Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mama bear of 1 handsome cub and another one on the way
New born poop
Pasintabi po.. Tanong ko Lang po Kung normal po ba ung ganitong klase Ng poop sa newborn. Wala po syang amoy.
10 Days Old- Emergency CS
EDD- July 21, 2020 DOB- July 9, 2020 Hello mga mamsh ! Naka raos na kami ni baby :) Share ko lang birth story nya. July 8 at around 6:30 am nagising ako para umihi sana, pag tayo ko may lumabas sakin na tubig na mejo malagkit hindi sya super dami enough lang para mabasa ung panty ko at tumulo konti sa may hita. Sabi ko sa asawa ko tubig na to. Sabi Kasi ni Doc Basta tubig or dugo Ang lumabas pwede na ako magpunta sa clinic. So nagbihis na ako, nag almusal etc. Tapos Sabi ko sa asawa ko lakad na lang kami papunta sa clinic Kasi gusto ko matagtag. Mga 10 mins walk lang Naman Ang clinic, nag ikot pa kami sa bayan Kasi nag withdraw. Fast forward. I.e sakin 3cm pa Lang daw and intact pa Ang panubigan pero Pina admit na ako Ng doctor ko. Walang sakit, squats squats Lang ako sa kwarto. Nakakatulog pa kami Ng asawa ko. Dun na din kami sa kwarto nag lunch since naka swero na ako. Around 2pm nag i.e sakin si Doc, mataas pa din daw, habang Ina i.e nya ako nabutas ung panubigan ko. Ang daming tubig as in. Kasi hydramnios ung amniotic fluid ko, sobrang dami. Basang basa na ung higaan. Nag bed pad na. After ng i.e Pina Inject na sa swero ko ung pangpahilab at pangpa nipis ng kwelyo ng matres. Around 3pm active labor na ako. Pag check sakin 7-8cm na. Nag wheelchair na kami pa D.R. tuwang tuwa pa ako nun Kasi Sabi ko sa sarili ko Ang bilis Ng progress, 8 cm na agad di tulad sa panganay ko. Naisip ko bago mag dilim mailalabas ko na si baby. pag dating sa D.R ilang check pa 10 cm na pinapag push na ako pero mataas pa din saw si baby. Sakit na sakit na ako neto Kay push ako ng push pag nahilab. May kasabay ako sa D.R nanganganak. Tapos na sya manganak di pa din nalabas baby ko. Diko na mamalayan Kung ilang nanay na ba ung napaanak nila Hindi pa din ako nanganganak. Before 9pm sinabi sakin ni Doc pag di pa din ako mapaanak I c cs nya na ako. Ung isang kasabay ko sa D.R nag bleeding sya naririnig ko nag kaka gulo na sila pero naka patagilid Ang higa ko kaya diko nakikita. Naririnig ko Lang Sabi Ng doctor mahi hysterectomy daw ung kasabay ko. Matatanggalan Ng matres. Nagpaalam sakin si Doc na aalis daw sya mag oopera sa ospital, ililipat nilanung isang nanay since maternity clinic sila, di nila pwedeng operahan dun. Inihabilin nya ako sa mga nurse dun. So ako cge push lang pag nahilab. May dumating na Isa pang doctor, tinawagan na pala ni Doc since matatagalan sya sa operating room. Sinabi na sa kanya na tinaningan na ako ni Doc for CS. chineck ng bagong doctor ung pempem ko, Sabi nya push ko daw, so try ako, nakikita nya Naman daw Ang ulo, very good daw. Kaya ko daw I normal may awa Ang Lord. So lumakas Ang loob ko kahit pagod na ako, hiniwaan na ung pempem ko, pinadaganan na ako sa dalwang nurse, halos feeling ko puputok na Ang mata ko sa sobrang iri. Pero wla, after Ng hilab Ng ilang seconds nabalik si baby sa loob. Tagal namin na ganun, pag balik Ng OB ko Sabi nya "ma si CS ka na talaga" 11 pm na pala nun tagal ko na sa D.R. Sabi ko Kayo na po bahala doc. Tumawag na sila Ng ambulansya nilipat ako sa ospital. 12:05 nag start buksan tyan ko, 12:08 baby out na :) Nag double cord coil pala si baby, naka pulupot pusod nya sa leeg kaya kada iire ako nabalik din sya sa loob. Thank God Kasi malakas si baby at na survive namin Ang araw na un. Hindi po talaga masasabi Kung anong pwede mangyari sa araw Ng panganganak mo. Akala ko kakayanin ko mainormal pero may ibang plano si Lord. Kaya mga mamsh, pray Lang po lagi. Si Lord po Ang makakapag desisyon sa mga pwede mangyari satin. Here is my baby boy. 3.5 kgs :) Ang warrior baby namin na super strong kahit stressed na pala sya sa loob. Thank you Lord sa blessings !
38 WEEKS- Advice please.
38 weeks na po si baby and 2nd baby ko na sya, supposedly pang 3rd na Sana nag miscarriage ako Nung 2018. Last Saturday na i.e ako 2 cm na daw. Kinabukasan may lumabas sakin na Parang sipon na may jelly jelly na may dugo. Tigas din ng tigas ang tyan ko pero di pa naman ganun kasakit. I texted my OB and Sabi nya observe observe lang daw ako. Ngayon tigas pa din Ng tigas tyan ko tapos ung nalabas yellowish na parang sipon then my konting streak ng brown. Maya't Maya na din ihi ko. Di ako makapag desisyon Kung pupunta na ba ako sa ospital o maghihintay pa. Ung sa experience kasi ng dalwang pinsan ko sa 2nd baby nila, Hindi daw ganun kasakit. Tigas Lang daw Ng tigas then labor na pala un. 5cm na pala at Pina admit na sila.. Ano po sa tingin nyo mamsh? Should I go to the hospital na ba? Sa sabado pa Kasi Ang next sched ko..
TEAM JULY
Hello mga mamsh.. 37 weeks and 4 days na po si baby, nung una po bed rest ako lagi Kasi maselan mag buntis. Ngayon naman po 2 cm pa Lang Ang opening kahit gusto ko Ng manganak :D I understand naman po na may tamang panahon na lalabas si baby pag ready na sya. Gusto ko Lang po manghingi ng advise Kung pano mas mapadali ung pag dilate ng cervix, gusto ko Lang subukan, nahirapan Kasi ako a panganay ko, inabot mg halos 41 weeks tapos diko mai ire kahit anong gawin ko, kaya na forcep po sya. Ayoko na un maulit Sana. Salamat po!
HYDRAMNIOS
Hi mamsh, meron ba sa inyong naka experience na may findings sa ultrasound na HYDRAMNIOS? ung excessive Ang amniotic fluid ni baby? Ano pong ginawa sa Inyo or treatment/medicines. 37 weeks na po si baby. Sa mga previous ultrasound nya adequate amniotic fluid Naman, ngayon Lang po nagkaron Ng ganito. Worried po ako sobra.
35 weeks
At what week po ba dapat nag I start magpatagtag ? Dapat po ba maglakad lakad na po ako ngayon na 35 weeks na si baby or is it too early? We had a difficult birth Kasi sa panganay ko, muntik na akong ma CS, na forcep delivery pk si baby. At ngayon sinasabihan na ako ng mama ko at even mga kapitbahay na ka close namin na maglakad daw ako ng maglakad para bumaba si baby, malaki Kasi ako mag buntis. My problem is, nag preterm labor ako at 26 weeks at nresetahan ng pampakapit. Kaya nagdadalwang isip ako Kung susundin ko ba sila at maglalakad na, or is it too early? Salamat po sa sasagot..
New template in SSS website
Hello mga mamsh may nakapag check na ba sa Inyo ng maternity info nyo sa bagong SSS website? Hindi ko po kasi mahanap. Eto na po template nila ngayon. Pano po kaya makikita Ang maternity status? Thank you po sa nakaka Alam na sasagot.
HEMARATE
Mamsh safe ba satin ang Hemarate? As in Hemarate lang hindi HEMARATE FA. nagkamali Kasi Ng bili Ang asawa ko..
BABY AND MOMMY ESSENTIALS
Hello po mga mamsh, hingi Lang Sana ako ng advice. Sa July 21 pa po ang due date ko so I am currently at 30weeks and 1 day. Pero dahil may history ako ng high blood while giving birth sa first born ko at nag spotting din ako last time I was told by my OB na Kung sakaling humilab na Ang tyan ko at 35 weeks, paaanakin nya na ako di na ako reresetahan Ng pampakapit or pang delay ng labor. Nakatapos na din ako ng inject ng dexamethasone (steroids) para madevelop Ang lungs ni baby. 26 weeks ako Nung nainject Kasi nga I anticipate na ni OB na baka mag preterm labor ako. My question is, ano ano po ba mga baby needs at mommy needs Ang kailangan Kong kumpletuhin ? No longer a ftm pero 6 yrs ago na nung nanganak ako Kaya diko na din tanda lahat ng kailangan. May naipon na naman kami ni hubby na mga gamit paunti unti pero diko sure Kung ano pang kulang. Please share your list naman po. Salamat ! ?
30 weeks
Normal lang po ba ung panay paninigas ng tyan sa week na to?