Masama ba na gusto ko mag work?
Tapos na ang 105 days ko papasok na ako pero until now hindi padin kami nakakahanap na mag yaya sa baby boy ko at ang desisyon ng asawa ko is mag resign ako ee ayuko talaga mag resign pakiramdam ko Hindi kaya ng asawa ko sapat lang para samin ni baby at sa kanya kaya gusto ko mag work para matulungan sya At mabili ko ang mga gusto ko para sa anak ko at bored talaga ako sa bahay kaya Mas gusto ko mag work then alaga ky baby satingin nyo mga momshie mali ba ako na gustuhin ko mag work pakiramdam ko kapag full time mom ako tataba ako malolosyang ako At Baka ma stressed ako hayss gusto ko din namn makita ang mga ka workmate ko friends ko alam ko na May anak nko pero masama ba na mag ganun din ako minsan? Hayss
Ako po mommy, stay at home simula nung magbuntis ako 22yo. Isang taon na din ako walang work. At kating-kati na rin magtrabaho, dahil gaya mo gusto ko rin makatulong kay mister mas lalo na ang mabili lahat ng gusto kong bilhin para sa anak ko hahahaha. Add to cart nalang muna 😂😂. Nakakapagod, at aaminin ko na grabe talaga nilaki ng katawan ko at bilbil 😂 kahit nakakabagot sa bahay, masaya naman kasi kasama ko anak namin. Pinaka-kinatatakutan ko nga e walang magbabantay o mag-aalaga sa anak ko lalo pa tuwang-tuwa relatives ko/family sa baby ko natatakot ako na baka kung anu-ano ipakain o isubo sa bibig ng anak ko. Jusko. Yes, pihikan ako. Hehe. Pero nakaset na ang plano namin mag-asawa na kapag 1yo na si lo, magtatrabaho na ulit ako. ☺ Mas maganda pong pag-usapan niyo mabuti ng asawa mo yung issue. Hehe
Đọc thêmAko po nagsstart pa lang ang career, just graduated 2 yrs ako pero nagkababy agad ako and I had to sacrifice my career kasi wala din pong mag-aalaga sa baby ko. Di naman po nakakataba at nakakalosyang sa bahay, it's still up to you nasa pag aalaga po yan. I still meet with my friends and former workmates paminsan minsan pero di din ako mapakali kapag nasa labas na di sya kasama😅 And di naman po nakaka-bored. Siguro nakakapagod mag-alaga plus household chores pa pero ang sarap po sa feeling na ikaw yung nakakawitness ng milestones and nakakapawi ng pagod yung mga ngiti at paglalambing ni baby at the end of the day 😊
Đọc thêmTry nyo po homebased jobs, dami kong friend na ganyan work at mas malaki pa sinasahod nila keysa sa nasa corporate. Nakapag try na din ako lowest nila $5 per hour. Di na masama. Napatigil lang ako Kasi nag aral ako ulit di na Kaya pagsabay sabayin lahat. So far mga friends ko di Naman nalolosyang. Mas gumanda pa nga sila Kasi nakakapag bakasyon grande sila Kung saan saan dala Lang nila laptop nila almost everywhere Naman may WiFi kahit saang hotel sila mag stay. Tuwang tuwa sila Kasi present parents sila sa kids nila. Malay nyo po nagustuhan nyo din.
Đọc thêmHindi nmn po masama yon mommy, Pero sa tingin ko po d nmn po kayo pinipigilan ng asawa nio iniisip nya lng po kc kung cno ang magaalaga kay baby if nagwork ka. Maganda po sana kung may nahanap na kayong mag yaya o mag aalaga kay baby. Pero kung wala kayong mahanap mag no no choice po kayo. Pede nmn po mamili kayo kung cno ang magreresign o kung cno mas mataas ang sweldo then sya ang magstay sa work and then ung isa mag aalaga kay baby. Pero tanungin nio po muna ung partner nio if okay lng sa kanya ang ganon.
Đọc thêmpede din nmn po if palitan kayo ng pag aalaga kay baby. Isa sa umaga isa sa gabi kaso nakakapagod po un kc need nio magrest paguwi sa bahay then magpapalit kayo ng chores para kay baby.
Nurse po ako and I had to sacrifice my job para alagaan ang baby ko. Actually tama ka naman, mahirap ang walang trabaho. Mahirap yung wala kang sariling pera. Naisip ko din pano mga bills ko... pero mas mahirap gurl kung ipapaalaga mo ang baby mo sa di mo kilala. Mahirap magtiwala. At mas iba pa din kung nanay ang nagaalaga ng baby niya.... at saka napakababaw naman yung reason na feeling mo malolosyang ka. Wag ganun, isipin mo yung kapakanan ng anak mo.
Đọc thêmKung ako tatanungin mas maalagaan si baby kung ikaw na ina ang mag aalaga sa knya... hindi ka naman siguro pahihintuin ng asawa mo kung naiisip niyang kukulangin kayo pag huminto ka sa pagtratrabaho .. gagawa at gagawa ng paraan ang mga tatay masuportahan lang ang kanyang pamilya. Then hindi lahat ng full time mom ay tumataba at nalolosyang😂🤣... better pag usapan niyo yan ng asawa mo. Gusto mo lang atang makalibot eh😂😎
Đọc thêmmas makakabuti kay baby ang alaga ng ina full time. responsibility ntin bilang nanay ang mag alaga s anak ska s panahon ngaun kaht malapit na kamag anak m na d parin pala mapagkakatiwalaan. ang pera kikitain at kikitain dn yan ska makkpagwork nmn pag malaki n c baby.. mas d mapapantayan ung sakripisyo n ilelet go m ung mga kaibigan. work. kapalit n baby... ako nagfulltime pero d nmn aq nalosyang..
Đọc thêmhindi naman po nakakataba o nakakalosyang ang fulltime mom nasa inyo parin naman po yun kung magpapakalosyang kayo..yung inip oo mararanasan niyo po yun pero mas ok na mag work nalang po kayo bukod sa makakatulong kayo sa asawa niyo di kayo maiinip ..kalaban talaga ng mga mommy ang inip tska sa inaraw araw yun at yun ang ginagawa di katulad pag nagwowork iba iba tao makakasalamuha mo..
Đọc thêmSana lahat gsto magwork hahaha. Ako ayoko sana magwork pero iniisip ko na gsto ko dn maibigay lahat sa baby ko. 😊 if si hubby lang magwork i dont think he can handle all the expenses, mas malaki kasi income ko at lalo madami ding demands si baby. Ayoko kasi tipirin si baby dahil first time parents din kami. Un nga lang need ipaalaga si baby. Kaya papalagay ako cctv.. mahirap na.
Đọc thêmAko nga ren e. Gustong gusto ko na ren magtrabaho.. Nung nalaman kong buntis ako di na ako nag work non. Pero ngayon ok na 2mos na si baby. Kaya lagi kong tinanong partner ko kung pwede na ko mag work dahil imbis na kame lang ung sinusustentuhan nya. Pati mama nya kasama sa sahod nya. Kawawa naman sya. May maiiwan naman sa baby ko kaya pursigido narin ako mag trabaho.
Đọc thêm
Mom of two barakos