
Nafrufrustrate na ako. Wala pang 1oz nakukuha ko pag nagpump. Umiiyak baby ko kasi hindi sapat nakukuha nya saken. Inaabot kami 2hrs na nakadede sya saken kasi yun advised ng pedia para daw lumabas gatas. Kaso wala talaga. Kulang talaga lumalabas saken. Umiinom ako madaming tubig. Nagsasabaw ako. Umiinom ako Natalac. Anong gagawin ko? #help #1stimeasmommy
Đọc thêm
Hello mga mommies, tanong ko lang po kung ano ginagawa niyo pagmay sipon si baby. Yung baby ko po kasi naputok putok na sa ilong niya yung sipon tapos pag naubo siya may naputok na din minsan. Sa tingin ko makapal na ang mucus sa ilong at plema niya. Hindi naman pulmonya kasi hindi naman siya naghahabol ng hinga sinisinga singa niya paminsan ang sipon. Gusto ko man siya dalhin sa pedia pero malalayo po mga pedia dito saamin. At nagaalala na kasi ako. Gusto ko siya painumin ng disudirin kaso hindi ko alam kung dapat ba painumin ko na siya nun. Ika 2nd day niya palang ito, at 2 momths old palang siya. #firsttime_mommy #Sipon_ni_baby_2mos
Đọc thêm





