Totoo o Hindi??

Totoo po ba na pag baby boy ang pinagbubuntis umiitim po ang mga kilikili etc.??

83 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Baby girl saken pero umitim kilikili ko and pati singit haha! Lalo na kapag starting palang na pinag bubuntis mo si baby mas Dark sila pero ngayon na 37weeks nako pumuti na sila. Pati kililiki ko nawala na yung line na dark. Sabi kase nila kambal daw ng nag bubuntis yan.

same lang po.. Bawat pagbubuntis may mangingitim talaga satin. Depende kasi sa hormones natin. Akin po baby boy ko nangitim kilikili ko at ngayon girl naman pero nangitim lang kung kelan 7months na.pero hnd ganun kaitim d tulad sa mga boys ko noon. 😊

Sakin po 3rd trimester na ko di naman po nangitin kili kili ko or batok ko or nagka stretch mark sa tyan. Depende ko sa genes, Mommy ko po kasi saka Ate ko hindi din ganon😊

Umiitim din lahat sakin kili kili leeg, singit.. Maraming pimples, nangangamatis na ilong, 😂 maraming ngsabi na baby boy tpos nung ngpaultrasound kami baby girl daw. 😍

Thành viên VIP

the big no po hindi true kasi ako baby boy pinagbubuntis ko hindi nman maitim kilikili ko pumuti nga ako ngayon.iba iba po ang pagbubuntis ng mga kababaihan momi...

Depende po sa nag bubuntis. Walang katotohanan na pag girl ang baby eh blooming ka, pag boy ang baby hahgard ka. Depende po sa hormones ng katawan mo yan momsh.

Karamihan kase, ako umitim ang leeg at kilikili ko sa baby boy ko pero yung ngayon baby girl umitim ng kunti lang sa kilikili.. pero hindi lahat po

hindi din po sis.. ako ngitim na ang lahat lahat.. pti ilong nangangamatis.. pero twice na confirm ng OB ko na girl.. andming ayaw mniwla😄

Baby boy akin 3rd trimester di naman umitim kili kili ko saka batok ko, di din nagkaka stretch mark, sa genes po yan hindi sa dinadala 😊

Hindi po totoo un..boy po panganay ko pero nung pinag bimtos ko sya.wala Ni Isa umitim sakin..sa pangalawa ko girl..umitim kilikili ko😥