Good afternoon po. 36 weeks and 4days, 2nd baby may same case po ba ako na naninigas na ang tyan?

2nd pregnancy 7 years gap

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same tayo mi. 36w2d ako and galing lang ako sa OB kanina. For the past several days kasi lagi naninigas tyan ko kahit resting lang, sa gabi nagigising din ako na matigas. Pre-term labor na pala. Kanina nag-IE , 2cm open na ang cervix ko kaya meron ako prescription Isoxsuprine. Nag-BPS din kasi ako and sabi ni OB kelangan pa daw pigilan ang paglabas ni baby kahit until next week pa sana. Ayun nag urinalysis din and we found out na may UTI ako kaya 1 week din ako mag-antibiotic. Yun din daw reason ng contraction. Dapat nga i-aadmit ako kanina kaso sabi ko bk pwedeng total bed rest na lang sa bahay. Buti pumayag pa OB ko. Same din pala tayo 7yrs gap sa 1st born. 2nd baby ko lang din and i'm 38yo na.

Đọc thêm
2y trước

Oo mi ingat ka din. Just always count yung kicks nya and dapat aware sa spacing and intensity ng contractions. Bawas muna tlga sa physical activities. Ako natuluyan n nga na-confine kasi tuloy2 ang contractions. Total bed rest tapos with meds pampakapit and pampa-mature ng lungs ni baby. CS na ko after 2 more weeks kung kakayanin pa maghintay ni baby.

normal lang ang madalas na braxton hicks lalo pag kabuwanan na.

2y trước

salamat po. medyo kabado at nakalimutan ko na talaga yung mga naramdaman ko bago manganak.