Faint line or Evaporation line?
Paano po malalaman if faint positive yung line na nasa PT or kung evaporation line lang talaga? January 25 kasi nagpa-TVS ako. Since January 3, 2021 up to January 23 may bleeding po kasi ako kaya nirequest ni OB yung TVS. (Magmiscarriage po ako last November 26, 2020, hindi po ako niraspa dahil lumabas siya via medication. Start po ng period ko nung January 3) Before the TVS, tinanong ako nung sonologist, if I am pregnant, or the reason bakit need ko ng TVS. Sabi ko continuous bleeding for more than 3 weeks. Tinanong niya din kung nagtake na ko ng pregnancy test. I said no. The result of my TVS was all normal. Baka daw hormonal imbalance yung cause ng bleeding. Same day, nung gabi nagPT ako. May faint line. Sinabi ko sa OB ko. Sabi niya baka evaporation line lang kasi impossible daw na di yun makita sa utz, kung pregnant talaga ako. Until now, may faint line kaso malabo pa rin kaya di ko alam if pregnant ako o hindi. Wala pa din po akong period for this month of February. Nagwoworry po kasi ako. Di pa ko ready ulit to get pregnant. I had 2 miscarriage kasi last year kaya natatakot na ulit ako. Any advice po. Thank you. Godbless us all. 😇#advicepls #pleasehelp
Đọc thêmThis 2020 breaks my heart really hard. I had 2 miscarriages on this same year. The first one is chemical pregnancy where in may fertilized egg but it do not hold onto the uterus kaya nalaglag. It was last April. And the recent one, happened last November 26. Just 3 days before my birthday. Nagstop na siya nagdevelop at 7weeks and 4days. Wala na ding heartbeat. Ang hirap pala ng ganito. Half day of my birthday nasa church ako, praying while crying. Asking so many questions but I still surrender it all to God. I never imagine na mararanasan ko 'to. Nakakatrauma po tuloy magbuntis ulit. Kaya last check up ko, tinanong ako ng OB ko if kelan ko ulit plano magbuntis, sabi ko wala po muna akong planong sundan. Nalungkot kami pareho as I said that, since 10 years ko na siyang OB (since highschool when I first discovered that I have PCOS) kaya parang Tita na turing ko sakanya. But still, she encourage me to heal first physically and more on psychologically then try again. Nakakaiyak lang kasi 8months na dapat ako today sa first pregnancy ko. Gustong-gusto na namin magkababy ni Hubby pero natatakot ako na baka mawala lang ulit. 😭😭😭#advicepls #theasianparentph #misscarriage
Đọc thêmHi Mommies. Magtatanong lang po ng mga Do's and Dont's after miscarriage. Di pa po kasi ako nakakabalik sa OB since kanina lang ako nagbleeding at lumabas yung placenta. Baka po may maipapayo kayo. First time ko po kasi at malayo ako sa parents ko kaya wala pong masyadong mag-aalaga. Thanks po sa sasagot. #advicepls
Đọc thêmGood day Mommies! Mag ask lang po ako ng advice. Nagpaultrasound po kasi ako kanina lang. Sabi po ng OB na pinuntahan ko, no embryo daw po kaya binigyan niya agad ako ng Evening Primrose para daw po lumabas na agad. After 1 week daw po at di ako dinugo, iraraspa na daw po ako. I am worried po if masyado pa po bang maaga para iraspa ako. No chance na po bang magtuloy development ni Baby? Nagspotting po kasi ako kahapon isang patak na brown then di na nasundan kaya nagpaultrasound kami today sa pinakamalapit na clinic. Any advice po mga Mommies. #1stimemom #pregnancy #advicepls
Đọc thêm