Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Got a bun in the oven
1 MONTH AND 16 DAYS
hello po, normal lang po ba to na poop po sa baby ko??? dati po noong enfamil po milk niya parang may peanut po sa poop niya then nagpalit po kaming milk niya to SIMILAC TUMMICARE HW sabi po ni pedia niya. normal lang po ba?????
1 MONTH AND 3 DAYS
yung nanay nitong LIP ko want na painomin baby ko na water na may asukal daw kaya natatakot akong umuwi sa kanila sa bulacan e tapos kapag pinapadede niya LO ko hindi elevated head naka flat lang kaya ang nangyayari sinusuka ni LO ko, tapos pati sa pagpapaligo ko sa LO ko nangingialam kesyo bakit daw tanghali na pinapaligoan ang bata kailangan 9-10am daw sobrang init kasi sa kanila wala silang aircon and such para guminhawa pakiramdam nitong baby ko tanghali ko nililiguan :’’’’’((((( ayaw ko naman kasi pagsabihan e nahihiya ako.
MY 20 DAYS LO
yung LO ko iri nang iri to the point na kapag iiri siya lumalabas yung milk sa bibig niya and ilong milk po niya s26 gold nahirapan po siya mag-poop as in kaya iri siya nang iri pinipilit niyang tumae siya then nag-try kami sa bonna nakakatae na siya and nakakatulog na siyang mahimbing. ituloy na ba namin pag-gamit sa bonna????
9 DAYS OLD
normal po ba sa newborn ang after uminom milk ay tumatae agad? then normal po ba na parang nagsstrong itsura niya kapag uutot siya or tatae???
7 days cs postpartum
yung LIP ko grabe ginagawa sa akin aya nang aya sa akin na umuwi raw sa kanila, then kahit masakit tahi ko pumayag akong umuwi sa kanila sa bulacan galing pa kaming pampanga akala ko pagkarating dito giginhawa pakiramdam ko, hindi pala… mismong pagdating namin nag-inom siya tapos kinabukasan nag basketball at inom yung nanay ko sumasakit na ulo kakapuyat maalagaan lang newborn ko kasi ako hindi pa makakakilos tapos nanay ni LIP matanda na kaya limit lang pag-aalaga. naiinis ako kasi kahit hugas sa bote hindi niya ginagawang pagkukusa tapos pag templa mas may oras pa siyang mag-inom at basketball kasama kaibigan niya. gusto ko na siya iwan at umalis na bukas pero nahihiya ako sa nanay niya ika sa ni nanay niya pagpasensiyahan ko raw anak niya. hanggang kailan??? inintindi ko nang inintindi anak niya sa ginagawang panloloko sa akin noong buntis ako, hanggang ngayon ba naman?
MY 5 DAY OLD NEWBORN
sobrang hirap ang may newborn lalo na kapag 1st timer kayo pareho ni partner mo. 😭 umuwi kami sa nanay niya here sa bulacan para matuto sa mga bagay-bagay, pero kasi ako marunong ako magbasa-basa about newborn babies. tuwing umiiyak anak ko, sinasalpakan niya agad ng dede kahit kakatapos lang mag-dede tapos tuwing pinapadede niya hindi naka-elevate ang ulo ni baby. natatakot ako 😭😭😭😭 yung LIP ko pinagmamalaki niyang expert na mag-alaga MIL ko kaya wag ako mag-alala.
4 DAYS FTM CS
sobrang takot na takot akong hawakan newborn ko : ((((( any tips naman po diyan??? tuwing iiyak siya hindi ko alam gagawin. naaawa ako kasi 1st time namin pareho nitong LIP ko : ((((( naiiyak ako tuwing umiiyak siya awang-awa ako. gusto ko nalang kumuha mag-aalaga sa kanya.
NAKARAOS NA RIIIIIIN
after cs operation ko kahapon nakalabas na ako hospital now huhuhu super hiraaaaaaap!!!!!! pero para sa baby ko kakayanin ko lahat.
PRAY FOR ME & MY BABY
for cs na ako tomorrow morningggg kinakabahan na ako super 😫
38 WEEKS AND 5 DAYS
masakit na po kasingit-singitan ko na parang ngalay na ewan, normal lang po ba ito?