BIRTH STORY
hello mga mommies, just wanna hear your birth story po! ❤️🥰
Hello mommy. Sa birth story ko, FTM lang ako and tbh di ko talaga alam gagawin at ano mararamdaman pag labor and delivery na. The day before ako manganak, uminom ako ng isang box ng gatas and di ko alam kung natrigger din ba niya yung paglabor ko dahil the day after, mga 2 am sumasakit na puson ko. Iba siya sa braxton hicks dahil namimilipit talaga sa sakit and kahit itry ko matulog, di ko kaya. Naisip ko na baka lactose intolerance ako kaya sumasakit so ayoko pa pumunta ng ospital dahil baka sayang ang punta tapos false labor naman pala. To be honest mommy di ko alam pano ko nakayanan na tiisin yung pagle-labor ko simula 2 am hanggang 2 pm dahil nung 2 pm di ko na talaga kaya at pumunta na ako sa ospital and minessage ko na rin OB ko and sabi niya pumunta ako ng ER. Pagpunta namin ng asawa ko, chineck ako at IE, nagulat ako dahil 5 cm na pala ako and 80% effaced dahil nung march 24, 1 cm lang ako nun. Inadmit na rin ako dahil nga anytime pwede na ako manganak. Inabot nga lang ako ng 2 hours bago makatulog sa sedation na binigay sakin so tiniis ko pa rin yung paglabor nang halos 10 hours hanggang sa nanganak ako nung mga 7 pm. Dito ko lang din nalaman na cord coil baby ko pero nagawan ng paraan ng OB ko at buti NSD ako. All in all masasabi ko na nakakaexcite at nakakakaba and mas masakit yung labor kaysa ideliver ang baby kasi wala ako maramdaman dahil naka sedate ako pero super sakit nung naglelabor ako
Đọc thêm