Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mother of 1 sunny prince
Do's and Dont's after delivery.
Hi mga momshies, Im on my 36 weeks kaya medyo kabado na. 2nd child ko po ito after 13 years.high risk na din kasi im 40 na pero lakas lang ng loob at dasal.Boy po yung 1st child ko and this time baby girl na. Feeling like a virgin 😅 este first timer tuloy, hingi sana ako any tips po or advices na pwede ko maapply at matutunan after delivery and habang palaki si baby. before kasi hindi din ako nakapagbreastfeed masyado kasi ang tagal bago lumabas ang milk saka mabagal besides pahinga lng ng konti nagwork na uli ako. now lng talaga ako makakafull time sa pagalaga. before kasi buhay pa si mother at mother in law na umaalalay pero since wala na sila kami na lang nina hubby at son ang magtutulong tulong.saka girl na this time sabi nila mas sensitive .marami din kasi pamahiin na nakalimutan ko na kaya hingi sana me ng advices. thank you and hope maging maayos tayo at mga babies natin.
Affordable Hospital near Sampaloc Manila
Hello mga momsh, 18 weeks here, last ultrasound ko po is March 09, 2020 pa, ok naman po ultrasound kaya lang po last March 18 nagspotting po ako due to uti and kidney stone. na rule out na naman po yung uti and for kidney stone super small lang po pero proper monitoring pa din since hindi pa pwede resetahan ng gamot hanggang wlang check up sa urologist. Last april din po nagkabrown discharge kaya pinatuloy po yung meds ko isoxilan, heragest pampakapit. Nagbedrest lng din po ako, vitamins and super dasal. Minsan nararamdaman ko po mga pitik nya sa tummy ko, pero gusto ko pa rin po mapaultrasound para malaman condition nya sa loob. Sa delos santos medical center po ako nagpapacheckup kaya lang po iniisip ko po lumipat na lang kasi po until now hindi pa sure kung makakabalik kagad kami sa work, nagsabi na kasi sa amin yung company na baka by scheduling na lang ang pasok, ok sana po kung ganon kahit papano meron eh what if kung wala sched, iniisip po kasi nmin kung matatagalan pa pano kami makakaipon para sa needs ni baby at gastos sa ospital. Hindi pa naman basta basta nakakalabas ang mga buntis. Share nyo naman po mga experiences nyo sa mga ospital near sampaloc , expenses and tips na din po para may idea naman po ako and makapaginquire ng maaga. Thanks po. Stay Safe and Godbless
Brown discharge on 12 weeks, is it normal?
Hello momshies, ask ko lng sa mga nakaexperience ng ganito durimg their first trimester? I had a post last March 19 kasi ngspotting ako then may brown sa wiwi ko, marami pinatake na test sa akin, may uti daw o baka may problema sa kidney pero bago ako umuwi after check up pinagtake up na ko ng heragest for 3 wks and 1 week isoxilan then 3 wks aspirin pampalabnaw daw ng dugo. then antibiotic before magpakuha ng urine culture. Sa test lumabas may uti nga pero since nagantibiotic na nagok na wiwi ko, clear na sya. pero sa kidney ultrasound may nkita na bato about 0.60 cm pagbalik ko nung March 26 sa ob ok naman daw ng blood test yun lng may bato nga which is maliit lang daw naman irerefer daw ako sa urologist pag nagresume na mga clinic for consultation. for now 2 liters a day water , rest and yung heragest, vitamins and rest. Ang worry ko na nmaan mga momshies pagtingin ko sa pantyliner ko may brown discharge sa mga gilid, pag naihi naman ako wala naman nalabas. pero ntatakot na naman ako. wala naman sya amoy. wala naman sumasakit sa puson ko and pinapakiramdaman ko naman tyan ko nararamdaman ko naman si baby.Atm, dasal lng ginagawa ko , trying to cheer myself up , parang hindi ko na ata kasi kakayanin if mawala pa, i had two consecutive miscarriages na kasi 2013 2014. My panganay is 12 yrs old na, medyo matagal na interval kaya parang first time ulit then im 40 yrs old. na kaya sobra dami ko worries. Tas ang hirap pa ng nakaquarantine. Sana nga tumigil na sya ng kusa, heragest lng gamot ko twice a day iniinsert sa vagina then vitamins ska aspirin. 1 week lng nman kasi sabi sa Isoxilan. Hope hindi nmaan critical , ayaw ko mastress magisip pero hindi maiwasan :(.