Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
37846 Người theo dõi
Hello po sa mga mommy na 15WEEKS and 5days dyan
Lagi din ba kayong pagod at antok na antok pag umaga at hapon pero sa gabi di naman makatulog? 😅
Usapang abnormalities.
16 weeks preggy here. So far ok naman mga result ng ultrasound ni baby maliban sa 2 times akong nag spotting dahil sa sub hemmorhage ko and uti pero clear naman na. At di pa rin talaga ako nakakapagpa laboratory like bloodtest. Minsan nakakatulong minsan nakaka stress din yung apps na to. Lalo na pag may nababasa ako about sa mga abnormalities like hydrops fetalis and down syndrome. Wala talagang safe stage ang pagbubuntis. Di parin talaga maiwasang mag alala hanggat di lumalabas si baby ng normal at healthy. Isipin mo almost 1 year tayong ganto. 😭 kahit anong pag iingat talaga pag yun ang pinagkaloob yun talaga. Minsan na kong nakunan sa 1st baby nung 1st trimester last 2019. Kaya wala talaga akong ibang pinagdarasal na maging safe at healthy si baby ngayon hanggang paglabas nya sa full term nya. Tuwang tuwa na ko na nalagpasan ko yung 1st tri ngayon pero di parin talaga dapat papakampante. Ang saya na nakaka stress din magbuntis sa totoo. Kaya Lord, sana wala ng makakaranas ng paghihirap sa pagbubuntis. Sana lahat ng nagbubuntis ay maging healthy at safe sa kanya kanyang journey. Wala ng mga abnormalities na mangyayari. Sana ganon lang kadali Lord. Kawawa naman yung mga baby na walang kalaban laban. Yung mga mommies na gustong magkababy na hirap mabiyayaan. Yung ibang nabiyayaan pero may problema naman. Lord, hear us. Amen.
Back pain remedy
Hello.. i am on my 15weeks now. And every night i feel the back pain .. can you share to me your remedy how to ease the pain? Thanks a lot #backpain #pregnancy #advice #remedies
Hi mommies, itatanong ko lang kung magkano usually nagastos nyo para makompleto ang gamit ni baby?
Sana po masagot. Thank you
Constipated?
Cno po dito ang normal nmn nakaka dumi/ nkaka bawas pero parang may natitira pa at pag pinilit mo ilabas ay masakit ,mawawala din pero maya maya at babalik ulet yung sakit na hirap k maglakad o kilos#advicepls #pleasehelp
TAE NG BUNTIS 3 BESES SA ISANG ARAW
Normal ba na tumae ng 3 beses sa isang araw 1st trimester palang ako. Tas yung poop ko color black. Hindi rin siya buo na lalabas paputol putol na pururot tas konting water lang. Kaka tubig ko kaya to?
First Trimester
Hi mga mommies Ask ko lang kung kelan naging okay or bumalik ulit sa normal yung pag dumi nyo kakatapos lang po kasi ng First Trimester ko. Thank you sa mga sasagot❤️
15 weeks pregnant
pamula nung nag 14 weeks ako hanggang ngayon kada madaling araw magigising ako tapos sa umaga makakatulog ako ng sobrang himbing then magigising tapos aantukin na naman. kapag naman pinipigilan ko yung antok sobrang sakit sa ulo. ako lang ba yung ganito? and ano kayang pwedeng gawin para dire diretso yung tulog ko?
Calcium Tablet
Hello po, ok lang po ba na hindi uminom ng calcium na tablet? Tinigil ko na po syang inumin gawa nga po na sinusuka ko lang yung tablet. Pero po nag a-Anmum naman po ako. 🥺 Once a day ko lang po iniinom yung milk. Thanks po!
Papayang maniba
Pwede po ba papayang maniba lang sa buntis?