Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
41585 Người theo dõi
OMG 6WEEKS LEFT
Anim na linggo na lang pala at malapit na ang due date ko, (May 21) Ngayon nasa 34weeks na ako sakto. Pwede na ba ako mag lakad lakad mga mi? Basta wag lang sosobra mga ganon? Sana po may maka sagot at pumansin. Thank you po! 🫶
Discharge 36 wks 4 days
Mga sis, pasintabi po! Ask ko lang po, ito po discharge ko, parang siyang yellow green po pero parang more on yellow siya, ito ba 'yung discharge na lumalabas pag malapit na manganak? Pero magalaw pa po kasi si baby sa loob.
Skin Mate Shark Oil
Tanong ko lang po, pwede po ba sa buntis Ang skin mate shark oil? Kahit kunti kunti lang yung ilagay ko.
Itlog na maalat
Pwede po ba itlog na maalat sa buntis? Crave na crave na akoooo huhu 35 weeks here 💗
Good afternoon po. 36 weeks and 4days, 2nd baby may same case po ba ako na naninigas na ang tyan?
2nd pregnancy 7 years gap
ASIAN HOSPITAL
Sino dito nanganank sa asian hospital mgakno po ang doctor's fee nyo or bill for nprmal delivery ??
ANG HIRAP MAGING INTROVERT
Ever since nagsama kami ng asawa ko sobrang dalang ko lang talaga lumabas ng bahay. kapag nasa bahay kasi ako at nakakulong lang sa kwarto ko dun ko napifeel ung peace. Nakikipag usap naman ako sa ibang tao pag lumalabas ako, nakikisalamuha pero di ako ganun kakomportable maging ganun kapanatag makitungo sa kanila. Alam ko pinag uusapan ako ng mga kasama ko sa lugar namin dahil sa pagiging ganito ko. Iisang compound lang kasi kami nakatira ng mga inlaws ko pero nakabukod kami ng bahay. Hirap din ako makitungo sa kanila kasi hindi ko alam kung takot ba silang kausapin ako or nagkokontrahan kami ng ugali esp mga sister inlaws ko. Mabait naman ako😅 Nung kadalagahan ko kasi lagi nag aaway yung mama ko at yung kinasama nya. umaabot sa point na hanggang lansangan rinig na rinig mo murahan nila kaya nagkaroon ako ng traumatic experience. Mas gusto ko lang noon na laging magkulong sa kwarto kasi doon mas safe ako, safe from judgement galing sa ibang tao. Gang nasanay ako na laging na lang magkulong sa kwarto. Hanggang sa nakapag asawa ako ganun pa din. Pero di kami nag aaway ng asawa ko. Nakasanayan ko lang talaga na laging mapag isa at iilang tao lang ang nakakasalamuha ko dahil sobrang takot din ako magbigay ng trust. Maari iisipin nyo, "Hindi ka ba naiinip?" Naiinip din po ako. Tao pa din po ako. Pero yung peace ko ung lagi ko pinangangalagaan. kaya kahit magkulong ako sa kwarto ko di ako mananawa kasi dun ko napifeel ung peace ko. malayo sa mga chismosa, mapanghusga at pakelamerang tao na maaari kong makasalamuha. Ang sarap kaya mabuhay na wala kang tinatapakang tao. kesa naman nasa daan ka po diba maghapong nakikipag chismisan para lang mapag usapan ung buhay ng ibang tao HAHAHAHHAAHHAHAHAHA.
Good day po
Gusto ko lang mag share about sa panganganak ko noon sa first born ko. Kasi nung time nayun talaga wala akong idea na ganun pala talaga ka sakit ang manganak lalo na pag naglelabor na. Ang kasama ko that time is asawa ko, mil ko at pinsan ng asawa ko. Nung time nayun umiiyak ako, kasi sobrang sakit talaga. To the point na napasabi ako ng shit pero hindi pasigaw ahh na SHEET! ganun. And maingay ako that time pero di ako sumisigaw. Iyak lang na maingay. So eto na. Ang nangyayare kasi nandun mil ko, pinagkakalat nya na sumisigaw daw ako sa relatives nila kasi walking distance lang talaga kami, pati sa inuupahan namin ng asawa ko. Every time na yan may salo salo, ako agad ibibida nya, andun ako ahh, kasama ako sakanila. As in harap harapan, ginagawa nilang ka tatawanan yung panganganak ko. Tapos pati yung pagsabi ko ng shit na parang pabulong lang, ang kwento nya sinigaw ko daw. Syempre ako napapahiya. Pati mga pinsan ng asawako na puro lalaki yan yung asar sakin. Nakakainis Tapos ngayon na buntis ako ulit, 35 weeks and 6 days. Ayan na sila, binalik nanaman nila yung topic na ganun about sakin. Lahat sila as in sasabihin " O ano ipractice mo na yung sigaw mo ah" tapos sabay iri ng pasigaw. Nakakainsulto, parang ginagawa nilang joke yung panganganak ko noon. Yung hirap ko, yung sakit,lahat. Tapos nun kasi 1 week palang akong nanganak sa panganay ko, yung asawa ko nun nagloko. Nakita ko yung messenger nya na nagpapasend sya sa mga minor ng nude pic. Eh bawal kopa sya pagbigyan nun kasi may tahi ako nun sa pwerta ko. Lahat tuloy naaalala ko. Alam mo yung nagmomove on kana kasi pangit talaga ng mga naranasan ko noon sa asawako nung unang pagbubuntis ko, hanggang sa manganak ako eh. Tapos ginaganon lang ako. Kaya ngayon sa pangalawa ko na palabas palang. Parang gusto ko na wala akong kasama manganak. Naiinis din kasi ako sa asawa ko kasi ayaw nyang sawayin nanay nya na tigilan nang mang asar. Dagdag bawas kasi nangyayare sa kwento nya. Nakakainis. Tapos kada may kainan or handaan sa mga relatives nya. Alam mo yung di pa nga ako nakakakain sasabihin agad nya "O ano hinay hinay sa pagkain ah, baka sumigaw ka nanaman pag nanganak ka" sabay "SHEEEEET!" Tapos tawa ng malakas. Ang ginagawa ko, diko pinapansin na parang wala akong narinig. Tapos pinapakita ko sakanya na konti lang kinakain ko tapos yubg mga dessert ganun, pag nilabas na tapos tatawagin nako. Umuuwi nako kasi uulitin nya nanaman. Tapos dun ako sa bahay namin umiiyak. Lahat kasi talaga sila ganyan. Kinakasama pa ng loob ko, yung panganay ko ngayon 2 yrs old mag 3 sa nov. 8 Gusto nya mangyare pati ng fil ko dun na daw sya sakanila. Syempre ako wala manlang maayos na paalam sakin kasi nanay ako. Sila lang nagdedesisyon. Pinaparinig lang nila sakin na sinasabihan nila asawa ko na dun muna daw sakanila anak namin na panganay kasi daw baka pag lumabas si baby baka daw patayin. Like hello?? Bata pa yan, pinagisipan agad ng masama. Paano masasanay kung di naman nya makakasama. Nakakainis talaga. Wala silang maayos na paalam sakin, kasi alam nilang di ako papayag. Nagkakaugali kasi ng di maganda anak ko sakanila eh. Tsaka nasa utak ko kasi hanggang ngayon yung time na nakikitira pa kami sakanila. Pinapalayas na nya kami nun, tapos sabi nya "Pagod na pagod nako sainyo magalaga tapos gusto nyo alagaan ko anak nyo ano kayo hello" tapos irap. Kaya sabi ko sa utak, hindi tatagal sakanila anak ko. Kaya ngayon, di ko nilalabas anak ko. Pag maglalakad lakad ako sinasama ko talaga anak ko. Kaya ko naman kasi alagaan yan habang may maliit. Nakaready na ako sa mangyayare. Sila talaga yung nagpipilit na diko kaya. Mas di ako mapakali pag diko kasama anak ko. Kahit pa iisang lugar lang kami. Anak nya nga na bunso, 9 yrs old laging tinatakot anak ko. Yung pangatlo nyang anak na lalaki na mas bata sakin ng isang taon, nagyoyosi yun. Walang pake kung amoy yosi sya tapos kakarga sa anak ko. Pawis tapos kakarga sa anak ko, o kaya naman ikikiss anak ko sa labi. Napapamura talaga ako sa utak ko. Pag mahinahon ko silang sasawayin ako pa masama na kesyo maarte daw ganun,di naman daw ako malinis or kaya lalaitin ako. Basta dami ko kasing napagdaanan sa loob ng bahay nila kaya ayokong nandun anak ko ng matagal. Imbis kasi na okey nako eh hindi, lalo nilang pinapasama loob ko. Tsaka akala ko kasi talaga maaawa sakin mil ko, nung ilang beses ko nahuli anak nya na niloloko ako. Di nya ako pinapakinggan. Tapos ang labas sa ibang tao kasi selosa daw ako. Magbibiro pa sila sakin na yung anak nya (asawa ko) mambababae daw sabay tawa. Yun lang, medj gumaan na pakiramdam ko. Please give some advice paano makaiwas and maging strong. Don't judge me po.
Ob sonologist
Hello mga momsh. 9 months na po tyan ko today. Need pa ba ng ob sonologist pag magpapa-ultrasound?
33 week's pregnant
Normal lang po ba Ang pag sakit Ng singit Ng buntis 33 weeks pregnant po