Hoping to be a mother...

Tanong ko lang po, first time ko po kasing nabuntis at the age of 35, tagal po namin syang hinintay ng asawa ko mahigit 5years. Nagpa ultrasound po ako 7weeks and 3days, inexpect ng OB ko na meron ng heartbeat c baby, pero only the gestational sac 8w1d ang nakita nya at walang embryo. Pinatigil na ng OB ko ang paggamit ng pampakapit, hintayin ko nalang daw po na lumabas ang sac, na magbleed ako... Ang sakit sa pakiramdam na ganun ang marinig lalo na at first time ko mabuntis. Akala ko answered prayer na, sobrang nakakalungkot. Ano po ba dapat ko gawin mga sis????😭😭😭😭

24 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Wag ka mawalan ng pag-asa sis kami ng asawa ko 6years din naghintay 1st baby ko 8weeks nakunan ako. Tapos after 2months nagbuntis ako ulit akala ko rainbow baby ko na pero sinabotahe na nmn ako ng preeclampsia 32weeks ko ipinanganak si baby sadly 4days ko lang sya nakasama sa NICU pa kaya limitado ang oras ng dalaw ko sa baby ko. Pero kahit masakit yung mga pinagdaanan ko nagpapasalamat parin ako dahil buhay pa ako may chance pa para ipagpatuloy naming mag asawa ang pamilya namin😊 tiwala lang moms ibibigay ng panginoon ang mga hiling natin. Isipin mo nlng part yan ng paghahanda para sa big blessing na matatanggap mo. Sending prayers and wishes for you😘

Đọc thêm