



Hi mommies. I'm 25 weeks pregnant and palala ng palala yung gutom ko, ramdam ko din kasi na lumalaki na talaga si baby. Curious lang ako same po ba tayo na pag nakakaramdam ng gutom e super hapdi ng sikmura at sumasakit ulo. Tapos pag di ka agad naka kain e sumasakit na din balakang, likod at parang nasusuka? Thankfully at yun lang naman concern ko kaya lang grabe talaga yung pakiramdam kapag nagugutom, kailangan may makakain ka kaagad. 🥴#1stimemom
Đọc thêm


28 weeks pregnant na ko mga momshie, masyado kong iniisip yung pamilya tsaka mga kamag anak ng asawa ko kasi hindi nakakapunta doon ang asawa ko so sila message sila ng message kesyo ganto ganyan porket nakabuntis daw di na daw sila naaalala di na daw sila natutulungan. Parang kasalanan ko😥 di den kami close ng family nya kasi ramdam ko talaga na di nila ko gusto para sa asawa ko. As in pag pumupunta kami sa kanila dati ramdam ko yung coldness ng treatment nila sakin, pag nagmano ako parang pilit pa iabot kamay nila sakin. Tapos iisipin nila bastos ako kasi di ako masyadong nagsasalita pag andon ako. Yung kapatid ng asawa ko lagi akong sinisisi porket di nakakapunta don asawa ko kesyo pinagbabawalan ko daw kesyo nililimlim ko daw. E sa totoo lang kinakausap ko asawa ko para pumunta sa kanila e sya tong ayaw pumunta don e anong gagawin ko diba? Nasstress ako kasi alam kong ayaw nila sakin pero sana wag nila masyadong ipamuka sakin. Wag den nila isisi sakin kung ayaw pumunta ng asawa ko sa kanila. Any advice po mga mi? What should I do? #advicepls
Đọc thêm
