BROKEN FAM

Sobrang nasasaktan ako kasi umiiyak yung anak ko 9y/o at nagmamakaawa na magbalikan na kami ng daddy nya. Pero di na pwede kasi matagal na kaming hiwalay (mahigit 3yrs na) at may kanya kanya ng bagong partner at ex ko engaged na sa iba. Sobrang hirap kasi yun lang yung hiling na di ko mabigay sa anak ko. Gusto ko ipaliwanag sa anak ko pero masyado pa syang bata para iexplain ko. (goods kami ng ex ko salitan kami sa mga anak namin (9&3y/o kakapanganak ko palang naghiwalay na kami, days palang nun si bunso), walang problema sa mga bata, talagang di na talaga kami nagkasundo) Goods naman both side nakakausap ng anak ko yung kinakasama ng ex ko at goods naman din anak ko sa kinakasama ko ngayon pero siguro bata di maiwasang isipin at naghohope pa rin na magbalikan kami ng daddy nya. Siguro nangungulila lang anak ko sa dating bonding namin nung buo pa kami, ngayon kasi watak na, nasa akin yung bunso, sya naman nasa side ng daddy nya kasi dun sya nag aaral, tas ex ko nasa malayo nagwowork bale kasama lang ng anak kong 9y/o is mga Grandparents nya. PAHELP KUNG ANONG PWEDENG GAWIN? Ps: wag nyo na po ako ijudge need ko lang ng advice sa mga same situation ko. Nakamoveon na kami ng ex ko pero yung anak naming panganay ang hindi pa.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

9 yrs old, medyo nakaka intindi na siya ng mga bagay bagay. Pakonti konti niyo iexplain sa kanya bakit ganon. Ganyan din situation ng mga pinsan ko. Pero madalas sila samin. Nun una medyo nahihirapan yung mga bata. Kasi naiinggit pero my mga ways para punan yung empty space na yon. Kung pwede weekly kayo mag bonding mag ina. Ipakita niyo sa kanya na kahit hindi kayo buo e mahal na mahal niyo siya, sila ng kapatid niya. Mag usap kayo ni ex mo sa co-parenting.

Đọc thêm

Anak talaga ang mag susuffer sa mga desisyon natin mga parents pero di naman natin pwedeng ituloy yung di na pwede. Ang masusuggest ko lang is kailangan mong ipaintindi sakanya ang sitwasyon niyo ni ex hubby. Wala naman ng ibang way po e.