PAGLUNGAD NI BABY

MADALAS BANG LUMUNGAD SI BABY? Ang paglungad ng sanggol ay madalas na ikinababahala ng mga magulang. Hindi nila alam kung normal nga ba ito o kung dapat na itong ipag-alala. Paano natin malalaman kung lungad ba yun o suka? Ang lungad ay gatas na kusang lumalabas sa bibig nila. Hindi katulad ng lungad, ang suka naman ay mayroong pwersa at kadalasan ay patalsik kung lumabas. Ano ang maaaring maging dahilan ng madalas na paglungad ng isang sanggol? ● Immature na Digestive System – Dahil hindi pa fully-developed ang panunaw, may tendency na bumalik ang anumang pagkain na kinonsumo nila. Ang digestive system ay kadalasang nagmamature sa ika 6 na buwan ng sanggol. Ito rin ang dahilan kung bakit pagpatak pa ng 6 months inirerekomendang pakainin. ● Masyadong agresibo si baby sa pagsuso – Kapag masyadong mabilis sumuso si baby, may tendency na mas mabilis mapuno ang tiyan niya kaya naman posibleng maglungad siya. ● Kapag masyadong distracted si baby o fussy sa suso – Kapag ganito si baby, may tendency na makalunok siya ng hangin kaya pwede itong maging dahilan ng paglulungad. Dapat bang mag-alala kapag napapadalas ang paglungad ni baby? Kung “Happy Spitter” si baby — nadadagdagan ang timbang ng maayos, lumulungad nang hindi nakikitaan ng pagkabalisa, at masayahin naman o masigla sa lahat ng pagkakataon, hindi ito dapat ipag-alala. Ano ang dapat gawin kapag madalas lumungad si baby? ● Padighayin siya sa kalagitnaan at pagkatapos ng pagsuso. Tandaan na kahit dumighay si baby, hindi nangangahulugan na hindi na siya maglulungad. Walang kinalaman ang paglulungad sa pagdighay. Ginagawa ang pagpapadighay para mailabas ang nalunok na hangin habang sumususo at para maiwasan din ang pagsusuka. ● Maghintay ng at least 30 minutes bago siya ihiga para hindi agad bumalik ang gatas. Posible pa ring maglungad siya kahit gawin ito dahil sa immature na digestive system. ● Kapag lumulungad siya, ipatagilid at hintaying lumabas ang lungad sa gilid ng bibig. Huwag agad itatayo dahil baka bumalik ang gatas at mapunta sa baga (magkatabi lang kasi ang daanan ng pagkain at daanan ng hangin). Maaaring maging sanhi ng aspiration ang ganitong pangyayari. Paano kapag lumabas sa ilong ang lungad? Huwag matatakot kapag lumabas ang lungad sa ilong. Hindi ito delikado dahil lumabas na. Ang delikado ay kapag bumalik at naligaw ng daan kagaya ng unang nabanggit. Kapag lumabas sa ilong ang lungad, ipatagilid si baby at hintaying lumabas sa gilid ng bibig ang gatas. Kailan dapat mag-alala? Normal ang lungad sa pangkalahatan pero kapag sobrang dalas na at nakikitaan na si baby ng mga hindi pangkaraniwang sintomas tulad ng panunuyo ng labi at sobrang lubog na bumbunan (maaaring senyales ng dehydration), biglang pagbaba ng timbang, pagiging matamlay, pagkabalisa, at madalas na pagsusuka, kumonsulta na sa doktor. Ang madalas na pagsusuka ng isang sanggol ay maaaring sanhi ng medikal na kondisyon o di kaya ay posibleng mayroong acid reflux si baby. ctto.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

Very helpful yung info 👍🏻 thanks for this 👍🏻🙂

Thành viên VIP

thanks for sharing po