Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
45878 Người theo dõi
Colic at Acid Reflux
Anyone here na may Colic at Acid Reflux yung baby nila?...Mine at 2mos. Hopefully ma outgrow na ni baby nextmonth.
LIP TIE BA SI BABY KO?
Mga mi pasagot naman incase alam niyo. Lip tie ba ang LO ko?wala naman akung napapansin sa side niya na mali mi nakakalatch naman siya ng maayos and di naman masakit sa part ko pag nagpapalatch siya sa akin. #f1rstimemom #firstbaby #liptie
Allergy yata
Mga mommies ask ko lng bakit kapag nasa aircon baby ko nagbabara ilong nya, prang may natunog? Pero pag wla ac, ok nman ilong nya. 2wks ago nag ka sipon cya pero gumaling na. May tendency kaya n allergy ito? Pwede ko kaya cya pabakunahan? Slamat sa rwply mga mommiess.. :)
Bawal.ba kumain ng may sili Ang nag papadede
Bawal ba kumain ng may mga sili Ang nag papa dede
Bakit may butlig Ang new born
Ano Ang pampa taba vitamin para sa baby
May alagang pusa
Hello po, may mommy din po ba dito na may cats? Matagal din bang mawala sipon ng baby niyo? Baby ko kase possible na dahil sa balahibo kaya hindi gumagaling ang sipon niya. Pwede kaya siya magka asthma kapag ganun? Sa wed or thurs pa kase kami magcchange ng pedia niya para maliwanagan napo ako naaawa nako sa anak ko naka anim na antibiotics na siya in 2 months and 10 days pero wala pa ring nangyayari 🙁 lahat ng nagcocomment sa post ko ginawa kona po mga advice niyo pero wala pa rin po. Nag air humidifier and air purifier napo ako wala pa rin nangyayari.
Malaking tiyan
Paano po mawala ang diastasis recti or mommy tummy? Pumayat na po ako pero yung tiyan ko parang buntis pa rin 😅 paano po kaya lumiit to? Any tips po mga mami thank u ♥️
posible po ba mahawa yung 2 mos. baby ko ng chicken pox? need po ba pacheck agad sa pedia.
chicken pox
Pag iinat ni baby
Hi po normal lang po ba na while sleeping si baby nag inat sya para syang naninigas tas tingin sa kaliwat kanan ang muka ts bglang iiyak? Almost 2 months po si LO
Pa-rant lang po
Long post ahead. Ang sakit pala masabihan ng "Ang tamad mo kasi" from your LIP. Yung mapapatanong ka na lang saang banda ka ba tinamad. Nanganak ako last March 06, I'm still on maternity leave, full time ako sa pag-aalaga kay LO and pag-aasikaso sa bahay, paglalaba and all. For some context this is what happened, nagising si LO ng mga 2pm pero hindi naman umiiyak so pag ganito iniiwan ko lang siya sa crib niya tapos kukunin ko na yung mga nilabhang damit para itupi. So ako dahil nga gising si LO at nasa labas pa yung mga sampay pinasuyo ko kay LIP, sabi ko pa, "Mister, pakikuha na yung mga sampay, itutupi ko na habang dipa umiiyak si baby". Sabi niya, "mamaya ka na magtupi pag natulog siya, baka biglang umiyak" tapos di na niya ko pinansin at nag-ML na siya. Ayaw niya lang kunin kasi mage-ML na siya, kitang kita sa mukha niya na ayaw niya paistorbo. So hinayaan ko na, dumating yung hapon mga 5:30 napatulog ko na si LO tapos diretso kumain na kami ng dinner so natapos kami kumain at nakapag ligpit ako mga 7pm. Nung tapos nako sa mga gawain biglang sinabihan ako ni LIP na, "oh! magtupi ka na, kunin mo na yung mga sampay". Dito nako mas nabadtrip kasi maghapon akong pagod gusto ko na din magpahinga dahil mga 10pm to 11pm gigising na ulit si LO para magdede. Sabi ko "bukas na lang ng umaga ko itutupi gusti ko na magpahinga". Dito niya ko sinabihang, "ang tamad mo kasi!". Sobra akong na-hurt sa sinabi niya so ang ginawa ko, nagtupi nako ng mga damit. Pagpasok niya sa kwarto bigla siya nagtanong, oh nagising ba? bakit nakabukas ilaw?" sinagot ko ng, "dimo ba nakikitang nagtutupi ako, mahirap na baka kasi masabihan mo nanamang tamad ako e". Then diko na siya kinausao hanggang sa umalis siya at pumasok ng work. (Night Shift ang schedule niya). Yun lang mga momsh, sorry ang haba. nasaktan lang talaga ko kasi sobrang pagod ko sa maghapon tapos sasabihan kang tamad 🥹