ANG HIRAP MAGING INTROVERT
Ever since nagsama kami ng asawa ko sobrang dalang ko lang talaga lumabas ng bahay. kapag nasa bahay kasi ako at nakakulong lang sa kwarto ko dun ko napifeel ung peace. Nakikipag usap naman ako sa ibang tao pag lumalabas ako, nakikisalamuha pero di ako ganun kakomportable maging ganun kapanatag makitungo sa kanila. Alam ko pinag uusapan ako ng mga kasama ko sa lugar namin dahil sa pagiging ganito ko. Iisang compound lang kasi kami nakatira ng mga inlaws ko pero nakabukod kami ng bahay. Hirap din ako makitungo sa kanila kasi hindi ko alam kung takot ba silang kausapin ako or nagkokontrahan kami ng ugali esp mga sister inlaws ko. Mabait naman ako😅 Nung kadalagahan ko kasi lagi nag aaway yung mama ko at yung kinasama nya. umaabot sa point na hanggang lansangan rinig na rinig mo murahan nila kaya nagkaroon ako ng traumatic experience. Mas gusto ko lang noon na laging magkulong sa kwarto kasi doon mas safe ako, safe from judgement galing sa ibang tao. Gang nasanay ako na laging na lang magkulong sa kwarto. Hanggang sa nakapag asawa ako ganun pa din. Pero di kami nag aaway ng asawa ko. Nakasanayan ko lang talaga na laging mapag isa at iilang tao lang ang nakakasalamuha ko dahil sobrang takot din ako magbigay ng trust. Maari iisipin nyo, "Hindi ka ba naiinip?" Naiinip din po ako. Tao pa din po ako. Pero yung peace ko ung lagi ko pinangangalagaan. kaya kahit magkulong ako sa kwarto ko di ako mananawa kasi dun ko napifeel ung peace ko. malayo sa mga chismosa, mapanghusga at pakelamerang tao na maaari kong makasalamuha. Ang sarap kaya mabuhay na wala kang tinatapakang tao. kesa naman nasa daan ka po diba maghapong nakikipag chismisan para lang mapag usapan ung buhay ng ibang tao HAHAHAHHAAHHAHAHAHA.