Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited nanay!
Sleeping Position
Mga mommy meron akong weird na tanong. Sorry first time lang. Minsan kasi nagigising ako sa pagtulog super nakatagilid ako. Hindi ko ba napipisat si baby? Palagi ako nagwoworry baka masaktan or baka magka effect sa katawan nya. Okay lang ba yun?
Cheating partner
Mga mommy.. Pwede ba maglabas ng sama ng loob dito.. Ever since po kasi maging kami ni partner okay sya. Not until the day na madiscover naming buntis ako, bigla na syang nag iba. Kung kailan pa magkakababy na kami saka pa sya biglang nagloko. Saka pa sya biglang na-attract sa iba - sa workmate nya. Halos buong 2nd tri ko pinagaawayan namin. Natigil lang dahil dito sa pandemic kasi hindi na sya nakakapasok sa work. Sobrang tahimik na kami ulit sana. 36 weeks na ako now and nalaman kong kaya pala tahimik kami ay dahil nakakapaglaro at nakakapagusap sila sa online games. Akala ko tapos na. Halos hindi ko na po na-enjoy ang pagbubuntis ko kakaisip. Minsan dinugo na ako at nag preterm labor dahil sa mga away namin. Sana po mabigyan nyo ako ng advice lalo po sa mga mommies na may same na pinagdaanang ganito. 24 pa lang po ako. Ang bata ko pa po para mahirapan ng ganito kaagad. Kawawa naman po ang baby ko. Thank you po sa makakaintindi. ?
Malambot daw ang cervix
Nag IE sakin ang ob kaninang check up and sabi po nya malambot daw kaya nagreseta sya pangpakapit. Ano po bang mga cause nun? Tinatanong ko po ang doctor pero di nya maexplain ng maayos dahil nagmamadali. Thanks po
29 weeks
An hour ago para po akong naglabor na ewan sobrang sakit po ng taas ng tiyan ko di ako makahinga as in para akong nasuntok. Di po ako makapunta sa ob gawa ng lockdown may pwede po ba akong gawin or makapagsabi po kung ano exact nangyayari sa akin. Natatakot po ako para kay baby :(
mommy and baby bag
Ano po ba dapat dalhin sa hospital for me and baby? Pasilip naman ng mga list at tips nyo dyan mommies ?
Lihi
Possible po bang may paglilihi pa rin sa pagkain kahit 6 months na? May mga times na nagiging picky eater ako at nakakapanglambot :(
ultrasound
Okay lang po ba magpa ultrasound every month? Hindi po ba makakasama sa baby?
SSS
Sino po dito may alam sa SSS? Ilang monthly contribution po ang need para makakuha po ng maternity benefit? Salamat po
Maliit daw na baby
Ano po bang pwede kong gawin para lumaki baby sa tyan? Sobrang nakakafrustrate na po mga sinasabi ng fam ko. ? 1lb lang @22 weeks kung ano ano sinasabi nila parang feeling nila nagpapabaya ako ?
Ultrasound
Mga mommy baka po meron sa inyo marunong bumasa or mag explain ng results ng ultrasound? Di po kasi naniniwala yung mga kapatid ko na okay naman ang baby ko. Pinipilit nilang maliit at hindi healthy or safe kasi maliit lang tyan ko. Salamat po!