Zeleia Clio A. Aralas
2.7kg
Normal Delivery
August 15, 2020
10:42pm
Share ko lang expi ko kay baby. Aug. 15 nun pagkagising ko may konting dugo na sa panty ko. Di ko pa masyadong pinansin un kasi wala pa naman akong nararamdaman na sakit o kahit ano. After ko mag CR nag ssquat na ko talaga at walking. Everyday un since 6months pa lang ako. Edi nag ssquats na nga ako nakaramdam na ko na parang nanakit na ung tyan ko. pero di ko pa rin pinansin un. minitor ko pa. that day naglilipat din kasi kami ng gamit at lilipat na kming bahay. nakapag hakot pa nga ako. HAHA After nun mga bandang 7pm nung nag cr ulit ako dumami na ung dugo. pero ung pain na nararamdaman ko kinakaya kaya ko pa. Sabi ko bukas na lang ako papadala ng ospital kasi kaya ko pa naman. 7:30pm ang tindi na ng sakit na nararamdaman ko. Nagpadala na ko sa ospital. 8pm nasa ospital na kmi na IE na agad ako at 4cm na daw ako. Inadmit na ako at tinawag na ang OB ko. Sabi mga 10pm daw dadating ang OB ko. Then nasa room na ko. mga 9:30pm daw IE daw ulit ako. Minonitor nya ung contractions ko every 1min na lang ang pagitan. wala pang 9pm na IE ulit ako at aun daw fully na daw at manganganak na daw ako. pinagmadali na kong dinala si delivery room. Pinapunta na din ang OB ko. 9:30pm nakarating nanaman ang OB ko. Sabi nya mejo mataas pa daw si baby iire ko lang daw para bumaba. Sinunod ko naman ang sabi ng mga pinsan ko na dapat ang pag ire ay walang sound. Ayun dalwang ire ko lang labas na agad si baby. Napakasakit pero worth it nung nakita ko ang baby ko. ❤🥰 Advice ko lang exercise lang kayo, idisiplina ang sarili. Adik ako sa sweets pero nung na buntis ako lahat un tiniis ko na di kainin. Inom lang ng madaming water. Wag muna palakihin masyado si baby pag lumabas na lang dun nyo lang sya palakihin para madali lang umire. Go mga mamshie 🥰❤❤#sharingiscaring #firstbaby #1stimemom