Thanks God

Want to share my unforgettable experience during my delivery day. September 2 schedule ko for check up sa lying in na lagi pinupuntahan. 39weeks na ko that time via LMP pero ang sinusunod nila is yung TVS ko so 38weeks ako sa record nila. Pumunta ako sa lying in ng 10am pagdating dun usual check up then IE at first kinabahan ako kasi sabi masakit daw ang IE. Nung na IE ako di naman ako nasaktan sabi pa nila 6cm na daw ako pero no sign of labor talaga ako. So nilagyan nila ako ng 3 primrose sa pwerta pinag iisipan pa nila kung iadmit na ba ako pero sa huli sabi nila after 4hours balik daw ako or pag may kakaiba na akong nararamdaman. So umuwi nga ako lakad lang ginawa ko papunta at pabalik para tagtag na talaga kahit malayo sa amin ang lying in keri lang. Bumalik ako ng 5pm kasi wala pa naman ako nararamdaman. Pag dating ko sa lying in 6-7cm na daw ako pero wala pa talaga akong nararamdamang labor sabi baka daw mataas pain tolerance ko pero inadmit na nila ako pinakuha ko nalang sa sister in law ko yung gamit namin ni Baby para maadmit na ako. 6pm nalagyan na ko ng swero medyo nakaramdam na ko ng labor pero kaya ko pa kaya pagkinakausap nila ko nakakangiti pa ko. Inabot na kami ng 10pm pero yung pakiramdam ko nun parang may dysmenorria(paki correct po ko sa spelling nakalimutan ko e) lang ni IE nila ulit ako 8cm na daw bakit parang wala lang daw sa akin yung 8cm sabi nila yung iba halos namimilipit na sa sakit pero ako easy lang daw. Nilagyan ulit nila ako ng 3 Primrose. Tapos may ininject pa sa akin na pampahilab daw. Inabot na kami ng 1am sept 3 na pero di pa din nalabas si baby na IE din ako sabi nila 8-9cm almost full CM na daw ako pero wala pa daw sa bukana ng pwera ko ulo ni Baby ang hinala nila BAKA DAW cord coil si baby. Kinausap na asawa ko Emergency CS na daw ako di pa sya makapag decide bukod sa wala kaming budget for CS alam nya ding ayoko maCS pero no choice pumunta na kami sa private hospital na ni recommend ng lying in. Pag dating namin dun bago daw ako isalang need daw namin magdown agad ng 20K wala kami ganung cash kaya umalis kami pumunta nalang kami sa public hospital (gusto kong pangalanan to kaso ayoko din sila masira) kasama namin the whole time parent ng asawa ko Mama nya ang nagmakaawa sa loob ng hospital na isalang ako dahil inaalala namin ang bata pero ang sabi ng isang nurse punuan at kung ipipilit namin na dun talaga ako manganak ilalagay daw nila kami sa ward ng may mga covid. 2am kami nakarating sa hospital na yun at inabot kami ng 4am bago ako tawagin kinausap lang ako na need ko daw gumawa ng kasulatan na kahit anong mangyari wala daw sila pananagutan. Sinabi pa nila sa akin na hindi daw nila ako masasalang agad dahil isa lang amg operating room nila baka daw kinabukasan pa daw ako maisasalang hindi daw nila kasalanan pag lumabas si baby na wala ng buhay kasalanan ko na daw yun may isa pag dumating na buntis regular patient nila yun sabi nila mas uunahin daw nila yung regular kesa sa akin na walang ni isang record sa kanila. Sinabi ko nalang sige unahin nyo na sya lumabas ako pinipilit ko ang sarili kong magpakatatag para kay Baby pero nung nakita ko asawa ko biglang bumuhos luha ko. Sinabi ko kanila ang sinabi sakin syempre nagalit sila sabi ko hanap nalang ulit kami hospital. Pumunta kami sa isang public hospital ulit dito lang sa Caloocan di din kami tinanggap kasi need pa daw ng PCR test then magdown din daw muna nakalimutan ko lang kung magkano. 50/50 na buhay namin ng anak ko pera pa din iniisip nila. Nung sinabi nila yun suko na ko sabi ko sa bahay nalang ako manganganak magpatawag nalang ng kumadrona. Nakauwi kami sa bahay 5am na nagpatawag kami ng kumadrona. Ni IE nya ako sabi nya mababa na daw si Baby need ko daw ilakad lakad pa. Naglakad lakad ako sa loob ng bahay squat na din hanggang sa inabot nanaman kami ng 2pm di pa din ako nanganganak yung pakiramdam ko labor ng nakaraang gabi nawala parang nireregla nanaman ang pakiramdam ko na masakit ang puson. Sa isip ko baka hindi pa naman talaga ako manganganak pinilit lang ng lying in kasi wala talaga akong nararamdaman nun kahit nga mucus plug wala kaya nung na IE nila ako nagulat ako na 6cm na daw ako. Quarter to 3 tumawag sa amin ate ng asawa ko sabi niya kakausapin nya daw yung midwife na kakilala niya papakiusapan na tanggapin ako kahit wala akong record. Pinapunta nila kami sa Lying in nila para magawa pa mga kailangan like ultrasound para malaman kung totoong cord coil si Baby pero sinabi ko naman na sa tatlong Ultrasound ko clear naman lahat. Sabi ng midwife IE muna niya ako para malaman kung totong almost full cm na daw ako. Pag IE sa akin 6cm to 7cm na daw ako alam nyo kung anong malupet? Marami daw akong poop na hindi nailabas kaya daw siguro hindi bumababa si baby dahil nakaharang yung poop ko. So hindi nya na ako pinag paultrasound pinatae muna nila ako. May nilagay syang liquid sa pwetan ko after 3mins naka poop na ako after 5mins nakaramdam na ako ng matinding sakit sa balakang, sa puson pati sa pwerta sabi ng midwife yun na daw ang totoong labor kaya inadmit na nya ako inantay pa namin ang doctor galing pang hospital sinisilip nila pwerta ko habang nakahiga ako nakikita na daw nila ulo ni baby. 5:30pm dumating na yung doctor. BTW painless po ako 20K para mabawas bawasan naman daw yung sakit. Para kayanin ko pa daw umiri. So yun imbes na gusto kong manganak ng gising nanganak ako ng tulog haha 6:20pm September 3 baby's out na. Kahit pa ganun pinagdaanan namin mag ina 24 hours walang tulog pero worth it naman. Nakita ko naman sya nung time na hinugot sya sa pwerta ko at iangat. Sept 4 ko pa sya nakita ng tuluyan. Sa ngayon 21days na si Baby at inienjoy ang bawat sandali. Parang gusto ko na nga bumalik sa trabaho para matulungan ko naman asawa ko mabayaran yung 20K na naging utang namin pero ayaw nya. Advice ko sa mga manganganak, nagbabalak magbuntis at naghahanap ng clinic or hospital mag background check muna kayo mga mumsh dun kayo sa marunong talaga para di kayo matulad sa akin na kamuntikan ng maCS hindi naman para cord coil si baby. Meet my Baby Mikaela Jen Bustamante Jornales DOB: September 3,2020 (6:20pm) 3kls Vaginal Delivery (Painless) EDD via TVS: September 13 EDD via LMP: September 10

Thanks God
48 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kung ako sasabihan ng ganun ng nurse or tratuhin ako ng ganun. Ay tlgang makakatikim sya!

4y trước

Super thankful po talaga ko sa taas at di nya kami pinabayaaan mag ina pinalakas niya din loob ko. Kaya mo yan mumsh make sure nyo po na trusted talaga yung lying in na pagkakatiwalaan nyo yung no issue. Lesson learned talaga sakin tong nangyari.

Congrats po, sana ganyan din ako kastrong pag humilab na din tyan ko. God bless po!😇🙏

4y trước

Thank you po😊

Andaming nangyari nakakaloka. Buti nakayanan nyo at mabuti okay lang kayo ni Baby. :)

4y trước

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

God is good po talaga! Godbless and keep safe sa inyong pamilya! 🙂

4y trước

thank you God bless din po sa family nyo 😇

tanong ko lng po kung pinag swab test po ba kayo bago kayo manganak?

4y trước

Hindi na po. tinanong lang ako kung may symptoms daw po ko ng covid

naiyak naman ako hehe. Praise the Lord and good job mommy. 😊

4y trước

Naku thank you po. Maski hanggang ngayon sis pag tinitignan ko anak ko naaalala ko yung nangyari super traumatic. Praise the lord talaga di nya kami pinabayaan 🥰

Thành viên VIP

ask k lng po pinag swab test po ba kayo bago manganak

4y trước

Hindi na po. Tinanong lang ako kung naka experience ba ako ng symptoms nung mga nakaraang araw or linggo.

Grabe ang tapang nyo ni baby. Congrats mommy! ☺️

4y trước

Thank you po. Lakasan nalang po talaga ng loob mumsh kinausap ko din sya that time di ko din akalain makikinig sya sakin ❤️❤️

congrats mommy.buti safe kau ni baby mo❤👶🥰

4y trước

onga mommy.God is really Good❤😇

salute your katapangan mommy ☺☺ congrats po☺