Kissing Scene

Mga momsh mag iinarte muna ako dito. Ano kasi, may shooting si LIP sa Tagaytay para ilaban sa Cinemalaya, hindi ako makakasama kasi malayo at nagwoworry sya baka matagtag ako sa byahe, kawawa si baby. Ang ayoko kasi may kissing scene daw yung character na gagampanan nya which is di naman hayok na kiss, smack lang kaso still ayoko pa rin. Inaway ko sya kagabi dahil dun, hindi ko sya pinansin kahit anong suyo ang ginawa nya tapos bigla syang nagtampo sabi nya wala man lang daw ako support, trabaho lang naman daw yun, para din naman daw samin yun ganun ganun. Kaso kasi labag pa rin sa kalooban ko eh, parang iniisip nya tuloy na wala akong tiwala sa kanya. Kayo ba mga momsh? Ano opinyon nyo about dito? Dapat bang intindihin ko na lang sya? Masyado na ba kong OA at selosa? Pasagot po. Thanks in advance.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ok lang yan. Buntis ka kasi kaya masyadong emotional. Ang importante honest siya sayo. Konting selos lang naman. Kaya dapat si hubby need mahabang patience sa atin mga buntis.

5y trước

Trabaho lang naman. Para sa akin ayos lang kasi may tiwala ako. Wag ka mapressure kasi kung ano nararamdaman mo, nararamdaman din ni baby.