Usapang abnormalities.

16 weeks preggy here. So far ok naman mga result ng ultrasound ni baby maliban sa 2 times akong nag spotting dahil sa sub hemmorhage ko and uti pero clear naman na. At di pa rin talaga ako nakakapagpa laboratory like bloodtest. Minsan nakakatulong minsan nakaka stress din yung apps na to. Lalo na pag may nababasa ako about sa mga abnormalities like hydrops fetalis and down syndrome. Wala talagang safe stage ang pagbubuntis. Di parin talaga maiwasang mag alala hanggat di lumalabas si baby ng normal at healthy. Isipin mo almost 1 year tayong ganto. 😭 kahit anong pag iingat talaga pag yun ang pinagkaloob yun talaga. Minsan na kong nakunan sa 1st baby nung 1st trimester last 2019. Kaya wala talaga akong ibang pinagdarasal na maging safe at healthy si baby ngayon hanggang paglabas nya sa full term nya. Tuwang tuwa na ko na nalagpasan ko yung 1st tri ngayon pero di parin talaga dapat papakampante. Ang saya na nakaka stress din magbuntis sa totoo. Kaya Lord, sana wala ng makakaranas ng paghihirap sa pagbubuntis. Sana lahat ng nagbubuntis ay maging healthy at safe sa kanya kanyang journey. Wala ng mga abnormalities na mangyayari. Sana ganon lang kadali Lord. Kawawa naman yung mga baby na walang kalaban laban. Yung mga mommies na gustong magkababy na hirap mabiyayaan. Yung ibang nabiyayaan pero may problema naman. Lord, hear us. Amen.

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

miii magpaCAS ka para malaman mo if may abnormalities si baby, sana naman wala. True yung sabi mo, ako 17 weeks na, still worried kasi may gestational diabetes ako at nag iinsulin ako hanggang lumabas baby ko pero sa prayers ako kumakapit. Basta ipagkatiwala natin sa LORD yung mga worries natin at magiging okay din anh lahat. Lalabas silang malusog☺😇

Đọc thêm

Totoo po iyan, dasal na lang po tayo. Kasi dati akala ko kapag second tri na ok na, pero nakunan ako at 20 weeks. Now 15 weeks na ako. Nagaalala ako pero mas nagtitiwala ako kay Jesus na ang baby kong ibinigay niya ay para sa amin na

2y trước

Naramdaman ko na siya gumalaw pero hindi naman lagi.. sa dati kong baby ganito din tapos nung nagpreterm labor ako galaw siya ng galaw yun pala bumaba na siya.

amen🙏🙏🙏

Amen 🙏

Amen 🙏🙏

2y trước

Amen🙏🏻