Needs opinion ?

Hi po . Hihingi lang sana ko ng opinion nyo. If di po kayo kasal ng tatay ng anak nyo . then nakipag hiwalay sya. at ikaw lang gumagastos sa pagbubuntis mo. at marami pa syang sinabi na masasakit na salita sayo . Iaapelyido nyo pa ba sa tatay ng anak nyo if sa mismong araw na manganaganak sya is pupunta sya or pumunta sya ?

46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same scenario. Lalo na ngayon sa pinagbubuntis ko. Buti ka pa sis hiniwalayan lang. Sakin nga may babae at proud pa sila 😂😂 Anyway, with your question, alam kong may galit tayo sa mga tatay ng anak natin but don't you think hindi dapat madamay yung bata? Ayan din yung una kong plano, na wag ipangalan sa kanya yung bata pag nanganak na ko this October pero naisip ko, hindi ba mas parang lalo ko lang pahihirapan yung bata in the future? And isa pa, though by law, surname talaga ng nanay ang initial na dapat gamitin ng bata, right pa din naman ng bata na dalhin yung apelyido ng tatay. Lalo na kung willing naman yung tatay na kilalanin yung bata. Maswerte ka sis kasi gusto nya kilalanin anak mo. Yung iba kasi, totally gago. Nambuntis lang, sabay takbo. And isa pa tama po yung comment ni teacher sa baba. May impact sa bata yan habang lumalaki. Totoo yun kasi patunay ako dun. Eto yung mantra ko lagi i share ko na din sayo. A bad spouse doesn't equal to bad parent. Yung sustento sa bata, isang factor lang ng parenting yan. But in the long run, the fact na anjan sya para sa bata at nagpapakatatay siya para sa anak nyo, it's a win-win.

Đọc thêm

Hindi. Ang swerte naman niya kung surname niya pa gagamitin. Momny, hindi mo deserve yung ganong lalaki. In a first place, ngayon pa lang iniwan niya na kayo ano pa sa susunod diba? Ipakita mo sa kanya na kaya mo, na kaya niyong mag-ina kahit wala siya. Panindigan niya yung desisyon niya. Huwag siyang lalapit kung kelan lang lalabas yung bata. Ang kapal naman ng mukha niya. Ang isipin mo po ngayon, yung health niyo ni baby tsaka mo na isipin yung kesho mahihirapan ang bata kasi walang ganito, ganyan. Malay naten merong dadating na mas better diyan sa Exyz mo. Hindi din naten masasabe. Iparamdam mo sa anak mo kung gano mo siya kamahal. Balang araw maiintindihan niya din yung sitwasyon. Mas ipriority mo na lang po muna yung kalagayan niyo ni baby ngayon.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hindi. Bahala siya. Parang same tayo ng experience sis.. wag na wag. Hahahaha I’m single mom for my little Matty who suffered skin asthma/atopic dermatitis at ngayon po’y naglalambing, nakikisuyo ako Please po like ♥️ din po ng family pic namin paVisit po ng profile ko po. Maraming Salamat. Malaking tulong po ito upang may kaaliwan siya sa panunuod ng tv na mapapanalunan ko po galing sa tulong niyo. Lalo na’t nasa bahay lang siya halos dahil sa sobrang sensitive ng skin niya. Godbless po!

Đọc thêm

right po yan ni baby. set aside our personl vendetta po, wag natin ideprive ng karapatn ung bata sa ama nya khit di po xa responsable dahil sa galit natin. kasi po ung impact nyan sa bata ay di maganda like lack of self condidence o self identity. even though not all pro mga batang gnyn usually prob studnt sa skul, tchr po kasi ako so kpg my prog ung bata parnt factor ina nmin tintnong.

Đọc thêm
6y trước

Agree po ako. Tcher dn ako at nakakaawa po tlga ung mga estudyante ko na wlang middle name ksi nga ndi kilala ang tatay or what. Malaki po epekto s mga bata. D lng halata sa iba pero iba po tlga din..

Iapelyido mo opinion lang. why? PARA MAY MAKUHA KA PARING SUSTENTO SA ANAK MO. AT KUNG HINDI MAGBIBIGAY NG SUSTENTO ONCE NA NAKAAPELYIDO ANG BATA. KASAL KAYO O HINDI PWEDE MO SYANG KASUHAN AND WORST MAKULONG SYA NG 6-12 YRS. FREE LANG DIN ANG PAG FILE NG CASE NAIPASA NA PO YUNG BATAS NA YAN :) Pero kung ayaw mong ipaapelyido choice mo padin yang mamsh.

Đọc thêm

Kung ako yan hindi na. Hindi sya responsable ni di nahirapan nun nanganganak ka tas dadating lang kubg kelan ilalabas na. Dami nagsassbe nabasa ko mahihirapan bata kung di gamet apelyido nan tatay. Ako sa nanay ko gamet kong apelyido. Never naman ako nahirapan pagdating sa apelyido na yan. Well nasayo pa den desisyon.

Đọc thêm

same situation po, yung sakin inaako nmn po, kaso ,sa hirap po ng buhay, kahit pa2no kailangan din natin ng pinansyal na suporta, sakin as in wala tlga, nung una nagda2lawang isip pa ko, pero narealize ko n , pagdating ng araw yung bata pa rin yung mahi2rapan so, ipa2gamin ko pa di, ( opinyonnko lng po ito)✌

Đọc thêm

Para sa bata yes dapat iapelyido sa tatay para sa financial support karapatan ng anak mo yung makakuha ng suporta sa tatay nya at karapatan din ng tatay na mkilala at madala yung pngalan nya ng bata kasi kung galit mo yung paiiralin kawawa yung bata madadamay lng sya sa away nyo...

For me, NO sis.. .kasi ngaun ngang buntis k palang d n nya mapakita ung support nya sa inyo ni baby..d nya deserve na maging kasurname pa anak nyo. Aside from that , in the near future u will need his consent pa in some cases kasi s knya nkaapelyido ang bata

Yes yon pa din surname sa father. Hindi naman dahil sa sustento or what... Rights pa din ng anak mo yung surname ng tatay niya. So na sayo din yon sis kung ano ang maging desisyon mo. But for me it's yes!