Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
mom of our baby boy ❤️
Need advice please!😭
Mga sis I need your opinions, litong lito na ko at this time. Simula nung manganak ako last month, parati na kaming may misunderstanding ni hubby pagdating sa pag aalaga kay baby, madalas na nagkakatampuhan at nagtatalo at kaninang umaga nagalit sya kasi mali yung pagkarga ko kay baby I mean hindi nya kasi nagustuhan ung way ng pagkarga ko sa anak namin so ayun pinagsabihan nya ko kaso nasaktan ako kasi di ko nagustuhan ung way ng pagsabi nya sakin, ang gusto ko lang magsabi sya ng maayos. Ayun nagkasagutan kami hanggang sa nag-empake na sya at sabi nya aalis sya so sabi ko naman "sige umalis ka!" Nag abot sya ng pera sa tatay ko para kay baby tapos umalis na sya ng walang paalam sakin saka sa anak namin. Umuwi sya sa kanila at binilin nya sa nanay ko na babalik din daw sya dito sa amin. Nagmatigas ako hindi ko sya pinigilan umalis. Not until kanina narealize ko na mali ako. Simula buntis ako hanggang ngayon binigay nya lahat ng needs at mga gusto ko/namin ni baby, kahit gipit na sya hindi sya nagkulang samin. Nung pagkapanganak ko sya ang nag-alaga sakin. Sinusubuan ako tuwing kakain kasi hindi ako makaupo dahil sa tahi ko. Sya nagpapaligo at naghuhugas sa sugat ko. Sya nagreremind at nagpapainom sakin ng mga gamot at vitamins ko. Lahat ng pag-aalaga ginawa nya pati pagpapalit ng diaper ko at diaper ni baby at pagpapatulog kay baby. Lahat yun naisip ko kanina nung umalis sya. Nagsorry ako pero ang sabi nya wag ko muna syang kausapin, gusto daw muna nyang mag-isip-isip. Ngayon umiiyak ako at namimiss sya agad. Ang tahimik ng kwarto namin ngayong wala sya at kaming dalawa lang ni baby. Anong dapat kong gawin? Ayoko ng ganito kami. Hindi ko alam kung kailan nya kami babalikan. Parang ang hirap mag-alaga kay baby ngayon, tuwing iiyak sya mapapaiyak din ako. Kausapin nyo ko. One month pa lang kami ni baby. 😭😭😭
38 weeks and 2 days
Due date ko na June 30 pero wala pa rin akong nararamdaman na consistent pain and wala pa ring any discharge. Dapat na po ba akong mag worry? Ano pa po ba dapat gawin? Tia.
35 weeks and 3 days
Mga momsh ang hyper ng baby ko buong araw lalo ngayong gabi and kanina medyo sumakit ung puson ko, yung feeling na may mens ba. Bat kya ganun? Nagwoworry po ako. Pero ngayon nawala ung sakit sa puson. Pasagot po. Tia.
33 weeks and 3 days
Mga momsh ganun ba talaga? Nangitim kili-kili ko, leeg, singit halos lahat ata samantalang dati hindi naman kya inaasar ako ng mga kapatid ko na umitim daw ako. Tapos ang kati kati sa tiyan, kili kili saka pisngi ng pwet. Sino same case ko dito? Mababalik pa ba sa dati ung kulay ng balat mga momsh? Ganun ba talaga kapag baby boy? Tia.
UTI
Mga momsh sobrang nagwoworry po ako ngayon. I'm 32w and 1day pregnant and kakakuha ko lang result ng laboratory ko and I found out na may UTI pa rin ako. Nag take na ko antibiotic for 1 week before and pinarepeat lab ako and ayan may UTI pa rin ? sa May 8 pa scheduled check up ko, can't wait na gusto ko na marinig advice ni ob. Di ako ngwoworry sa sarili ko, mas nagwoworry ako sa baby ko, sana hindi sya mahawa. ???
30 weeks and 6 days
Mga momsh ask ko lang po bakit madalas sumasakit yung singit ko sa left side? Pag nakahiga ako hirap gumalaw kasi nasakit sya. Pasagot naman po. 30w and 6d preggy here. Tia. ?
Curious Mom | 24 weeks pregnant
Mommies ano po kaya itong maitim na pahaba sa may baba ng pusod ko? Ngayon ko lang sya nakitang ganyan kaitim. Ano po kaya yan? Matatanggal pa kaya yan after giving birth? Pasagot naman po. Tia.
Sumasakit na singit
Madalas po sumakit yung singit ko sa kaliwa pero yung kanan hindi naman. Normal lang ba to? Pasagot po. TIA. 22 weeks and 4 days pregnant here.
21 weeks and 2 days
Madalas ko na maramdaman ang movements ni baby inside my womb☺️ Excited na for CAS by March, gender reveal na din. Kayo mga momsh, madalas nyo na rin ba maramdaman si baby nyo? Godbless us all mommies??
Kissing Scene
Mga momsh mag iinarte muna ako dito. Ano kasi, may shooting si LIP sa Tagaytay para ilaban sa Cinemalaya, hindi ako makakasama kasi malayo at nagwoworry sya baka matagtag ako sa byahe, kawawa si baby. Ang ayoko kasi may kissing scene daw yung character na gagampanan nya which is di naman hayok na kiss, smack lang kaso still ayoko pa rin. Inaway ko sya kagabi dahil dun, hindi ko sya pinansin kahit anong suyo ang ginawa nya tapos bigla syang nagtampo sabi nya wala man lang daw ako support, trabaho lang naman daw yun, para din naman daw samin yun ganun ganun. Kaso kasi labag pa rin sa kalooban ko eh, parang iniisip nya tuloy na wala akong tiwala sa kanya. Kayo ba mga momsh? Ano opinyon nyo about dito? Dapat bang intindihin ko na lang sya? Masyado na ba kong OA at selosa? Pasagot po. Thanks in advance.