Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Puhon
Hindi gumagalaw si baby
I'm 7 months pregnant na and simula last night hindi ko pa ramdam na gumagalaw si baby unlike ng mga nakaraang araw ang likot niya tipong panay din umbok ng tyan ko. Nag-aalala na ako. Inoobserve din ni hubby tyan ko pero wala movement eh. Tapos simula kaninang umaga pa ang acid reflux ko. Papacheckup na ako sa OB bukas. Praying na sana okay lang si baby and healthy lang siya always. ?
SSS
Hello po. Makakakuha pa rin kaya ako ng Maternity benefit sa SSS kahit na magresign ako sa work ko now? Call center kasi ako and panggabi pa. May hyperthyroid ako then naapektuhan na din ang puso ko kaya hindi ako pwedeng magpagod masyado. May hulog naman ang SSS ko mahigit isang taon tapos ang EDD ko ay March 4, 2020. Salamat po sa mga sasagot! ?
Goiter during pregnancy
Sino pong mga buntis dito now or nabuntis before na may thyroid problem po? Kamusta po baby niyo and yung delivery niyo? Dalawang OB na po kasi nag-advise sa akin na need kong iconfine until manganak dahil taas baba ang blood pressure tsaka heart rate ko. Kapag umiinom ako ng Propanolol ay naiistable stats ko pero sabi ng endo kasi bawal ako uminom nun kaya ang advise is iconfine nga ako. Yung ipon namin para sa delivery ko ay mauubos lang sa pagkaconfine ko if ever. Naghehealthy diet na din ako para hindi mangyari yun. Gusto ko lang sana malaman if may mga tulad din bang case sa akin. Thank you mga mamsh!
Hyperthyroidism during pregnancy
Hi. So may hyperthyroidism po ako. Tuloy tuloy po ang checkup ko sa endocrinologist and ob ko. NagpaCAS ultrasound na din ako and okay naman si baby, ang kulit niya nga eh. ???❤ Ask ko lang po yung may mga case like mine, kamusta po si baby niyo after lumabas and what type ng delivery po kayo? Araw araw akong nagpepray na maging okay kami ni baby. ❤