Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Nina banana's mommy
milk supply
Ano po ma susuggest nyo pangpa dami ng milk supply? Ksi nung nasa nicu pa baby ko (1 month sya sa nicu kaya ngpump lng talaga ako) dami kong milk bt simula nung nag direct breastfeed na ako sa kanya ang liit na ng supply ko, pero satisfied pa din naman si baby and gaining weight. Nag woworry lng ako kasi paano na yan pg nag work ako ulit, gusto ko pa naman sana pure breastfeed lang si baby ?? any suggestions mommies? Aside sa sabaw at drink more water? ? Btw lo is 1 month and 16days old po. Help mumshies! ?
gusto ko ng iuwi ang anak ko
My daughter has been in the nicu for 2 weeks now ?? gusto ko na syang iuwi. Yung tipong nanganak kna pero wala kang kasamang anak sa bahay ☹ nakaka depress tlaga ma gigising ka nalng ng madaling araw at maiiyak sa lungkot ?? miss ko ang anak ko araw2 gusto ko na syang iuwi sa bahay ????? di ko na alam ang gagawin ko. Baka mabaliw na ako neto ?
mabigat na sa puso
Alam ko naman na kailangan talaga namin panagutan ang baby namin. Oo responsibilidad naman namin yun. Nung nalaman namin may gastroschisis ang baby namin biglang gumuho nalang ang mundo namin, naka open yung pusod nya at nasa labas ang intestines nya, nakita na yun sa ultrasound nung 18weeks palang si baby. Wala naman akong ginawang mali sa pagbubuntis ko pero bakit? Explain ng doctor sa pag develop lang daw at 1 out of 5000 pregnancies lang nangyayari. So ayun. Ginawa namin lahat ng advise ng doctors. Lumabas na si baby nga June 17, 36weeks and 4days lang sya, tapos na cs pa ako, after 3hours i operahan agad sya and thank God nakayanan naman nya at okay na sya ngayon. Nasa nicu pa rin sya hanggang ngayon nagpapagaling. Hindi na kami maka cope up sa laki ng bill, tinutulungan naman kami ng parents namin pero hindi talaga kaya. May kapatid naman si Mama na kapitan ng barko pero parang wala lang eh, alam naman namin na hindi nya kami obligasyon pero parang wala naman syang pakealam. Mabuti pa sa ibang tao ang lakas nyang tumulong. Mahirap lng kami at alam nya yun. Parang nakaka sakit lng sa part namin. Yung asawa kasi nya eh, ang lakas mang brainwash, yun, andun sa boracay kahit alam nyang naghihirap kami sa bayarin sa hospital, masakit sa part ko, lalo na kay Mama, parang feeling nya betrayed sya ng kapatid nya halos pangumusta o offer man lang kahit "ano uutang kayo para pang hospital?" Man lang, pero wala. Parang walang nangyari eh. Pero salamat at di kami pinapa bayaan ng Diyos. Alam kong hindi nya kami papabayaan. Matatapos din ang laban na to.. Pera lang naman yan eh, mas importante pa rin ang baby namin. Kaya namin to ng partner ko, sa tulong ng parents namin. Hindi kami pababayaan ng Diyos. Sorry mommies ngpapalabas lng ako ng sama ng loob. Dito ko lng mpapalabas eh. Ang bigat bigat na kasi.
paternity leave
Pwede bang maka file ng paternity leave/benefit si partner kahit di kasal?
exercise
34 weeks na ho ako ngayon and Im doing my daily hike every afternoon. anong other exercise pa ho ba besides sa hiking ang pwedeng gawin? nkakatamad na mag hike ??
Exercise
hi mga mommies! im on my 33rd week na ? pwede nba ako mgsimula mag walking? tsaka ilang oras ho yung advisable mg exercise?
sakit ng tyan @ 7 months
hi moms. di po tlaga madali mag buntis totoo nga sinabi ng mama ko ? kgabi around 3am d ako makatulog kasi ang sakit ng tyan ko para akong na tatae.. pg umaga msakit pa din pero ngayon, ok nmn na pakiramdam ko. diyos ko naman ano ba nangyayari? ??
29weeks, 26 fundic height
Hi moms! I just had my prenatal yesterday and my dr. told me maliit daw tyan ko. Pero sabi ng Mama ko lalaki lng daw talaga siya in time. Should I be worried? ??
Baby Girl name
Hi Momshies! Im having my first baby.. A baby girl! ?? Me and my partner haven't thought of a name yet but we want it to start with J and W or N ? any suggestions?