Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
38220 Người theo dõi
pinapainom na ng sabaw & katas ng prutas si baby
mag 5 months palang si baby pero pinapatikim na ng mama ko pati biyenan ko ng katas ng orange tapos mga sabaw pinainom na din ng tubig ng biyenan ko, diba bawal pa po un? hindi naman ako makahindi, hindi ko din mapigilan kase i-rerelate nanaman nila sa buhay nila noon nung mga baby pa kami na kesyo na pwede na yan ikaw nga nung baby gan'to gan'yan.
Pwede po ba mag stresstab ang nag papabreastfeed?
Pwede po ba mag stresstab ang nag papabreastfeed
Asawa na walang ibang ginagawa kundi magtrabaho.
Share ko lang po wala kase akong ibang mapagsabihan. Para lang po mabawasan yung bigat and by any chance makakuha ng advice. Note: Sinabi ko na toh sa asawa ko pero wala nmang nagbago. Yung asawa ko po walang ibang alam na gawin kundi magtrabaho. Tricycle driver po siya, malapit lang sa bahay namin. Minsan nag-aalaga ng bata. As in yun lang. Lahat ng gawain sa bahay ako na gumagawa. Never akong tinulungan kahit may time nman siya. Ang mga damit, sapatos, pinagkainan, basta nlang iniiwan nakakalat. Hindi magawang ligpitin o ayusin. Lagi ko siyang sinasabihan na ayusin mga gamit nia at tulungan ako sa gawaing bahay, laging dahilan namamasada siya. Parang may kaltas pag nalate sa pila laging nagmamadali umalis. Ang ginagawa nia, pinapapunta ang nanay nia sa bahay. Ang akin lang, nakakahiya kase nanay pa nia naghuhugas ng pinggan at naglalaba ng damit. Well, I appreciate the effort and kindness ng biyanan ko. Kaya lang dapat tinuturuan nlang nia ang anak nia maging independent. Hindi na bata ang anak nia at may sarili ng pamilya. Isa pang ayaw ko ehh hindi nia ako binibigyan ng pera, pambili lang ng ulam sa araw2x. Ang kwento sa mga kaibigan nia lagi malaki kita nia sa pasada, pag tinatanong ko laging wala kase ibinayad na daw nia at ibinili ng pagkain. Tapos sasabihan ako ng mataba at madaming pimples. Kapapanganak ko plang, we have two month old baby. Paano ba mawala ang pimples kung kahit pambiling sabon wala siya binibigay. I'm a CS mom pero never nia akong inalagaan. Pag ako may pera binibigyan ko siya pambayad sa mga utang nia at ako din bumibili ng mga gamit sa bahay, damit nia, at gamit ni baby. Pag walang wala na siyang pera, sinasabihan ako ng putang inang buhay toh. Bakit parang kasalanan ko. May work po ako naka maternity leave lang po ngayon. Ang hirap pla ng walang trabaho, walang sariling pera at asawa na walang alam na gawin.
Drop Number
Hello po baka po may makasagot sakin agad na pediatrician dito. 🥲 Pwede po pa-convert if saan po dito yung Pwede sa 0.75ml, wala kasing 0.75ml dito sa drop ng gamot ng baby ko e.
pahelp naman po kung anong pwde ilagay or gamot dyan sa daliri ni baby 4months old po siya 🙏🏾🥺
2days napo kasing maga yan siguro po sa pag gupit ko nang kuko niya kaya nangyare yan nung isang araw ko lg din napansin worry napo ako hanggang ngayon ganan paden sana po ma help niyo po ako#firsttime mom
hello po mga moms pa help naman po kung anong pwede ilagay or gamot dto sa daliri ni baby🥺😌
#firsttimemom
Taon sa balat ni baby
Hello mga mima, ask kolang if normal lang ba to sa baby? taon daw tawag. Mag 5months na kasi si baby ko dipa nawawala. ano kaya pede gawin dito? sabi ng iba patakan ng kauntinsa bibig ng nilagang dahon ng ampalaya si baby or paliguan ng dahon ng sampa sampalukan / dahon ng ulad ulad or dahon ng ampalaya. ano po kaya best na dapat gawin para mawala nato? nag woworry kasi ako eh. halata kasi lalu na maputi si baby madami nakaka pansin ma taon daw sya.
Ulad-ulad / Sampasanpalukan
Hello mga mi, nagka parang pantal din ba baby nyo nung bagong panganak sya? sabi ng matatanda normal lang daw yun sa balat ni baby. yung iba paliguan daw ng katas ng sampa samapalukan is it true? si baby ko kasi dipa natanggal yung sakanya
Naglalagas buhok
Ano po ba ginagawa nyo para ma less pag lalagas ng buhok halos araw araw nlg nag lalagas buhok ko kaya lagi konlg tinatali nakakainis kase lagi nlg may pakalat kalat na buhok sa higaan namin ni baby
sobrang pagkukuskos ng mukha
hii mga mashies tanong ko lang po meon po bang same case dto ung baby na as sobra syang magkuskos ng mukha nya na umaabot na sya sa point na nagigising nya sarili nya kakukuskos at laging kadaadaling araw lang po,wala nman po rashes ung.mukha nya..TIA po sa mga sasagot