Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Dreaming of becoming a parent
Sino po dito nakaranas ng nararanasan ko? Mag 3weeks na po ito, sobrang ngalay po ng dalawang braso
Sino po dito nakaranas ng nararanasan ko? Mag 3weeks na po ito, sobrang ngalay po ng dalawang braso ko at mga daliri ko, Wala po talagang lakas, kahit magwalis at maghugas ng plato... At sa binti ko po ganun din hirap maglakad at bandang legs sa mga muscles po tlaga, hirap tumayo at maglakad, na stress na po ako,
feeling worried
Hi everyone,ftm po ako,sana may sumagot sa tanong ko, 23w4d na po akong buntis,nagtataka lang po ako bakit di nag move c baby sa loob ng tummy ko? Nung 22w sya nagmove sya pero mahina,tapos nun mga ilang days,nawala na nmn...gang ngayon po..inaantay ko po sya mag galaw galaw,nung uminom ako ng kape, nga ilang minutes nasipa naman sya...tinatry ko lang yun kasi ung iba sweets daw..wala nmn epek sakin..inaantay ko sya simula 11pm to 2pm minsan nagalaw,pero maraming times na hindi ko sya ma feel..okay lang oo kaya yun? After ecq pa po kasi ako makakapag check uo eh...nag alala na ako sa baby ko...baka sobra liit lang cgro nya,
parang iwan
Labas loob muna ako,kanina kasi nakipag usap ang asawa ko sa mama nya na pwede bang humiram ng 100 pangdagdag bili ng vitamins ko 5months preggy po kasi ako..dahil lockdown,syempre wala tlaga kapera pera asawa ko..at naabotan kasi kami ng lockdown dito sa mother in law ko..ngayon kahit anong pakiusap di talga sya naawa..o kahit para sakin na buntis kasi matagal na kasi ako wala ng tinitake na vitamins..dami nya rason wala na sya pambili para sa paninda nya,ibili nya kasi ng ganyan ganito yung pera.. So ayun,wala magawa asawa ko,pinagkasya nlng niya ung 200.. Antay nlng kami maka uwi sa amin para dun nlng i continue ang pag vivitamins ko,kasi sa family ko,wala nmn problema kong nahihirapan kami mag asawa...yun lang k bye?
nakakasama ng loob
Dog lover po ako,syempre sa fb scroll scroll tapos pag may makita akong cute puppies,pinapakita ko sa asawa ko tas sabihin ko ang cute ng doggou? tas nakita ng mother in law ko, abay sabi pa nmn tingin tingin ka nyan anak mo magmuka aso..pag pangit anak nyo di ko tlaga tatanggapin yan tapos sabay tawa.. Pero ako pekeng tawa lang,tas sabi asawa ko naniniwala ka nmn sa mga ganyan ma..maganda o pogi magiging anak namin noh.. Nakaka offend lang..nabebwesit ako..lagi nlng ganyan sasabihin nya..?
ask lang po
Sino po naka try makapagpa ultrasound sa UMC/LSUMC dto sa dasma..? Magkano po magpa ultra at check up dun? Or kahit saan clinic na bukas po? Pls help..
5months
Di ko pa ma feel ang movements,at pitik pitik,minsan lang,..masakit pa rin nipple ko,minsan nawawala nmn,.first baby ko pa po ito... Nag woworry lang po kasi 5months na wala pa rin ako nafeel sa loob? gusto ko na sya makita sa ultrasound kaso d pwede lumabas... Kayo po ba ganito rin? Sa mga ftm ..
tanong lang po..
Sino ba nakaranas dito na 4 to 5 months nawalan ng heartbeat ang baby?
need help
Does anyone have a fetal heart Doppler that I can borrow? just trying to find one so I can hear little bub heartbeat.? General trias cavite area or dasmariñas
normal lang ba?
Mga momshies,first baby ko pa ito..itatanong ko lang..normal ba ito may line sa may pusod ko? 17weeks pregnant na po ako..tsaka..di ko pa masyado mafeel ang galaw ni baby?
maaanghang
hello po,matanong ko lang kong okay lang ba kumain ng maanghang? nag crave po kasi ako ng samyang,at mahilig din ako kumain ng suka na may bawang at marami sili...okay lang po kaya yun,kasi wala ako panlasa at di ako masyado kumain ng mga masasarap katulad ng lomi,adobo baboy,mga pancit,parang nandidiri po kasi ako..ang hilig ko maanghang talaga..?