What If..

What if po tuksuhin ka ng tatay ng anak mo, na "hindi ko naman anak yan ee" for sure po masakit yun sa atin lalo na at siya naman talaga ang tatay. Ano po gagawin o sasabihin mo sa knya?

40 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ginanyan ako dati ng partner ko. Nasulsulan din ng barkada. Nalaman ko na kinontra pala nya yun at sinabi na malabong mangyari na may iba ako kasi lagi kaming magkasama at magka chat which is sobrang totoo. Tas sagutin ba naman sya ng "Pre, mahaba ang araw, maraming pwedeng mangyari sa isang araw." Sobrang sakit bilang ina na sabihan ka ng ganun ng tatay ng anak mo. Pero pumayag ako kahit masakit. Basta sabi ko "confident ako na sayo to. Kaya gusto ko pag lumabas na anak mo talaga to, magsipunta kayo ng mga barkada nyo sa harap ng anak ko at humingi kayo ng patawad." Kahit wag na sakin kako kahit ininsulto nila ako at inisipan nila ako na gagawan ng ganun. Pero awa ng Diyos, natauhan ung partner ko. At ngayon mahal na mahal nya yung baby girl namin at sya pa nag isip ng name para kay baby. Lagi nya hinahawakan at kinikiss yung tyan ko at sasabihan ng I love you si baby.

Đọc thêm

Nako masasampal ko talaga siya momssh ! Hindi kase lahat ng biro nakaka tawa at okay parati yung ibang jokes nkaka pikon din pero kung sakin yan mngyayare masasampal ko talaga .. mag usap kayo momsh sabihin mo wag ganun kase nasasaktan ka kung in doubt siya mag pa DNA kayo or sabihin mo sakanya na kung talagang love ka niya hindi siya gagawa ng jokes na hindi maganda or makaka sakit sayo.. asan ba yan puntahan ko talaga yang asawa mo kahit buntis ako suntukin ko talaga yan para sayo [ joke lang pinapatawa lang kita ] ngiti ka parati momsh kausapin mo pag di madala sa usap , batukan mo ng kaldero 😂😂

Đọc thêm
Thành viên VIP

Siguro magliliparan ang mga plato at kaldero pag ako biniro ng ganyan kung alam ko naman at alam nyang sya naman talaga ang ama. Ang hirap maglihi, sa loob ng 9 na buwan mong dala2x ang similya, hanggang sa paglabor at pagpanganak, pati pag inda sa sakit ng tahi, tapos pagpuyat pa sa gabi para padedein at palitan ng diaper tapos e jojoke kalang ng ganyan. Eh sila sarap ng mga tulog boset. Hindi joke yung pinagdadaanan nating mga ina.😭🙄

Đọc thêm

Sinasabi ko sa asawa ko pag ganyan"edi wg sino mawawalan ako ba" sinasakayan ko sya kahit masakit..kasi tagal namin inantay si baby eh kaya laking kawalan sa kanya lalo na kasi nagkaka edad na sya..mas nasasaktan kasi ako pag sineryoso at dinibdib ko yun kaya dinadaan ko sa tawa at biro after ko magsabi ng ganon tatawa sya at magsosorry samin ni baby..tamputampuhan lang pero wla naman kaya makapag tiis samin.. Hehe

Đọc thêm

Sabihin ko gago sya! Pag eto kahawig mo suntukan nalng pag magaling na ako.. Saka alam ko biro at alam ko wala ko ginagawa kagaguhan kahit nag board ako para mag work at di maapektuhan sa pagod ko si baby. Tas gingantihan ko sya na babaero ka kasi ng di pa kita bf nuon eh kaya ayan hahaha Ganyan lagi nasasabi ko sa asawa ko.. ayun lumabas na carbon copy nya yung baby girl.namin.

Đọc thêm

Medyo ganyan din yung ex ko ibang joke nga lang..nung di pa kami hiwalay sabi niya pag daw hindi cute yung baby hindi daw niya anak 'to (as if naman kagwapuhan siya 🙄)..ayun hindi pa nga lumalabas si baby iniwan na kami 😅 of course masakit parin pero kung ganung klaseng tao lang din ang magiging tatay ng anak ko wag nalang

Đọc thêm

Grabe namang biro yan. Ang sakit nyan marinig sa tatay ng anak mo, ipakita nyo po dapat sa kaniya na hindi magandang biro yung mga ganon. Sabihin mo dapat na kahit magkasama kayo may limitations ang biro maging sensitive dapat sya sa feelings mo, buntis, kakapanganak o kahit anong estado mo dapat galangin ka.

Đọc thêm

kung alam mong wala kang ginawa at kung alam mong biro lang wag kang ma ooffend momsh ako nga pag nag kukulitan kami ng papa ng anak ko lagi sinasabi "anak ng kapitbahay" natatawa nalang ako kasi alam kung nagbibiro lang at tsaka alam mo sa sarili mo na wala kang ginawang kabulastugan

Thành viên VIP

It's not a good joke lalo na kung alam mo at alam naman niya na siya yung totoong tatay. Kung ako yan baka nasapak ko na eh, di magandang biro eh kung siya kaya sabihan ng sarili niyang tatay na di naman siya anak. Kahit biro yun at panunukso lang di pa din maganda pakinggan.

Influencer của TAP

Hindi po magandang biro yun momsh! Kung ako po iyan. Dna ako ii.ik at dko na po sya ppansini. Dahil una palang alam nya na yun sa knya ang bata lalo na't kung magkasama po kau sa iisang bahay. Baka po di ko ipaapelyido sa knya ang magging anak ko. 😊😂