Thanks God

Want to share my unforgettable experience during my delivery day. September 2 schedule ko for check up sa lying in na lagi pinupuntahan. 39weeks na ko that time via LMP pero ang sinusunod nila is yung TVS ko so 38weeks ako sa record nila. Pumunta ako sa lying in ng 10am pagdating dun usual check up then IE at first kinabahan ako kasi sabi masakit daw ang IE. Nung na IE ako di naman ako nasaktan sabi pa nila 6cm na daw ako pero no sign of labor talaga ako. So nilagyan nila ako ng 3 primrose sa pwerta pinag iisipan pa nila kung iadmit na ba ako pero sa huli sabi nila after 4hours balik daw ako or pag may kakaiba na akong nararamdaman. So umuwi nga ako lakad lang ginawa ko papunta at pabalik para tagtag na talaga kahit malayo sa amin ang lying in keri lang. Bumalik ako ng 5pm kasi wala pa naman ako nararamdaman. Pag dating ko sa lying in 6-7cm na daw ako pero wala pa talaga akong nararamdamang labor sabi baka daw mataas pain tolerance ko pero inadmit na nila ako pinakuha ko nalang sa sister in law ko yung gamit namin ni Baby para maadmit na ako. 6pm nalagyan na ko ng swero medyo nakaramdam na ko ng labor pero kaya ko pa kaya pagkinakausap nila ko nakakangiti pa ko. Inabot na kami ng 10pm pero yung pakiramdam ko nun parang may dysmenorria(paki correct po ko sa spelling nakalimutan ko e) lang ni IE nila ulit ako 8cm na daw bakit parang wala lang daw sa akin yung 8cm sabi nila yung iba halos namimilipit na sa sakit pero ako easy lang daw. Nilagyan ulit nila ako ng 3 Primrose. Tapos may ininject pa sa akin na pampahilab daw. Inabot na kami ng 1am sept 3 na pero di pa din nalabas si baby na IE din ako sabi nila 8-9cm almost full CM na daw ako pero wala pa daw sa bukana ng pwera ko ulo ni Baby ang hinala nila BAKA DAW cord coil si baby. Kinausap na asawa ko Emergency CS na daw ako di pa sya makapag decide bukod sa wala kaming budget for CS alam nya ding ayoko maCS pero no choice pumunta na kami sa private hospital na ni recommend ng lying in. Pag dating namin dun bago daw ako isalang need daw namin magdown agad ng 20K wala kami ganung cash kaya umalis kami pumunta nalang kami sa public hospital (gusto kong pangalanan to kaso ayoko din sila masira) kasama namin the whole time parent ng asawa ko Mama nya ang nagmakaawa sa loob ng hospital na isalang ako dahil inaalala namin ang bata pero ang sabi ng isang nurse punuan at kung ipipilit namin na dun talaga ako manganak ilalagay daw nila kami sa ward ng may mga covid. 2am kami nakarating sa hospital na yun at inabot kami ng 4am bago ako tawagin kinausap lang ako na need ko daw gumawa ng kasulatan na kahit anong mangyari wala daw sila pananagutan. Sinabi pa nila sa akin na hindi daw nila ako masasalang agad dahil isa lang amg operating room nila baka daw kinabukasan pa daw ako maisasalang hindi daw nila kasalanan pag lumabas si baby na wala ng buhay kasalanan ko na daw yun may isa pag dumating na buntis regular patient nila yun sabi nila mas uunahin daw nila yung regular kesa sa akin na walang ni isang record sa kanila. Sinabi ko nalang sige unahin nyo na sya lumabas ako pinipilit ko ang sarili kong magpakatatag para kay Baby pero nung nakita ko asawa ko biglang bumuhos luha ko. Sinabi ko kanila ang sinabi sakin syempre nagalit sila sabi ko hanap nalang ulit kami hospital. Pumunta kami sa isang public hospital ulit dito lang sa Caloocan di din kami tinanggap kasi need pa daw ng PCR test then magdown din daw muna nakalimutan ko lang kung magkano. 50/50 na buhay namin ng anak ko pera pa din iniisip nila. Nung sinabi nila yun suko na ko sabi ko sa bahay nalang ako manganganak magpatawag nalang ng kumadrona. Nakauwi kami sa bahay 5am na nagpatawag kami ng kumadrona. Ni IE nya ako sabi nya mababa na daw si Baby need ko daw ilakad lakad pa. Naglakad lakad ako sa loob ng bahay squat na din hanggang sa inabot nanaman kami ng 2pm di pa din ako nanganganak yung pakiramdam ko labor ng nakaraang gabi nawala parang nireregla nanaman ang pakiramdam ko na masakit ang puson. Sa isip ko baka hindi pa naman talaga ako manganganak pinilit lang ng lying in kasi wala talaga akong nararamdaman nun kahit nga mucus plug wala kaya nung na IE nila ako nagulat ako na 6cm na daw ako. Quarter to 3 tumawag sa amin ate ng asawa ko sabi niya kakausapin nya daw yung midwife na kakilala niya papakiusapan na tanggapin ako kahit wala akong record. Pinapunta nila kami sa Lying in nila para magawa pa mga kailangan like ultrasound para malaman kung totoong cord coil si Baby pero sinabi ko naman na sa tatlong Ultrasound ko clear naman lahat. Sabi ng midwife IE muna niya ako para malaman kung totong almost full cm na daw ako. Pag IE sa akin 6cm to 7cm na daw ako alam nyo kung anong malupet? Marami daw akong poop na hindi nailabas kaya daw siguro hindi bumababa si baby dahil nakaharang yung poop ko. So hindi nya na ako pinag paultrasound pinatae muna nila ako. May nilagay syang liquid sa pwetan ko after 3mins naka poop na ako after 5mins nakaramdam na ako ng matinding sakit sa balakang, sa puson pati sa pwerta sabi ng midwife yun na daw ang totoong labor kaya inadmit na nya ako inantay pa namin ang doctor galing pang hospital sinisilip nila pwerta ko habang nakahiga ako nakikita na daw nila ulo ni baby. 5:30pm dumating na yung doctor. BTW painless po ako 20K para mabawas bawasan naman daw yung sakit. Para kayanin ko pa daw umiri. So yun imbes na gusto kong manganak ng gising nanganak ako ng tulog haha 6:20pm September 3 baby's out na. Kahit pa ganun pinagdaanan namin mag ina 24 hours walang tulog pero worth it naman. Nakita ko naman sya nung time na hinugot sya sa pwerta ko at iangat. Sept 4 ko pa sya nakita ng tuluyan. Sa ngayon 21days na si Baby at inienjoy ang bawat sandali. Parang gusto ko na nga bumalik sa trabaho para matulungan ko naman asawa ko mabayaran yung 20K na naging utang namin pero ayaw nya. Advice ko sa mga manganganak, nagbabalak magbuntis at naghahanap ng clinic or hospital mag background check muna kayo mga mumsh dun kayo sa marunong talaga para di kayo matulad sa akin na kamuntikan ng maCS hindi naman para cord coil si baby. Meet my Baby Mikaela Jen Bustamante Jornales DOB: September 3,2020 (6:20pm) 3kls Vaginal Delivery (Painless) EDD via TVS: September 13 EDD via LMP: September 10

Thanks God
48 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yes tama ka mamy, na bago pa man magdue date, magcanvass ka na ng mura ngunit maaasahan at hindi pera ang habol , nagkaroon din ako ng ob dahil nadiagnose ako ng UTI, gang 7 months namin ni baby ako nagpacheck up sa kanya, den ng mga 8 months na ako i decided na sa center nalang namin ako magpacheck up, bukod sa libre, mas malapit pa sa bahay namin. At mas kilala pa ng mga kasama ko sa bahay, pinagdesisyun ako ng kasama ko trabaho kung saan ko gusto manganak, kako praktikalan na po, gusto ko sana sa mura lang. Tutal nagpapaanak naman na ung midwife namin ng center namin dun na kinaisap ko na sya, at pumayag naman. Very accomodating, gabi na 8pm nung tinawagan ko sya at 11pm nag uupdate pa din ako sa kanya, at 3am sept 12(happy bday to me) iba na ang sakit at hilab ng tyan ko. Punta na ng center, at un nga 5:45am sept 12, baby's out na (happy bday to us na ) 😍, sobrang hirap po ng mainduce. Ako wala as in Never ako pinasukan ng primrose, never swinero at never tinurukan ng pampahilab , as NATURAL labor, ang hirap mamy pero kinaya... Buong building ng center namin dinig ang hiyaw, sigaw, habang umiire pero worth it dahil paglabas ni baby, alam kong buhay dahil kung gaano kalakas ung aigaw at hiyaw ko habang umiire ganun din kalakas iyak nya nung paglabas ng pwerta ko. Ahy Thanks God dahil nakaraos na din. Hehe sensya na mamy napakwento din ako...

Đọc thêm
4y trước

Wala akong tulog dahil sa labor ko sis kasi totoo nga na mas masakit pala ang labor pag dugo ang unang lumabas. Tapos gang sa nakapanganak ako oras pa din inabot bago ako nakatulog kaya namasdan ko sya ng bonggang bongga dahil sa center nga lang ako nanganak kaya di na inilayu sa akin si baby.. Ang sarap sa feeling kasi pawi lahat ng hirap, pagod at sakit pagkakita sa baby natin... Congrats din sayu sis... 💖

kaya adviseable talaga sa mga buntis na ngayon na sa lying in nagpapacheck up, make sure na meron din kayong record at ob sa kahit isang hospital dahil di naten alam if walang magiging complications ang panganganak naten. be prepared always dahil sa panahon ngayon madame talagang hospital ang tumatanggi lalo na kung ganung wala kang record sa kanila. buti pook kayo ni babh. God bless

Đọc thêm
4y trước

Inalagaan kayo ng midwife nyo at the end na di nyo nakuha yung gusto nyong ending nyo sisiraan nyo wag ho sanang ganon mami. wala hong midwife ang mag aaral at magpapaka hirap na pumasa ng board para magkalisensya para pumatay lang ng ina at bata!

Same tayo sis, sa pinagchcheckupan ko gsto nila ako iCS kase malaki si baby pinaghhanda nla ako ng 60k jusko wala kami ganung pera, naghanap kami ng mama ko ng iba, at dun na nga nakaya naman inormal kahit mahirap maglabor, normal din ako with painless. Congrats momsh 💖

4y trước

parang ewan yung mga ganun clinic pera pera kasi talaga e. imbis na tulungan nila makaraos ibabaon pa nila. btw congrats din po sa inyo 🥰

Thành viên VIP

buti safe kayo ni baby at blessing in disguise siguro na hindi kayo natanggap sa mga pinuntahan nyo na hospital dahil hindi pa time talaga na madeliver si baby. good job, mommy! welcome to the world baby Mikaela ❤

4y trước

Siguro nga po Mumsh. At siguro way din yun para sabihin na hindi kami para sa CS. Thank you po 🥰

congrats mamsh! kaya ako kahit pinili kong manganak sa center lang (Jan2021 pa due ko) ngpapachk up pa din ako monthly sa OB talaga. wala kasi ako tiwala sa ibang midwife dito samin

4y trước

Oo sis mas maganda pa din na may option ka para di matulad sakin. God bless po enjoy your pregnancy journey po 🥰

grabe nmn yun momsh. dpat di ganun mga hospital kasi nanumpa sila namagliligtas sila ng buhay. anyway congrats mommy. stay safe po kayo n baby. God bless po.

4y trước

hayaan mo na mommy, may mga ganun tao talga. buti na lng po okay kayo n baby. God bless po.

Wow 💕 congrats mommy pinagbblessed kayong punong puno ni lord 🙏 nakatulong ang subrang lakas ng loob mo at may sariling disisyon 💕🙏

4y trước

Yess po thank you. Sobrang thankful po talaga ko sa taas dahil hindi nya din kami pinabayaaan mag ina 🥰

grabe straggle mO momshiE,,,gaLing nmn nung midwife n tumingin sAu,,,😊,,,snA ndi rin akO mhirApan mglabOr,,,cOngrats tO u,,,

4y trước

thank you momsh. super galing talaga ng midwife na yun kaya nga pag nag second baby pa ko sa kanila na ko pupunta ❤️ btw good luck on your big day 😊😘

wow,what an amazing birthstory mumsh,kahit sa kwento mo ramdam ko na ang tapang mo,,salamat at nakaraos,,!

4y trước

Ayyy thank you po ❤️❤️

Natakot ako bigla, Sana tanggapin kami ni baby sa hospital in case FTM ako, Anyway Congrats sa inyo!

4y trước

Be strong lang mumsh. Pacheck up ka din sa hospital para kahit isang record meron ka sa kanila. Yan kasi ang hindi ko nagawa kaya nahirapan kami maghanap ng hospital due to pandemic na din kasi. Kaya di ako nakapag pacheck up sa hospital.