtrabaho ni bf.kaya ako ang laging naiiwan dito magisa.kasi may mga trabaho mga kasama ko dito.tuwing gabi ko lang sila nakikita. nahihirapn na po kasi ako gantong sitwasyon.madalas kasi akong nahihilo at sinisikmura.eh ako lang lagi magisa dito.minsan pakiramdam ko magcocolapse na ko sa sobrang hilo.nagaalala ako pano pag nangyari nga un at ako lang magisa dito.tsaka po sa usapng pagkain naman,minsan po kasi hindi nakakapamalengke,minsan wala ako maiulam dito.minsan nalilipasan ng gutom.hindi ko po alam pero dala na din siguro ng pagbubuntis, hindi sa pagiinarte,minsan kahit naman may ulam hindi ko talaga gusto.parang mas hinahanap ko ung luto ng ate ko dun sa tlagang bahay namin ng pamilya ko. madalas din po past 10 or 11pm na nakakauwi mga kasama ko dito. sila po kasi bumibili ng ulam kaya minsan kahit gutom na ko aantayin ko pa sila dumating para makakain na din ako.madalas po nanginginig na ko sa gutom.pero wala e,kelangan ko magantay.syempre nakikisama kasi nakikitira lang ako dito. kaya kahapon di ko na talaga nakayanan tumawag ako sa ate ko.sabi ko lutuan nya naman ako ng ulam na gusto ko,(ulam na hinahanap ko kasi buntis lang po).di ko napigilan at napahagulgol nalang ako sa ate ko at nakwento ko nga na ganun ung nangyayare saken dito.sabi tuloy ng ate ko uwi nalang ako samen.at least dun may makakasama ko lagi.malulutuan ako ng mga gusto ko ulam.mabibilhan ako agad ng gusto ko kainin.dito po kasi malayo ang palengke.kaya po parang gusto ko din tlaga umuwi samin kahit isang linggo lang. kagabi po nagpaalam ako kay bf. ayaw nya ako payagan kasi may sama sya ng loob sa mga kapatid ko.kasi nga daw nung time ba dinugo ako at sinugod sa ospital di man ako nadalaw ng mga kapatid ko.naiintindihan ko naman ung pinanghuhugutan nya pero kasi ung sitwasyon ko nga po dito,nahihirapan na ko. patulong naman po.uuwi pa din po ba ako samin kahit na di payag si bf. o dito nalang ako kahit nahihirapan na ko sa gantong sitawasyon.naiisip ko din kasi epekto kay baby na lagi kaming di nakakakain ng tama sa oras. thank you