Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mumsy of 1 superhero boy
Breastmilk
hello mommies, pano po ba magsisimula magpump? direct latch po sakin si lo. 1month palang po kame. mag pump sana ako para if may importante akong lakad eh, ibobote nalang po. ano din po magndang bote? questions 1. kada ilang hours po bago magpump? 2. after po magpump, ilalagay sa bm bag diretso na po ba sa freezer? 3. kapag po binaba galing freezer, para inumin ni baby ilan days pwede po tumagal sa ref? pag thaw po? 4. lalakas pa kaya yubg gatas ko sa right breast ko? since sa left boobs lang naglalatch si baby kasi inverted nipple po ako sa right kaya nahihirapan siya. 5. ano po ginagamit niyong pang warm ng breastmilk? 6. kapag po ba nakatikim na ng bote si baby, magdadirect latch pa po ba sya sakin? gusto ko po kasi mag direct latch kapag nandito kami sa bahay. thankyou po, first time ko lang po magpa bf ❤️
Safe delivery to all mommies! HAPPY MOTHER'S DAY
Sharing my story mommies! ❤️ 38weeks nung pinanganak ko panganay ko. since ftm ako that time, natatakot ako syempre . malaki din kasi possibility na ma cs ako. then @36weeks start na ng ie, naka ilan ie saken. pero every time na ie ako, lagi ako close cervix. tapos sabe ng ob ko that time medyo malaki na yung baby para sakin. petite lang kasi ako mga mamsh hehe. nasstress na ako that time kase nga ayaw ko ma cs. hinehelp ko din naman sarili ko, maglakad and mag squat squat but sabe ko sa sarili ko parang di pa din sapat. until, september 4, 2021 check up ko non ie saken close cervix pa din naiiyak na talaga ako. masyado pa naman ako praning kasi nga ftm. until nag simba kami ni hubby sa QUIAPO CHURCH after namin nagpacheck up. pinagdasal ko na sana makaraos na ako. kasi nahihirapan na din ako, ayaw ko ma cs. September 5, 2021 12am, 2am punta na ng lying in. start ng labor ko, 3:16am baby out na.😂 pumunta ako sa lying in fully dilated na iire nalang ako.😂😂 kaso di ako marunong umire kaya tumagal kami hahaha 😂😂 from close cervix to fully dilated.😂 sa 2nd baby ko naman, gusto ko na agad makaraos. since napaka selan ko nga, kung kelan manganganak na ako nagselan ako. nahirapan ako huminga every time naiinitan ako. nahihirapan na ako magkikilos. pero makilos naman ako sa bahay. yun nga lang lagi akong tulog, antukin talaga ako pagdating ng 7months.😂 so ayun na nga since ultrasound sinusundan ob ko, inask nya ako nung check up ko if sumasakit na ba, sabe ko oo tsaka panay na paninigas. sobrang bigat din ng pempem ko na. @36weeks sa ultrasound @38weeks naman sa lmp, ini-ie ako close cervix 😂 eh ang due date ko sa lmp eh april 23,2023. kaya medyo stress na din ang ferson baka ma overdue at maka poop si baby sa loob.😂 so ayun na nga, april 17, 2023 nagsimba ako kasama panganay ko, sa STO DOMINGO CHURCH, sabe ko sana hindi ako mahirapan sa panganaganak at sana safe kame ni baby, kasi nga madami ako nararamdaman na pagseselan.😂 wala ako nararamdan na kahit anong sakit ng april 17. until april 18 nagising nalang ako sumasakit balakang ko. 5am halos kakatulog ko lang. 😂😂edi umihi ako wala naman diacharge. so balik sa tulog. hanggang nagising nanaman ako sa sakit. sabe ko sa asawa ko parang manganganak na ako. pero yung sakit tolerable pa naman.😂 papapasukin ko pa nga asawa ko sana sa trabaho baka kako false labor lang. pero pabalik balik na yung sakit ng balakang ko edi naligo na ako. 8am nagluto pa ako almusal kimchi fried rice and egg. all time fav.😂❤️ 9:30 naligo na ako. nagdecide na ako pumunta lying in. tolerable talaga yung sakit d siya ganon kasakit kaya natatakot ako pumunta lying in kase baka pauwiin din kame. 10:30 nasa lying in na kame, dala na mga gamit. ini-ie ako, pag ie sakin 7cm na pala ako, kaloka. ayoko pa sana magdala ng gamit pa ie lang sana ako. hahaha. pagdating namin sa lying in, dextrose na agad ako tas pirma ng waiver.😂 11:20 am baby out na. wala din po akonh tahi dalawang irehan lang. 😂 sobrang sakit. painless din kasi ako sa panganay ko. 😂😂😂 kinausap ko din si baby na labas na siya. sobrang thankyou talaga ako kay papa g!!🙏 Kaya mommies, if gusto niyo na makaraos pray lang po kayo everyday. kausapin niyo din si baby.🙏 papakinggan po kayo niyan. lalabas din si baby if ready na siya❤️🥰 SAFE DELIVERY PO SA LAHAT NG NANAY!!❤️🥰 HAPPY MOTHER'S DAY🥰
vitamins while breastfeeding
Ano po vitamins niyo? while breastfeeding po? taking po ako ng m2 malunggay, malunggay capsules and calciumade po.
pusod ni baby
1week na po kami ni baby ngayun, normal po ba yung gento? ambaho po kasi, araw arw ko naman pinapaliguan at inaalcoholan. yung sa panganay ko po kase wala pang isang linggo natanggal na po agad eh. di rin po ako gumagamit ng bigkis ngayon gawa ng pinagbawalan ako sa lying in.
breastmilk
hello po mommies first ko po magbreastfeed at hindi ganun kalakas gatas ko, taking po ako m2 malunggay at malunggay capslues. masabaw din po ako. any recommendations pa po sa pampalakas ng milk and vitamins na pwede itake para sa healthy na milk ❤️ thankyou po☺️
BIRTH STORY
hello mga mommies, just wanna hear your birth story po! ❤️🥰
CLOSE CERVIX NO SIGN OF LABOR
37wweks via UTZ 39weeks via LMP in-ie ako nung tuesday close cervix pa daw pero malambot na daw. masakit lang pwerta ko kapag naiihi para may mabigat, nag try na din ako manood sa youtube pang activate ng labor, umiinom na din ako pineapple juice &paoaya. constipated na din ako.🥺 minsan may times na sumasakit sakit na sya, pero hindi nagtutuloy.😌 nakikipag do na din kay pqrtner. pang 2nd baby ko na po ito. any advice po?