Baby's Out!! Welcome Alekza Zoe ❤ My PCOS & Sugar Baby 😊 Diagnosed with Pcos with thin endometrium 2019 Gestational Diabetes @ 28 weeks (diet + insulin) NSD EDD: Feb 9, 2021 DD: Jan 25, 2021 1 am - kakapikit ko lang bigla akong nakaramdam ng cramps ( tolerable at minaliit ko sya hindi naman masakit sabi ko ) but minonitor ko na. Tinext ko na si Ob - Ob called me to confirm na pumunta na ng clinic. - ginising ko na partner ko at sinabi baka manganak na ko. tumakbo na sya para kumuha ng taxi 😂 1:30 am - Pagdating sa clinic IE na 4cm palang pero inadmit na nila ako since tuloy tuloy na contractions ( still tolerable kaya nakakatawa pa ) Around 2-3 am - Medyo sumasakit na yung cramps ( squat + lakad solve na ) - IE : 6cm ( Yay may progress na ) Around 3-5 am - Cramps starting to be painful and not tolerable ( Hugs from my partner kaya medyo nasosooth pa ) - More cramps , not tolerable , super painful ( Kagat and kurot to my partner sorry 😂 ) - IE : 6cm ( stucked 😥 ) 5 am - suero na order from OB. Pampahilab. Di na nawala yung cramps + super painful na buti napigilan ko ung pagkagat kay partner ( muntik na maging zombie 😆 ) - Sabi ko magpapapainless na ako pero wala pala 😂 - MORE CRAMPS STILL PAINFUL - Super inaantok na ako at gusto ko na matulog kaya humiga na ko at umidlip. - IE : 8-9 cm 5:30 am - Dito na yung pinaka unforgettable since yung cramps ay may kasama ng contractions na kusang pumupush sa baby sigaw na ako ng sigaw "Tawagin mo na siya nagpupush na ako!!!!" - Ito na yung moment na pumutok na yung panubigan ko. Nagpanic na si partner haha dali dali na tinawag si midwife. - Di ko na kinaya sabi ko " AYOKO NA!! PAGOD NA KO!! " Habang pilit nila akong tinatayo kasi gusto ko nalang matulog 😆 - Lakad papuntang delivery room akyat sa higaan ( It's now or never kaya pinilit ko kahit groggy na ako ) - 3 sets ng push per contractions. ( Crowning na si baby ) - Last push is ginalingan ko na kasi sabi ni partner at nung midwife is malapit na ( Encouraging kahit masakit na talaga ) - Naalala ko yung nabasa ko sa fb na pag magpupush parang nagta tug-of-war kaya todo na talaga. 5:59 am - Lumabas na si baby. Nawala lahat ng pagod at sakit after ( weird pero sobrang saya sa feeling. Di man ako napaiyak pero ang partner ko sobrang iyak ) - Binigay na sya sakin and tinry magpabreastfeed si baby gutom na gutom na - Di na ko tumigil kakasabing ang ganda nya 😊 And that's the start of our journey, sobrang sarap sa feeling and super worth it yung sakit. Sobrang thankful ako sa partner ko , sa midwife, Ob and especially sa katawan at isip ko dahil sobrang na-handle ko yung pain & shock. On my recovery na since may tear ako at may tahi. Which is never ko naexpect after childbirth na andami palang mangyayari din like; - Slight painful cramps sabay lalabas yung blood ( feels like super heavy period level 100 but I give credit to my PCOS era since nasanay na ako sa sakit and heaviness ) - The "Stitch" which is super uncomfortable lalo na maiisip mo na mapupunit habang naglalakad ka. - Fear of binat or post-partum depression ( Ito thankful na di ko pa nararanasan at sana hindi maranasan ng lahat ng mommies ) - Body Aches, sobrang hirap since pagod yung katawan natin during labor and birth + pag aalaga pa sa baby + puyat :( - Frustrations, Still no breastmilk, nakakapressure pero trying my best. - Iba ang katawan nating mga nanay. Saludo ako sa lahat 💖 Gusto ko lang ishare experience ko mga mommies 😊💕 I hope na sa mga nagbabaka sakali sa mga katulad kong may PCOS at nagkaroon ng gestational diabetes. Kaya nyo yan 🤗😊💖 #firstbaby #1stimemom
Đọc thêmI'm currently working from home and I'm almost 7 months pregnant. My due date is on February. Okay ako sa set up na ganito since nasa bahay naman at hindi pa nalabas si baby but I'm so worried na paglabas nya is di ko sya maalagaan ng maayos. July daw ang balik namin sa office and worried ako na baka di ko kayanin na malayo sa anak ko. Pero worried din ako pagdating sa financial namin since di rin ganun kalaki kita namin ni partner. Any tips from mom na nagwowork while yung baby nila is below 6 months palang? Mahirap ba? Gusto ko parin kasi magwork kahit anjan si baby eh. Help :( #advicepls #theasianparentph
Đọc thêmSobrang sarap sa feeling lalo na pag sumisipa si baby. 20 weeks na ako at super active nya sa gabi 😂 Tanong ko lang kung normal lang na ung sipa nya is sunod sunod? Para na kasi syang heartbeat sa sobrang sunod sunod. Hindi ba yun epekto nung pag iiyak ko? Medyo naging emotional kasi ako today. #1stimemom
Đọc thêm