Fetal Weight
Sobrang nag woworry ako kasi 1180g lang yung fetal weight ni baby and 32 weeks na ako, baka may mga kaparehas ako sa inyo mommies, ano po ginawa ninyo para lumaki si baby sa loob?
Ganyan din ako nung 32 weeks ko sa ultrasound sobrang liit ni baby. Marami akong ginawang lab test isa na dun yung OB DOPPLER dun daw malalaman kung okay ang baby mo at naka ilang ultrasound ako every week para ma monitor weight ni baby sa loob. Bago ako manganak ang fetal weight lang ni baby 2.6 pero nagulat OB ko pag ka panganak ko sobrang laki ni baby buti nagawa ko pa din ma normal 3.8 sya pagka labas. Kaya parang ayaw ko rin maniwala sa ultrasound sa pag base ng fetal weight . Hindi ako pinag diet pina increase pa pag kain ko kahit healthy food nakaka gain talaga ng weight ni baby sa loob, ang mali ko lang talaga nag panay rice din ako kase yun sabi no MIL hahaha
Đọc thêmOB ko nung sa lying in ako nagpaapcheck up niresetahan ako nung capsule na amino acid for 1 month naliliitan kasi sya. Feeling ko wala naman pinag bago kasi nung sa pgh na ko nagpapacheck up, 3 OB tumingin sakin maliit daw baby ko, nag double measure pa sila sa tyan ko. Tas sa ultrasound maliit din.. Nanganak ako at 40wks, 2.8kg baby ko. Feeling ko nasa baby talaga un kung maliit, kasi hindi naman ako nagbago ng kain, mas matakaw pa nga compared sa 2 pagbubuntis ko. Nag compare din ako ng mga maternity book ko noon, mas mabigat pa ung timbang ko.
Đọc thêmMas ok nga sayo..sakin medjo worry khit cnabi ng nag bps sakin tama lng daw timbang ni baby 33weeks by bps weighs 2.1kg..dko kc mpgilan mpkain ng kanin ng mrami,pti tinapay nkakabigat pla un😊hinay2 nko nto..29weeks nga ko nun 1500g na c baby sarap kc kumain,more kanin ka nlng sa umaga lng wag buong araw,ganun gnawa ko..kung gusto m tlga lumaki xa
Đọc thêm36wks ako 2.2kg lang si baby advised ng OB ko sakin eat more pa daw kasi maliit daw ang baby ko. Malakas ako magrice not sure bat maliit pa din si baby. I am now 37wks and sa Friday may scheduled BPS ulit ako to check yung weight ni baby bale pang 38wks ko na sa Friday. Goal namin is to reach kahit 2.5kg
Đọc thêmEat more rice,pero wag din sobrahan kase baka nman lumaki sya. Meron din nagsasabi na mga momsh na okay lang daw basta normal size sya,at paglabas nalang daw tsaka sya pabibigatin or patatabain. Pero kung ano po reco ng OB niyo yun ang sundin niyo.
kung di naman nababahala si ob there's no need for u to worry din po..sa labas mo na lang sya palakihin mamsh baka mahirapan ka pang manganak nyan pag lumaki si baby ng husto sa loob ng tyan mo..
sakin 35 weeks ako nun 1.7 lang daw si baby base sa CAS ultrasound. masyado daw maliit si baby. kinabukasan nanganak ako premature si baby 2.1 sya. minsan hindi rin tama yung nasa ultrasound🤗
Ako miii , Yung results ko lahat sa OB tinatanong ko , SINASABI ko talaga kung normal lang ba si baby kasi nakakapangamba Po lalo na pag first time mom .
Sakin naman overweight. 28weeks pero 1.2kg na sya. Malakas kase ako mag gatas. morning and evening everyday. tapos snacks pa. Ngayon iwas muna sa snacks.
mababa po yan mi kasi pag labas ng baby ung weight nila mababawasan pa po yan si baby ko 2.4kg nung nilabas declared sya as low birth weight