Ayaw kumain ng solid food ni toddler pag ako nagpapakain gusto dumede
Palabas lang ng sama ng loob Haiii pag ako lagi nagpapakain sa anak ko laging kakaunti lang kinakain nya mas gusto nya dumede sakin. Kahit pag naglalaro kmi bigla ttigil gusto lang dumede. Basta pag nakkita nya ko gusto lang nya nakadede sakin. E kakaunti na din ung gatas ko pinagfformula na nga sya ng pedia kasi mababa timbang nya at napakasakitin nya buwan buwan may sakit kasi kulang na daw tlaga ng nakkuha sakin na nutrition kahit may vitamins na sya. Pag nanay ko nagpapakain sakanya halos maubos nya kinakain nya. E hindi naman all the time pede ung nanay ko syempre may ginagawa sya at kakain din sya. Minsan naiisip ko na iwanan anak ko para kumain at dumede na sya ng formula o sa bote. Pero hindi yun possible samin kasi di na kaya alagaan ng nanay ko magisa anak ko asawa ko lagi nasa trabaho nakakapagod na. Gusto ko naman na malambing sakin anak ko at attached sya sakin. Kaso kasi pag ganito di na healthy sakanya naawa ako kasi ang payat nya pero sobrang sigla at likot naman nya. Gusto ko na sya maggain ng weight kasi konti nalang tlaga underweight na sya kaso pano ko naman ggawin yun kung parate gusto nya dede lang sakin. Haiii nakakaiyak na gusto ko lang maging healthy anak ko.