Pa-rant lang po
Long post ahead. Ang sakit pala masabihan ng "Ang tamad mo kasi" from your LIP. Yung mapapatanong ka na lang saang banda ka ba tinamad. Nanganak ako last March 06, I'm still on maternity leave, full time ako sa pag-aalaga kay LO and pag-aasikaso sa bahay, paglalaba and all. For some context this is what happened, nagising si LO ng mga 2pm pero hindi naman umiiyak so pag ganito iniiwan ko lang siya sa crib niya tapos kukunin ko na yung mga nilabhang damit para itupi. So ako dahil nga gising si LO at nasa labas pa yung mga sampay pinasuyo ko kay LIP, sabi ko pa, "Mister, pakikuha na yung mga sampay, itutupi ko na habang dipa umiiyak si baby". Sabi niya, "mamaya ka na magtupi pag natulog siya, baka biglang umiyak" tapos di na niya ko pinansin at nag-ML na siya. Ayaw niya lang kunin kasi mage-ML na siya, kitang kita sa mukha niya na ayaw niya paistorbo. So hinayaan ko na, dumating yung hapon mga 5:30 napatulog ko na si LO tapos diretso kumain na kami ng dinner so natapos kami kumain at nakapag ligpit ako mga 7pm. Nung tapos nako sa mga gawain biglang sinabihan ako ni LIP na, "oh! magtupi ka na, kunin mo na yung mga sampay". Dito nako mas nabadtrip kasi maghapon akong pagod gusto ko na din magpahinga dahil mga 10pm to 11pm gigising na ulit si LO para magdede. Sabi ko "bukas na lang ng umaga ko itutupi gusti ko na magpahinga". Dito niya ko sinabihang, "ang tamad mo kasi!". Sobra akong na-hurt sa sinabi niya so ang ginawa ko, nagtupi nako ng mga damit. Pagpasok niya sa kwarto bigla siya nagtanong, oh nagising ba? bakit nakabukas ilaw?" sinagot ko ng, "dimo ba nakikitang nagtutupi ako, mahirap na baka kasi masabihan mo nanamang tamad ako e". Then diko na siya kinausao hanggang sa umalis siya at pumasok ng work. (Night Shift ang schedule niya). Yun lang mga momsh, sorry ang haba. nasaktan lang talaga ko kasi sobrang pagod ko sa maghapon tapos sasabihan kang tamad 🥹

