Duphaston - safe??

Yung OB ko nirecommend akong magtake ng Duphaston. Naalala ko kase ito nung may PCOS ako to regulate ung period ko. Natatakot ako baka maging cause ito ng bleeding ko, I have subchorionic hemorrhage sa 1st ultrasound ko and 9 weeks pregnant. My sister have a history n nung nagtake sya, nakunan sya.. worried ako mga mommies.. 1st baby ko kase sya.. 1st time mom..

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Safe po ang duphaston sa buntis at hindi buntis. Dual purpose kasi sya, kung may PCOS ka, ayan itatake mo para magkamens ka before taking pills. Had PCOS for 5 years. Ayan din pampakapit na nireseta sakin sa 1st pregnancy ko but had a miscarriage. Then on my 2nd pregnancy, ayan ulit 3x a day. Medyo early pregnancy pa ko noon, but it helps din po to develop and nourish yung pinagbubuntis mo. Hesitant ako sa second pregnancy ko kasi too early pa nung nadetect and wala pang embryo so sabe ko sa OB ko, di muna ako magtetake kasi wala pa naman kakapit. Pero good thing nakinig padin ako kasi nilaan nadin talaga ni Lord for us. Now Im currently at 14 weeks. No hemorrhage and anything. Ang liksi nung baby namin nung last ultrasound. Take duphaston every 8 hours for effective use.

Đọc thêm

Pang regulate cia ng period kasi pinapakapal nia uterine lining mo. Pag wala kasi baby nag implant sa matres mo mag shed ung lining nia. Yun ung nagiging regla. Yun ung dugo. Sa case ng mga buntis. Pinapatibay nia lining ng matres mo. Pinapakapal para meron kapitan si baby. Duphaston talaga usually prescribe pag medyo high risk at mahina kapit ng baby ng buntis. Tsaka di ka reresetahan ng doctor na mag cause makunan ka. Naka 3 times a day ako nian buong first trimester. Baka kung wala. Nakunan nanaman ako.

Đọc thêm
3y trước

wala ako spotting or discharge.pero sa utrasound ko may pagdurugo s loob.3 beses ako tvs every 2 weeks un kasabay ng duphaston na iniinom ko. safe yan kc dyan ako napanatag ang loob kahit sbi n ob bed rest paminsan minsan walk ako konti kc may gamot naman ako iniinom.kahit mga 5 or 10mins walk ok na s akin

Thành viên VIP

Yes po mommy safe naman po. Pampakapit po yan. Yan din po palagi ko iniinom pag preggy ako kasi high risk pregnancy po ako palagi. Ano po ba sabi ng OB nung nireseta po yan? Usually ineexplain po dapat ng OB at dapat po may trust po kayo sa kanya. Pero kung wala po kayo trust pwede po kayo maghanap ng ibang OB po na panatag po kayo. Ask nyo po yung mga mommy friends nyo po kung sino pwede I recommend nila na ob po.

Đọc thêm

Hi mamshie just want to share diagnose din ako ng PCOS. yung first pregnancy ko nagkaroon ako ng miscarriage 9weeks na siya at pinatake din ng OB ko is Duphatson 3x a day nuon. Early this year lumipat ako ng ob and now 9weeks na ulit ako preggy as per my OB ang recommended niya sa akin na pampakapit is Heragest dahil nga PCOS ako mag kakatulong daw eto mga katulad ko na may ganitong condition.😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

My first pregnancy was a miscarriage. Now 2nd pregnancy ko na and few weeks away to giving birth - yang duphaston 2x a day ang nagpakapit sa baby ko this time around. Always trust your OB, if you lose confidence sa OB mo, it will cause you unnecessary stress that may lead to miscarriage. Have a healthy pregnancy mommy!

Đọc thêm

Unang una sinabi nyo po na OB ang nagrecommend sa inyo..meaning sya ang nakakaalam kung ano dapat mo itake at kung ano yung makakabuti sa inyo ng baby mo.pampakapit po ang duphaston mamsh.di ka dapat maworried.trust your OB.

I had subchorionic hemorrhage during my 8th week and I took duphaston for 1month. Then nawala na un hemorrhage during my 12th week scan. Trust your ob. She is an expert.

Influencer của TAP

Safe po si Duphaston. Mag tiwala po kay OB. 😊 I have subchorionic hemmorhage nung 8 weeks din ako and Duphaston ang nireseta sa akin. After a week, nawala na. 😊

kaya nga po may ob. kz sila mas nakakaalam ng lahat. kng di nio dn aman po ssndn sana d nalang tau nag pa chkup.

Thành viên VIP

pampakapit yan miii, inumin mo po yan. sabayan mo na lang rin po ng bed rest at iwas muna sa stress.