Good day po

Gusto ko lang mag share about sa panganganak ko noon sa first born ko. Kasi nung time nayun talaga wala akong idea na ganun pala talaga ka sakit ang manganak lalo na pag naglelabor na. Ang kasama ko that time is asawa ko, mil ko at pinsan ng asawa ko. Nung time nayun umiiyak ako, kasi sobrang sakit talaga. To the point na napasabi ako ng shit pero hindi pasigaw ahh na SHEET! ganun. And maingay ako that time pero di ako sumisigaw. Iyak lang na maingay. So eto na. Ang nangyayare kasi nandun mil ko, pinagkakalat nya na sumisigaw daw ako sa relatives nila kasi walking distance lang talaga kami, pati sa inuupahan namin ng asawa ko. Every time na yan may salo salo, ako agad ibibida nya, andun ako ahh, kasama ako sakanila. As in harap harapan, ginagawa nilang ka tatawanan yung panganganak ko. Tapos pati yung pagsabi ko ng shit na parang pabulong lang, ang kwento nya sinigaw ko daw. Syempre ako napapahiya. Pati mga pinsan ng asawako na puro lalaki yan yung asar sakin. Nakakainis Tapos ngayon na buntis ako ulit, 35 weeks and 6 days. Ayan na sila, binalik nanaman nila yung topic na ganun about sakin. Lahat sila as in sasabihin " O ano ipractice mo na yung sigaw mo ah" tapos sabay iri ng pasigaw. Nakakainsulto, parang ginagawa nilang joke yung panganganak ko noon. Yung hirap ko, yung sakit,lahat. Tapos nun kasi 1 week palang akong nanganak sa panganay ko, yung asawa ko nun nagloko. Nakita ko yung messenger nya na nagpapasend sya sa mga minor ng nude pic. Eh bawal kopa sya pagbigyan nun kasi may tahi ako nun sa pwerta ko. Lahat tuloy naaalala ko. Alam mo yung nagmomove on kana kasi pangit talaga ng mga naranasan ko noon sa asawako nung unang pagbubuntis ko, hanggang sa manganak ako eh. Tapos ginaganon lang ako. Kaya ngayon sa pangalawa ko na palabas palang. Parang gusto ko na wala akong kasama manganak. Naiinis din kasi ako sa asawa ko kasi ayaw nyang sawayin nanay nya na tigilan nang mang asar. Dagdag bawas kasi nangyayare sa kwento nya. Nakakainis. Tapos kada may kainan or handaan sa mga relatives nya. Alam mo yung di pa nga ako nakakakain sasabihin agad nya "O ano hinay hinay sa pagkain ah, baka sumigaw ka nanaman pag nanganak ka" sabay "SHEEEEET!" Tapos tawa ng malakas. Ang ginagawa ko, diko pinapansin na parang wala akong narinig. Tapos pinapakita ko sakanya na konti lang kinakain ko tapos yubg mga dessert ganun, pag nilabas na tapos tatawagin nako. Umuuwi nako kasi uulitin nya nanaman. Tapos dun ako sa bahay namin umiiyak. Lahat kasi talaga sila ganyan. Kinakasama pa ng loob ko, yung panganay ko ngayon 2 yrs old mag 3 sa nov. 8 Gusto nya mangyare pati ng fil ko dun na daw sya sakanila. Syempre ako wala manlang maayos na paalam sakin kasi nanay ako. Sila lang nagdedesisyon. Pinaparinig lang nila sakin na sinasabihan nila asawa ko na dun muna daw sakanila anak namin na panganay kasi daw baka pag lumabas si baby baka daw patayin. Like hello?? Bata pa yan, pinagisipan agad ng masama. Paano masasanay kung di naman nya makakasama. Nakakainis talaga. Wala silang maayos na paalam sakin, kasi alam nilang di ako papayag. Nagkakaugali kasi ng di maganda anak ko sakanila eh. Tsaka nasa utak ko kasi hanggang ngayon yung time na nakikitira pa kami sakanila. Pinapalayas na nya kami nun, tapos sabi nya "Pagod na pagod nako sainyo magalaga tapos gusto nyo alagaan ko anak nyo ano kayo hello" tapos irap. Kaya sabi ko sa utak, hindi tatagal sakanila anak ko. Kaya ngayon, di ko nilalabas anak ko. Pag maglalakad lakad ako sinasama ko talaga anak ko. Kaya ko naman kasi alagaan yan habang may maliit. Nakaready na ako sa mangyayare. Sila talaga yung nagpipilit na diko kaya. Mas di ako mapakali pag diko kasama anak ko. Kahit pa iisang lugar lang kami. Anak nya nga na bunso, 9 yrs old laging tinatakot anak ko. Yung pangatlo nyang anak na lalaki na mas bata sakin ng isang taon, nagyoyosi yun. Walang pake kung amoy yosi sya tapos kakarga sa anak ko. Pawis tapos kakarga sa anak ko, o kaya naman ikikiss anak ko sa labi. Napapamura talaga ako sa utak ko. Pag mahinahon ko silang sasawayin ako pa masama na kesyo maarte daw ganun,di naman daw ako malinis or kaya lalaitin ako. Basta dami ko kasing napagdaanan sa loob ng bahay nila kaya ayokong nandun anak ko ng matagal. Imbis kasi na okey nako eh hindi, lalo nilang pinapasama loob ko. Tsaka akala ko kasi talaga maaawa sakin mil ko, nung ilang beses ko nahuli anak nya na niloloko ako. Di nya ako pinapakinggan. Tapos ang labas sa ibang tao kasi selosa daw ako. Magbibiro pa sila sakin na yung anak nya (asawa ko) mambababae daw sabay tawa. Yun lang, medj gumaan na pakiramdam ko. Please give some advice paano makaiwas and maging strong. Don't judge me po.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Real talk. I'd rather not go sa kanila kesa magalit sila o ano. And bakit hindi ka umiimik kapag pinagkukwentuhan nila yung panganganak mo? Na OA yung kwento ng MIL mo? Mag react ka kasi para alam nila na hindi yun okay sa iyo at over lang siya sa kwento niya. Every time they will open the topic at pagtawanan kasi tahimik ka, sumagot ka kasi in a nice way na hindi naman ganun nangyari tsaka masakit kamo yung panganganak mo mabuti sa kanila hindi ganun. Tutal di ka naman pinagtatanggol ng asawa mo eh ikaw na magtanggol sa sarili mo. Pero if I were you hinding hindi ako magpapakita dun pati ang anak ko. Another thing, may issue na asawa mo, pero you still got pregnant the second time. Tapos alam ng pamilya nya and pinagtatanggol nila? Mi, kung ako sayo, uwi ka na lang sa inyo. Dun ka na lang kesa puro sama ng loob dyan sa tinitirhan mo ang nakukuha mo.

Đọc thêm
2y trước

Sinabihan ko po asawa ko, na sana naman wag na sya magkwento about sa panganganak ko before. Ang sinagot lang nya sakin, sus ayaw mo lang sumunod kasi di ka pinapainom ng malamig tsaka pinaglalakad ka (pinaglalakad nya ako as in matagtag na daw ako eh 6 months palang ako nun) Tsaka iniiba nya yung usapan. Kaya di nalang ako lumalabas, tsaka diko pinapahiram anak ko sakanila. Gusto ko man umuwi sa magulang ko, hindi ganun kadali. Syempre ginusto ko to, nag asawa agad ako. Ayoko maging pabigat lalo na't nasundan pa.