Palabas ako ng sama ng loob :'(

#1stimemom #firstbaby #pleasehelp Hello mga mommies, feb 13 nanganak ako via normal delivery ang problema ko is walang gatas sa breast ko chineck ako ng endocrinologist bago kami ipauwi ni baby sa bahay kasi may hypothyroidism ako since 2011 pa tong hypothyroidism, normal naman level ko ng thyroid dahil nagte take ako ng maintenance medicine nyan but forever na akong may hypothyroidism so ayun mahirap magkabreastmilk ang may hypothyroidism sabi ng endo. Bago kasi ako manganak sinasabi ko sa asawa ko breastfeeding lang ang gagawin ko kay baby yun kasi ang the best para sa baby but when nanganak ako wala talagang lumabas wala na akong nagawa kundi ipa formula feed si baby. Ang sakit talaga sa pakiramdam yung pangarap ko magpa breastfeeding na galing talaga sa akin di ko magawa ng maayos . At what more pa masakit, hinuhusgahan ako ng mga tao nangangamusta sa akin sa asawa ko bakit daw ako nagfoformula eh breastmilk lang dapat syempre bilang mother alam ko at syempre masakit para akong irresponsible na mother. May nagsabi pa na si ganito may sakit na ganyan pero bat sya nagpapabreastfeeding,si ganyan nga ganito sakit pero nagpapabreastfeeding din syempre may lumalabas na gatas paano kung wala hahayaan ko ba baby ko magutom na lang maghintay na mangyari sa akin ang himala jusko. Kasalanan ko ba di ako ginagatas.. Sasabihin pa basahin ko sa internet or iresearch ko ang benepisyo ng breastfeeding alam ko benepisyo but anong magagawa ko if wala talaga kapag minsan pinapalad pinapadede ko naman ang baby ko ng breastmilk ko. Nag try na rin ako mag pump, mga sabaw, herbs, etc etc di ko na talaga alam. 😭😭😭💔

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

FED IS BEST. "Breast milk lang dapat" is not true. You did your best, kahit alam mo nung umpisa pa lang na hindi talaga kaya, sinubukan mo pa rin. Yun ang mahalaga, mommy. In fact, kahit piliin mong mag-formula for whatever reason, I won't judge you. Kasi kailangan mong piliin kung anong magwowork para sa inyo ni baby. Kung saan ka ok. Kung saan ok si baby. Wag mo na silang kausapin. Wag mo pansinin. Focus ka lang sa pag aalaga kay baby. Yes, breast milk is healthy, but at the end of the day, gatas lang yan! Napakarami mo pang way para ipakita ang love and care mo para kay baby. Ilang buwan mo syang na-carry sa loob? Gano kahirap ang pregnancy mo? Ang childbirth? Anong effect nyan sa katawan mo? Sa mental wellbeing mo? Sa career mo? Gaano ka kapuyat kakaalaga kay baby? Paglaki nya, tutulungan mo syang gumapang, maglakad, tumakbo, magsalita, magbasa, magsulat, mag-aral, maligo, magluto, maglinis, etc etc. Mommy, yung breastfeeding, ilang weeks, buwan, o taon lang. Pero yung ibang pag aasikaso mo sa anak mo, yung pagmamahal mo sa kanya, habambuhay yan. Wag ka makinig dyan sa mga pakialamera 🙄mga boring lang kasi buhay nila kaya marami silang time makialam sa buhay nang may buhay. Samantalang ikaw, may cute na baby ❤️

Đọc thêm
Thành viên VIP

hi Mommy. virtual Hugs. ❤️❤️ alam ko na hindi madali ang lahat lalo na sa naging sitwasyon mo . wag mo na lang isipin yung sinasabi ng iba... you already given your best para sa anak mo. pero di mo rin makakaya na magugutom si baby.. ano man ang naging desisyon nyo na ipa formula sya.. it's okay.. wag mong sisihin ang sarili mo dahil walang nalabas. yung pagsilang mo palang sa kanya at may sakit ka pa .... AY ISANG MIRACLE na... maraming masasabi ang mga tao.. but it doesn't define who you are .. kaya sa mga tao na ijujudge ka... keber na lang sa kanila. iba ang pinagdaanan mo sa pinagdaanan nila. kaya wag ka ng malungkot.. YOU ARE GREAT MOMMY.

Đọc thêm
4y trước

thank you po ❤️😌

hugs mommy 💕 hayaan mo sila, puro sila dakdak kasi sila ang walang alam. hindi mo ikinabawas bilang pagiging nanay kung formula fed si baby. ang mahalaga naaalagaan mo si baby nang maayos and still nabibigyan ng tamang gatas/food pa rin 😊

Maniwala ako sa unli latch.. Don't feel bad, Momsh. Ang mahalaga ay healthy kayo ni baby dalawa. Dapat dalawa kayo healthy.

Ok lng yan kya nga my formula to support naman sa mga momshies na hnd pinalad sa gatas.. Its ok..

Thành viên VIP

Hugs mommy. Your child your rule po.

thank you po 💕😊😊