Need help/advice mix feeding baby
Ok lang ba mag mix feeding sa 10 days old ko na baby? Pinapadede ko po sya ng matagal kaso konti pa lang po milk ko kaya every after padede pinapainom ko sya ng formula. Umiinom na po ako ng natalac at m2 sobrang konti pa lang po. Frustated na po talaga ako. 😭#1stimemom #advicepls #advicepls #firstbaby
Đọc thêmMy birth story say hi to my Baby Girl Arkisha Psalm EDD: Sept 24 Date of Birth: Sept 12
Sept 12 day ng check up ko 38 weeks and 1 day na ako pag ie ni doc 1cm na ako and soft cervix pabiro pa sabi ni doc na baka mamayang gabi ka na manganak. O baka 5 days from now. So paguwi ko sinabihan ko sila na baka manganak na ko anytime. Dapat mag walking kame nun kaso sobrang antok ko. Pag gising ko akyat baba na lang ako sa hagdan 10x tapos kumain, mga 10pm na matutulog na ko di ako makatulog sobrang tigas ng tyan ko pero walang pain. Umihi ako pagtingin ko lumabas na mucus plug. So tinawag ko mama ko sabi ng mama ko pag humilab na tyan ko punta na kame ng er. Pero tumawag ate ko sabi nya pag may dugo er na agad. So dumiretso na kame habang nasa kotse pa kame pumutok panubigan ko. Kotse hangang er di tumigil ang pag leak. Pag ie ng midwife nasa 1cm pa lang ako pero grabe na ang hilab ng tyan ko. 11pmto 3am naglabor ako sobrang sakit naiyak na ko sa sakit. Pagcheck ng midwife nasa 3cm pa lang. di ko na kaya ang sakit para na kong mahihimatay. So nagpasya ako mag cs kasi konti na lang rin panubigan ko. Naadmit ako nig 3 days at si baby 4days kasi nagkaphysiologic jaundice sya at kailangan i bili light. Di ko lang man nahawakan si baby for 4days sa sobrang strict ng protocol nila dahil sa covid. Pagdischarge ko pa sya nahawakan. Sobrang hirap pero Thank you Lord at nakaraos at safe and healthy kame ni Baby. #1stimemom #firstbaby
Đọc thêm