Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
38138 Người theo dõi
Ayaw kumain ng solid food ni toddler pag ako nagpapakain gusto dumede
Palabas lang ng sama ng loob Haiii pag ako lagi nagpapakain sa anak ko laging kakaunti lang kinakain nya mas gusto nya dumede sakin. Kahit pag naglalaro kmi bigla ttigil gusto lang dumede. Basta pag nakkita nya ko gusto lang nya nakadede sakin. E kakaunti na din ung gatas ko pinagfformula na nga sya ng pedia kasi mababa timbang nya at napakasakitin nya buwan buwan may sakit kasi kulang na daw tlaga ng nakkuha sakin na nutrition kahit may vitamins na sya. Pag nanay ko nagpapakain sakanya halos maubos nya kinakain nya. E hindi naman all the time pede ung nanay ko syempre may ginagawa sya at kakain din sya. Minsan naiisip ko na iwanan anak ko para kumain at dumede na sya ng formula o sa bote. Pero hindi yun possible samin kasi di na kaya alagaan ng nanay ko magisa anak ko asawa ko lagi nasa trabaho nakakapagod na. Gusto ko naman na malambing sakin anak ko at attached sya sakin. Kaso kasi pag ganito di na healthy sakanya naawa ako kasi ang payat nya pero sobrang sigla at likot naman nya. Gusto ko na sya maggain ng weight kasi konti nalang tlaga underweight na sya kaso pano ko naman ggawin yun kung parate gusto nya dede lang sakin. Haiii nakakaiyak na gusto ko lang maging healthy anak ko.
NAGTATAE yung baby ko 4 na araw na
mga mi normal lang ba na apat na araw ng nagtatae anak ko, kulay yellow na mejo watery , 2 hanggang 3 beses sa isang araw sya kung tumae, dapat ko na bang ipa check up sana masagot agad
Breastfeeding
Hello mga mommies👋 first time mom here and breastfeeding po baby ko. 1 year and 4 months na po anak ko. Ask kolang kung normal ba humihina na supply ng gatas kapag nag gogrow na yung anak? Dati kasi sobrang lakas ko mag gatas lalo na nung newborn sya. Problema ko lagi basa damit ko. Ngayon grabe sobra wala na yata masipsip kasi masakit na. Pinapa formula kona sya medyo ayaw pa nya. Pero kung normal talaga humihina na gatas. Ifull formula milk kona pala sya hehe. Salamattt sa sasagot and time sa pag basa mga mommies 😊
Injectable Family Planning
Anyone here po na injectable? March 13, 2024 nagpa inject po ako. Dinugo po ako april 24, 2024 until now po May 8, 2024 dinudugo pa din ako. May nakaranas ba dito ng ganito?
16 weeks preggy, may nakaranas po ba dto ng sciatica pain?
Sciatica Pain
Brestfed si baby at struggle sa pagpainom nga formula
Ayaw uminom ni baby nang formula milk, di na gaano ka dami milk supply ko. Kumakainnnamam sya solid food kay times lang na di sya gaano kumakain. Nababahala ako kase baka kulang sya sa timbang 1y.o amd 3 months na sya at timbang nya is 8.8kilos
Pano malalaman bumuka ang tahi sa loob?
Naexperience nyo na po ba yung nagkavaginal bleeding kayo after 1 month ng cs? indication po ba yun na bumuka yung tahi sa loob? Ok naman po yung tahi ko sa labas kaso nagkakableeding po ako ng black medyo worry po ako di pa po kasi ako makapag pacheck up kasi malayo kami sa city. kakapasched ko palang po ng appointment sa OB. pinipigilan ko mastress pero di ko maiwasan natatakot po kasi ako eh nakakaramdam po kasi ako ng hilo. 🥹
Mga mommy ano po kayang magandang pamalit kay enfagrow? si LO biglang hindi nahiyang.. TIA
Need to replace na po
Tanong about birthcertificate
Hi mga ka momshie my ask sana ako regarding sa birth ng anak ko bali pagka uwi ng ka live un ko galing barko pina apelyedo na nya sakanya. Ang tanong ko po if makasal na kami my chances po ba ma bago yung live birth ng anak namin at sa PSA naka lagay is yung last name ka ng partner ko? D gaya sa iba naka lagay sa kilid ng PSA naka lagay na ini acknowledge lang ng ama pero d apelyedo ng ama sorry if d ma intindihan tagalog ko bisya kasi ako d ako fluent ng tagalog pag pasensyhan napo sana my maka gets sa tanong ko at maka sagot salamat
Nagngingipin sa bagang si baby
Normal bang matamlay si baby? 2 days syang nilagnat at pang 3days na syang nag ngingipin. Nakalabas na konti ung ngipin nya nakakapa ko na. at d na rn masyadong nag iiyak nakakasleep na dn ng mahimbing pero medyo matamlay pa dn. Ang hirap palang mging mommy 🥺 Salute po sa lahat ng strong mommy. Ftm here