mabigat na sa puso

Alam ko naman na kailangan talaga namin panagutan ang baby namin. Oo responsibilidad naman namin yun. Nung nalaman namin may gastroschisis ang baby namin biglang gumuho nalang ang mundo namin, naka open yung pusod nya at nasa labas ang intestines nya, nakita na yun sa ultrasound nung 18weeks palang si baby. Wala naman akong ginawang mali sa pagbubuntis ko pero bakit? Explain ng doctor sa pag develop lang daw at 1 out of 5000 pregnancies lang nangyayari. So ayun. Ginawa namin lahat ng advise ng doctors. Lumabas na si baby nga June 17, 36weeks and 4days lang sya, tapos na cs pa ako, after 3hours i operahan agad sya and thank God nakayanan naman nya at okay na sya ngayon. Nasa nicu pa rin sya hanggang ngayon nagpapagaling. Hindi na kami maka cope up sa laki ng bill, tinutulungan naman kami ng parents namin pero hindi talaga kaya. May kapatid naman si Mama na kapitan ng barko pero parang wala lang eh, alam naman namin na hindi nya kami obligasyon pero parang wala naman syang pakealam. Mabuti pa sa ibang tao ang lakas nyang tumulong. Mahirap lng kami at alam nya yun. Parang nakaka sakit lng sa part namin. Yung asawa kasi nya eh, ang lakas mang brainwash, yun, andun sa boracay kahit alam nyang naghihirap kami sa bayarin sa hospital, masakit sa part ko, lalo na kay Mama, parang feeling nya betrayed sya ng kapatid nya halos pangumusta o offer man lang kahit "ano uutang kayo para pang hospital?" Man lang, pero wala. Parang walang nangyari eh. Pero salamat at di kami pinapa bayaan ng Diyos. Alam kong hindi nya kami papabayaan. Matatapos din ang laban na to.. Pera lang naman yan eh, mas importante pa rin ang baby namin. Kaya namin to ng partner ko, sa tulong ng parents namin. Hindi kami pababayaan ng Diyos. Sorry mommies ngpapalabas lng ako ng sama ng loob. Dito ko lng mpapalabas eh. Ang bigat bigat na kasi.

34 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Pakatatag po kaio, khet hnd mg bgay ng tulong tito mo n kapatid ng mother mo hyaan mo nlng mei sadya tlgang gnun s pamilya qng cno p un nkara2mi ng pera hnd magawan mgbgay ng tulong knowing kapamilya nia pa.. But still God knows qng ano yan dndala s dibdib mo at alam dn nia qng cno ang mga taong pdeng mglend ng help senio.. 'God will make a way he works in ways we cannot see'. . :)

Đọc thêm

Magdasal ka lang palagi kay Lord at issurrender mo ang lahat sa kanya at tanggapin mo sya sa puso mo na iyong tagapagligtas.pasasaan pa't malalampasan nyo rin yan ng pamilya mo.try mo rin lumapit sa pcso or sa mayor nyo pra sa tulong financial sis..malay mo naman meron silang maitulong kahit pano.God bless you sis and take care.

Đọc thêm

Sa Diyos lng po kayo manalig.wag na mag expect sa kamag anak..ako din need dati operahan sa utak pero walang ibang sinabi mga kamag anak nmin kundi iuwi nlng dw ako sa probinsya at ni singkong duling waley.buti nlng mababait officemates ko at ni mama kaya ngayon fully recovered na ko.keep the faith!

Pray lang mamshie. Dadaloy din ang gingawa. Ngayon pa at nanjan na ang lucky charm and miracle baby niyo. God will provide 🙏 ipagdasal mo nalang family ng tito mo, matatauhan din yon.

Thành viên VIP

Pray lang sis..tpos kung may charity sa hospitak n yan apply ka...sa philhealth nman apply ma indigent....minsan ganyan tlga khit kamag anak hirap tumulong..kya nyo yan...be strong.

Papa God is with you sis.. I know napakalaking dagok sa inyo yan but one thing is for sure, He will lift you up. Kaya embrace lang sa faith kay papa God. You are amazing.

alam mo momsy normal lang yan kase una sasabihin ko sayo pre-mature si baby at aanhin mo ang 1 million kung kapalit nmn at buhay at ngiti sa labi ng iyung baby.

Dyan talaga ko naiinis eh. Sa mga ganyang klase ng asawa. Pero God is good. Di niya pababayaan si baby. :) makakaraos din tayo sa mga challenges natin. :)

Sis sending my prayer to you little one..nakakarelate ako sa mga tiyang ang galing mang brainwash... anyway pray lang..may awa ang Diyos..

Pray lang sis malalampasan niyo rin yan. Sana gumaling na agad si baby mo. Pakatatag ka sis. Prayer for you and your baby.