Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Got a bun in the oven
Induce Labor
Edd by LMP: Sept. 3 Edd by first UTS: Aug. 31 Schedule for induction tomorrow, 3.5kgs na kasi si baby and over due nadin. 1cm ako nung tuesday, please pray for our safety and normal delivery! God bless us po mga mommy! Go team SEPTEMBER ❤
Floating Baby
Hello mga mommies, kagagaling ko lang sa hospital 1cm palang po ako at floating pa daw si baby, baka daw ma-CS ako kasi bukas due date ko na tapos di pa daw bumababa si baby. Sino po same case ko dito? Any advice mga sis? First time mom po ako. Sobrang worried na ako.
Labor
Hi mga mommies I'm 39 weeks and 6 days pregnant, bukas na po ang due date ko via LMP. Normal ba tong sumasakit puson at balakang ko? Pero parang utot o tae ang feeling ko na lalabas? Last check up ko 38 weeks and 3 days palang ako and close cervix pa ako non, check up ko po mamaya sana may CM na natatakot ako ma overdue at makapoop si baby sa loob. :(
Placenta
Hello again mga mommies, kakapa BPS ko palang po turning 39 weeks na po ako sa tuesday, sobrang worried po ako kasi ang result ng maturity ng placenta ko is grade 2-3 palang ? Di po kaya ako ma overdue non? May same case po ba ko dito na pa due date na tapos di pa hinog inunan? Salamat po sa sasagot. Ps. Still close cervix parin po ako.
Panubigan
Hello mga ka mommies! I'm 38 weeks and 2 days pregnant. Last check up ko po nung monday lang close cervix pero manipis nadin daw po at mababa na pwesto ni baby, kagabi po kasi may napansin ako, may lumalabas sakin na watery tapos texture nya is malapot after matuyo at clear lang color nya, ngayon naman po watery din sya di na malapot pero ang color naman is clear na may pag ka white, natatakot ako baka naglileak na panubigan ko. Pakonti konti lang naman labas nya mga sis mga 1 teaspoon lang ganyan. Ano po ba itsura ng panubigan? Sana po may makapansin. Salamat :)
Philhealth
Hello po mga mommy, sana mapansin nyo po itong post ko. Ask ko lang po kung puwede ko ba magamit voluntary philhealth ko sa panganganak? March 2019 lang po ako nagpamember di ko po sinabi na buntis ako at gagamitin ko sa panganganak yung philhealth ko, meron po kasi nagsabi sakin na wag ko sabihin na gagamitin ko sa panganganak kasi baka daw di i-approve. So mga mommies need ko pa ba ipa-update yung voluntary ko para malagay sa info ko na I'm a woman about to give birth? Sabi po kasi ng nakasabay ko na buntis pag voluntary philhealth daw di nagagamit sa panganganak. I'm 34 weeks and 6 days pregnant po.
Pananakit ng puwerta
Hi mga mommies! Normal ba na sumasakit yung puwerta ko? Ang nararamdaman ko po is parang kumikirot po ganon po yung feeling pero di naman po sumasakit yung singit ko, puwerta lang talaga sa loob ko sya nararamdaman, normal lang po ba yun? By the way I am 33 weeks and 2 days pregnant po, sana po may makapansin netong post ko. Good evening po! :)
Breast pump
Hello po, I am 7 months pregnant and 1st baby ko rin po, may lumalabas po kasi na clear na parang water sa nipples ko so I tried to pump it using a electric breast pump may lumabas po na gatas na malapot, kaso po nung nasabi ko sa bestfriend ko na pinump ko yung breast ko sabi nya dapat hindi ko daw pinump kasi masama daw yun. Totoo po ba? Naba-bothered kasi ako. Sana po may makapansin netong post ko.
Pregnancy
Hello po, ask ko lang po kung normal yung lumalabas na maraming parang ihi na clear sa ari ko kapag naire ako dahil sa pag dumi? Nag aalala kasi ako baka galing na yun sa panubigan ko. Thank you po sa sasagot.