Nakakalungkot na di ko na alam gagawin ko. Any advice po mga mommies.

Gusto ko lang magshare about sa pinagdadaanan ko ngayon. 16 weeks pregnant and may 2 anak ako. Currently hiwalay kami ng tinutuluyan ng mister ko dahil sa nambabae sha tapos ako pa yung lumabas na masama sa mga in laws ko kaya pinalayas kami sa tinitirhan namin na bahay ( inuupahan namin na katabing bahay lang ng mga in laws ko ). Ngayon nandito ako sa bahay para maglinis ng mga gamit namin since si mister ko e tamad at di marunong ng gawaing bahay. Naglaba ako ng mga damit nya na 3 weeks na ang tagal. Naghugas ako ng mga pinagkainan nya na tinambak lang sa banggerahan. Naglinis ng buong bahay dahil madami ng nasisirang gamit dahil may daga na sa loob ng bahay. Nabasa ko accidentally yung chat ng mother nya na tinatanong si mister ko na kailan daw ako uuwi at pambihira daw na prenteng prente ako dito sa bahay na dapat inaalagaan ko mga anak ko. Which is uuwi naman talaga ko agad pagkatapos ko ng mga gawain. Naiiyak at stress na ko kasi wala naman ako unang nagawang mali. Mister ko pa nga ang nambabae at nagloko tapos ang lumabas ako ang masama at mali kahit tahimik lang ako lagi. Sobrang stress na stress na ko at naiiyak nalang kasi sa bahay naman na tinutuluyan namin puro sumbat at masasakit na salita din natatanggap namin ng mga anak ko. Di ko na alam san lulugar mga mommies.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

alam mo mmy sorry ah pero napakakupal ng byenan mo , yang mister mo nman sobra , nagusap po ba kayo ng mister mo ? sobrang nakakasama po sau yang mga nangyayare tapos buntis kpa

2y trước

Opo nag-usap naman kami mommy ng mister ko kaso parang wala lang sa kanya. Ni maipagtanggol nga ko sa magulang nya wala e. Grabe lang na pumunta lang ako para umayos yung bahay kaso ganun pa pala yung dating sa kanila at may masasabi

Sa mga in-laws natin kahit anak nila ang may mali sila talaga ang kakampihan. Proven and tested yan.

2y trước

Totoo po. Kasi nung nambabae yung anak nila parang wala lang sa kanila. Pilit padin nila pinagtatanggol yung anak nila. Sakin kasi habang buntis ako sa pangalawa namin dun sha nagloko at ang masakit pinagkalat nya pa dun sa babae nya na di nya daw anak yung pinagbubuntis ko. Iyak kasi ko ng iyak everyday nun tas ang lumabas pa na mali at di makamove on is ako.