Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
37846 Người theo dõi
PHILHEALTH MATERNITY BENEFIT
As a Voluntary ba need pa ba ng Proof of Contribution para makaavail ng Benefit sa philhealth? Or as employed lang ang kailangang mag submit ng contribution? Pasagot po. Salamat
Ano po ang iniinom nyo na 200g na calcium? 29weeks preggy first baby
# first baby
Salamat sa sasagot
Gd'am mga mmys ask ko lang if normal bang may lumabas saken na parang water hindi naman sobrang dami sakto lang wala syang amoy 32 weeks and 3 days palang po ako paki sagot nga po salamat
Melasma on neck
Mga mami, matatanggal pa ba to? nangitim kasi batok ko hanggang dibdib tinubuan ng melasma-like di ko pa sure kung anong tawag dito nung una akala ko libag pero nakakapagtaka kasi 2-3x ako naliligo kada araw at nagamit din ako ng scrub para sa katawan ko. Lumabas tong mga to nung nag third trimester na ko. And also kili-kili ko din nangitim ng sobra.
Ask ko lang po kapag may philhealth number na po ba pwede na po ba maghulog?at mag rerequest ng ID
Tanong lang po
Feeling worried
May effect po kaya, yung nakainum ako ng sanmig light during my 1st month of pregnancy. Di ko pa po kc alam na pregnant na ako that time😞
Pag kirot ng puson
Hi mga mommies, ask ko lang po ano po kaya tong nararamdaman ko. kahapon kase sobrang sakit ng puson ko and kada iihi ako may pahabol palagi na ihi then mag ta thighten bigla yung tummy ko. then now pagkagising ko biglang sobrang sakit ng katawan ko hita, paa, balakang, saka balikat. tapos kada lilipat ako ng higa or upo or tatayo ako kikirot ng napaka sakit bigla puson ko. nahihirapan nako😥 hindi ko alam kung ano na nangyayare sakin. 32 weeks palang po kase ako sa lmp ko. and sa ultz ko is 36weeks ano po kaya ito? sa uti kopo kaya?
Gestational Diabetes
Mga momsh, sino po dto nagka gestational diabetes na pinag insulin. Ok lng pp ba yun kay baby? And magkno po usually ang insulin at ilang beses sa isang araw? Salamat sa sasagot
32 weeks preggy
Dapat na ba ko mag start mag lakad lakad at squat squat? C's po ako sa 1st baby ko and gusto ko sana makapag normal sa 2nd baby due on july3
Words of encouragement/motivation…Magsishare lang…sino ang may same experience?
Good evening, mommies. May isishare lng sana ako para maihinga lng ang sama ng loob. And baka may advices din kayo na makakatulong. Thank you in advance. 2 lng kming mgkapatid at parehong malapit sa magulang. 31 weeks pregnant ako. Maselan po ang pagbubuntis ko kaya pinagleave ako ng asawa ko sa trabaho. Nagdecide kaming magstay dito sa parents ko habang di pa kmi nakakalipat ng asawa ko sa kinuha naming bahay sa isang subdivision para nga maasikaso ako ng nanay ko. Sympre mga mommies iba talaga ang may nanay sa tabi. Todo kayod ang asawa ko dahil nga may mga gamot ako na kailangang inumin. Nasasaktan lng ako mnsan dahil ilang beses nang ikinukumpara ng nanay ko ang pregnancy journey ko sa iba. 🥹 At first iniintindi ko talaga sabay pagpapaliwanag pero nauulit pa rin. Sasabihin nyang sya dati nagtatrabaho pa nga di naman nagkaganito. Kesyo si ganito or ang anak ni gnyan maayos nman ang pagbubuntis. Sasabihin nya sakin na magrelax ako at wag pastress sa tuwing naiiyak ako sa mga sinasabi nya pero di nya magets na dahil sa pinagsasasabi nya kaya ako naiistress. Mapamahiin din sya. Mapaniwala sa superstitious beliefs. Ako ganun din naman dahil kinalakihan pero pili lng. Like dun ako naniniwala sa may sense kumbaga. Nasaktan ulit ako kasi idinulog nya dw ako sa manggagamot kasi sabi nya may kakaiba dw talagang nangyayari sakin. Ipinipilit nyang may gumagawa sakin ng masama kaya ganito nangyayari sakin. Sabi nya nag aalala sya sa amin ng asawa ko lalo na sakin pero minemention nya na parang katulong na raw sila ng tatay ko sa bahay dahil sa araw-araw na lng sila ang gumagawa ng lahat. Simula pagkadalaga hanggang ngayon di ko tinatalikuran mga magulang ko. Pati sa pagsupport sa kanila, hanggang sa makakaya ibinibigay ko pati ng asawa ko na understanding din. Nakakalungkot lng ang mindset na meron ang nanay ko. 🥹 ipinagpepray ko na lng ang lahat.