Dexter dianne profile icon
BạcBạc

Dexter dianne, Philippines

Contributor

Giới thiệu Dexter dianne

first time mom

Bài đăng(19)
Trả lời(85)
Bài viết(0)

PAGLUNGAD NI BABY

MADALAS BANG LUMUNGAD SI BABY? Ang paglungad ng sanggol ay madalas na ikinababahala ng mga magulang. Hindi nila alam kung normal nga ba ito o kung dapat na itong ipag-alala. Paano natin malalaman kung lungad ba yun o suka? Ang lungad ay gatas na kusang lumalabas sa bibig nila. Hindi katulad ng lungad, ang suka naman ay mayroong pwersa at kadalasan ay patalsik kung lumabas. Ano ang maaaring maging dahilan ng madalas na paglungad ng isang sanggol? ● Immature na Digestive System – Dahil hindi pa fully-developed ang panunaw, may tendency na bumalik ang anumang pagkain na kinonsumo nila. Ang digestive system ay kadalasang nagmamature sa ika 6 na buwan ng sanggol. Ito rin ang dahilan kung bakit pagpatak pa ng 6 months inirerekomendang pakainin. ● Masyadong agresibo si baby sa pagsuso – Kapag masyadong mabilis sumuso si baby, may tendency na mas mabilis mapuno ang tiyan niya kaya naman posibleng maglungad siya. ● Kapag masyadong distracted si baby o fussy sa suso – Kapag ganito si baby, may tendency na makalunok siya ng hangin kaya pwede itong maging dahilan ng paglulungad. Dapat bang mag-alala kapag napapadalas ang paglungad ni baby? Kung “Happy Spitter” si baby — nadadagdagan ang timbang ng maayos, lumulungad nang hindi nakikitaan ng pagkabalisa, at masayahin naman o masigla sa lahat ng pagkakataon, hindi ito dapat ipag-alala. Ano ang dapat gawin kapag madalas lumungad si baby? ● Padighayin siya sa kalagitnaan at pagkatapos ng pagsuso. Tandaan na kahit dumighay si baby, hindi nangangahulugan na hindi na siya maglulungad. Walang kinalaman ang paglulungad sa pagdighay. Ginagawa ang pagpapadighay para mailabas ang nalunok na hangin habang sumususo at para maiwasan din ang pagsusuka. ● Maghintay ng at least 30 minutes bago siya ihiga para hindi agad bumalik ang gatas. Posible pa ring maglungad siya kahit gawin ito dahil sa immature na digestive system. ● Kapag lumulungad siya, ipatagilid at hintaying lumabas ang lungad sa gilid ng bibig. Huwag agad itatayo dahil baka bumalik ang gatas at mapunta sa baga (magkatabi lang kasi ang daanan ng pagkain at daanan ng hangin). Maaaring maging sanhi ng aspiration ang ganitong pangyayari. Paano kapag lumabas sa ilong ang lungad? Huwag matatakot kapag lumabas ang lungad sa ilong. Hindi ito delikado dahil lumabas na. Ang delikado ay kapag bumalik at naligaw ng daan kagaya ng unang nabanggit. Kapag lumabas sa ilong ang lungad, ipatagilid si baby at hintaying lumabas sa gilid ng bibig ang gatas. Kailan dapat mag-alala? Normal ang lungad sa pangkalahatan pero kapag sobrang dalas na at nakikitaan na si baby ng mga hindi pangkaraniwang sintomas tulad ng panunuyo ng labi at sobrang lubog na bumbunan (maaaring senyales ng dehydration), biglang pagbaba ng timbang, pagiging matamlay, pagkabalisa, at madalas na pagsusuka, kumonsulta na sa doktor. Ang madalas na pagsusuka ng isang sanggol ay maaaring sanhi ng medikal na kondisyon o di kaya ay posibleng mayroong acid reflux si baby. ctto.

Đọc thêm
Thành viên VIP
 profile icon
Viết phản hồi

Team August

MEET DEXIANNE DEIN AUNGON, BABY GIRL late na nagpost dahil kakauwi lang din namin nung sept 3,2020 37 weeks and 3 days Edd: august 29,2020 utz: august 15,2020 labor:august 11,2020 DOB : august 12,2020 birthplace: Fabella monthly check up: Lying-in weight: 3.082 share ko lang story aug 11 ng umaga dinugo na ako, squat2, lakad2, inum ng nilagang luya, salabat pinya, chuckie, 5pm active labor na ako, 7pm pumunta n kami ng lying in, ie ako, 5cm na, sad to say walang doctor bwal daw. midqife tinanung namin kung open ang fabella sabi daw hindi open, nirecommend kami s private hospital wala kami budget for private kaya umuwi muna kami, paguwi namin d ko n tlga kaya ang sakit halos sumuka n ako s sakit, kada hilab super sakit mas msakit p s 10x menstruation, hindi ako. makakain pinainum ako ng gatas pra daw may lakas ako. pero wala pa kalahati sinuka ko nanaman d rin ako. makatulog that time 9pm pumunta kami s lying in n malapit s amin dhil nga first baby at may hepa ako d nila kami tinanggap dahil wala dun daw sila anti hepa n gamot, pero hing ie nila ako 8cm n daw. wag ko daw iire suggest nila s fabella pero sbi ng lying in ko sardo ang fabella, hanggang umabot ng umaga ng august 12 s dmai namin pinunthan lyin at hospital ung iba walang doctir ung iba d. tintanggp kc walng record inabit ako ng 6am 8cm parin dhil hindi ako umiire pinipigilan ko naghinty p kmi ng ambulance thamks s mayor pinauna kmi at tinwagan agad ang fabella 8am nakrting kami ng fabella, may pila pa s labas ng fabella bago mkpsok dhil wala sila pinipili habang nsa pila pumutok n panubigan ko, bsa. na pajama ko buti hindi halata pagpsok namin dhil wala daw ICU at pumutok n pnubigan ko suggest nila s jose reyes nagmakaawa ako dhil hindi ko n tlga kaya, ie ako, daming tanung humingi ng urine test monitor heatbeat ni baby tnx god malakas p heartbeat nia nsa 170+ after chuchu question inakyat n ako nilgay nila ako s bed nilgyan ako ng. monitor s tiyan for heartbeat nilgyan ako ng oxygen suoer sakit promise msasabi mo lng s utak mo n last n tlga to. hindi k nila tutulungan s pagpapababa ng cm mo dpt kusa ka, ginwa ko kda hilad iniire ko aftern30 mins 10cm na dinala n ako s delivery room nkatatlong ire akonayaw prin lumbas may taga hawak s dede ko s tiyan ko nsa 7 ata sila ung ginupitan biglang labas si baby ng d ko inire, sabay sbi skin mag family planning n daw ako. 9am-1pm nkabukaka lang ako dun una may d ko p ramdam panglawa pangtalong tahi ramdam ko n suoer sakit akla ko tpos n nangank p ung katbi ko tinahi ulit ako ng dlwang beses mppmura k nlng tlga s skit, 2pm nilbas n ako temp ako 38© ask nila ako kung nilagnat ako bago iadmit sbi ko hindi po d valid s knila ung napressure k lng kc first baby mo ganito ganian, kinabuksan nwala rin sinat ko dinla kami s isolation ward, after 7 days swab test si baby, tnx god negtive sya after 10 days ako namn hing swab test. naggamut c baby nilgyan ng swero 7 days antibiotic daw infection s dugo i think s uti ko, pati ako naganti biotic awang awa ako s baby ko that time inabot kami 3 weeks but thanks god recovery case n kami and good news zero bill. din kami.. mahaba p yan baka tamrin kau magbasa pinaikli ko lang hehehe kaya s panahon ngaun kapag nangank kau iwasan magkaroon ng sintomas ng covid after. o bago mangnak kung ayaw nio rin abutin ng isanv buwan s hospital..

Đọc thêm
Team August
Thành viên VIP
 profile icon
Viết phản hồi