Palabas ako ng sama ng loob :'(
#1stimemom #firstbaby #pleasehelp Hello mga mommies, feb 13 nanganak ako via normal delivery ang problema ko is walang gatas sa breast ko chineck ako ng endocrinologist bago kami ipauwi ni baby sa bahay kasi may hypothyroidism ako since 2011 pa tong hypothyroidism, normal naman level ko ng thyroid dahil nagte take ako ng maintenance medicine nyan but forever na akong may hypothyroidism so ayun mahirap magkabreastmilk ang may hypothyroidism sabi ng endo. Bago kasi ako manganak sinasabi ko sa asawa ko breastfeeding lang ang gagawin ko kay baby yun kasi ang the best para sa baby but when nanganak ako wala talagang lumabas wala na akong nagawa kundi ipa formula feed si baby. Ang sakit talaga sa pakiramdam yung pangarap ko magpa breastfeeding na galing talaga sa akin di ko magawa ng maayos . At what more pa masakit, hinuhusgahan ako ng mga tao nangangamusta sa akin sa asawa ko bakit daw ako nagfoformula eh breastmilk lang dapat syempre bilang mother alam ko at syempre masakit para akong irresponsible na mother. May nagsabi pa na si ganito may sakit na ganyan pero bat sya nagpapabreastfeeding,si ganyan nga ganito sakit pero nagpapabreastfeeding din syempre may lumalabas na gatas paano kung wala hahayaan ko ba baby ko magutom na lang maghintay na mangyari sa akin ang himala jusko. Kasalanan ko ba di ako ginagatas.. Sasabihin pa basahin ko sa internet or iresearch ko ang benepisyo ng breastfeeding alam ko benepisyo but anong magagawa ko if wala talaga kapag minsan pinapalad pinapadede ko naman ang baby ko ng breastmilk ko. Nag try na rin ako mag pump, mga sabaw, herbs, etc etc di ko na talaga alam. 😭😭😭💔
Đọc thêm