Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
31453 Người theo dõi
Labi ni baby.
Mga mamsh., 1 month na si baby ko.. and paitim ng paitim ung labi nya.. pano ba toh? Normal nmn lahat sa newborn screening nya at lahat ng test na ginawa sa knya.. then ung sa pisngi nya rashes na parang nagddry na sugat. Pero mejo ok nmn na.. ung labi ang inaalala ko.
Nakakalungkot na di ko na alam gagawin ko. Any advice po mga mommies.
Gusto ko lang magshare about sa pinagdadaanan ko ngayon. 16 weeks pregnant and may 2 anak ako. Currently hiwalay kami ng tinutuluyan ng mister ko dahil sa nambabae sha tapos ako pa yung lumabas na masama sa mga in laws ko kaya pinalayas kami sa tinitirhan namin na bahay ( inuupahan namin na katabing bahay lang ng mga in laws ko ). Ngayon nandito ako sa bahay para maglinis ng mga gamit namin since si mister ko e tamad at di marunong ng gawaing bahay. Naglaba ako ng mga damit nya na 3 weeks na ang tagal. Naghugas ako ng mga pinagkainan nya na tinambak lang sa banggerahan. Naglinis ng buong bahay dahil madami ng nasisirang gamit dahil may daga na sa loob ng bahay. Nabasa ko accidentally yung chat ng mother nya na tinatanong si mister ko na kailan daw ako uuwi at pambihira daw na prenteng prente ako dito sa bahay na dapat inaalagaan ko mga anak ko. Which is uuwi naman talaga ko agad pagkatapos ko ng mga gawain. Naiiyak at stress na ko kasi wala naman ako unang nagawang mali. Mister ko pa nga ang nambabae at nagloko tapos ang lumabas ako ang masama at mali kahit tahimik lang ako lagi. Sobrang stress na stress na ko at naiiyak nalang kasi sa bahay naman na tinutuluyan namin puro sumbat at masasakit na salita din natatanggap namin ng mga anak ko. Di ko na alam san lulugar mga mommies.
Hello mga mamsh. Ok lang ba ganto poop ng Similac Tummicare? Dati syang NAN AL110.
Similac Tummicare
Tubig for baby
Hello po mga mumsh! When po kaya pwede bigyan si baby ng tubig? Turning 3 months po si baby this Dec 11.#advicepls
1ml pinatake sa baby ko na tiki tiki 5 months old.
Hi mga mommy ask ko lang ok lang ba na ipatake ko sa baby ko na 1ml tiki tiki 5 months old palang sya prescribed by her pedia at may ceeline pa sya 0.5 naman. #pleasehelp
Flat yung sa may bandang likod ng ulo ni baby, maaayos pa ba yun?
5 months na po ang baby ko, pero laging napapansin ng iba ung flat ng ulo niya sa likod. yung unan nmn po niya ung may bilog sa gitna, medyo nahihilot din po pero ganun pa din. malikot na din matulog. Maaayos pa ba kaya? Ano po pwedeng gawin? #firstbaby #1stimemom #advicepls
Switching formula from 0-6months to 6-12 months
Paano po maganda iswitch ang formula ni baby? Bonna po ang milk niya at sabi po ng doctor Bonamil daw ang isusunod, pero gusto po sana namin itry ang Promil. Ano po ang maganda para kay baby?#1stimemom #advicepls #firstbaby
Ibang milk na similar to similac tummicare???
Hello mga mommies. Anong alternative milk na the same as similac tummicare?? Ung economy milk lang po. Thanks
8weeks na..
Normal po bang walang nararamdaman pag 8weeks preggy? Iba kase to sa case nung una kong pagbubuntis, Sa una ko grabe ang morning sickness ko, ngayon sa padalwa halos wala akong nararamdaman, thankyou po sa sasagot. Godbless #pleasehelp
endometrioma
Hello mga kamomshies. sino po dito ang may endometrioma? ilang CM po?ano pong pinagawa nyo?pinatanggal nyo pu ba or hinayaan nyo lang?ano po iniinom nyo gamot ? i have 8cm endometrioma on my right ovary before I got pregnant,,almost 5 months ago I gave birth,,hindi ko sya naramdaman nung mga panahon buntis ako,pero ngayon, ramdam ko na ulit yung sakit ng balakang at likod,super bloated ,constipated,heavy period ,nausea at marami pa. Any tips naman po.Salamat po ❤️